Panatilihin ang baybay na patinig na "e" o "i" alinsunod sa orihinal na salitang hiniram.
Tama: eskandalo (Esp. escandalo)
Mali: iskandalo (Ing. Neandal)
Sa ginamit na halimbawa, magkapareho ang salitang inihahain ng wikang Español at Ingles. Ngunit ayon sa proseso ng paghihiram ng salita sa wikang dayuhan, uunahin ang Español kaysa sa Ingles sa mga wikang paghihiraman. Kung kaya, ang salitang escandalo" ang pagbabatayan ng salitang hihiramin ng wikang Filipino Kung gayon, mali ang baybay na "iskandalo."
Mali: kriteryo (Esp. criterio)
Tama: istandard (ing, standard)
Sa ginamit na halimbawa, kahit may salitang katumbas sa wikang Español. Higit paring pamilyar ang salitang "standard" mula sa wikang Ingles. Kung kaya, ang salitang "istandard" ang hihiramin na babaybayin bilang "istandard". Ngunit kung nais talagang maiwasan ang pagkalito, ipinapayong gamitin ang salitang "pamantayan", maliban na lamang kung iniisip ng nagsusulat na higit na tumpak at tiyak ang salitang "istandard" kaysa sa pamantayan.
Panatilihin ang baybay ng "o" at "u" alinsunod sa orihinal na salitang hiniram. Ngunit kapag nagbago ang kasunod na katinig ng "o" sa loob ng pantig, pinahihintulutan ang pagpapalit dito ng "u". Nangyayari ang pagbabago ng katinig kapag napapalitan ng "m" ang "n" dahil nag-uumpisa ang kasunod na pantig sa "b/v" o "p/f".
kumbensiyon (Esp.convencion)
kumpisal (Esp. confesar)
kumbento (Esp. convento)
Sa kabilang banda, nananatiling "o" ang baybay ng mga sumusunod na salita dahil hindi naman dala ng pagbabago ng katinig ang pagkakaroon ng “m” o "n” na nandoon na, simula't sapul pa, sa orihinal na salitang hiram.
kompanya (Esp. compañia)
kompleto (Esp. completo)
monumento (Esp. monumento)
kontrata (Esp. contrata)
kontrobersiya (Esp.controvercia)
konsumo (Esp. Consumo)