Layunin:
1. Matukoy ang kahalagan ng mga pagbabantas
2. Mailarawan ang mga gamit ng bawat bantas
3. Ibahagi ang sa pangungusap ang bawat pagbabantas
Ang pagbabantas ay mga simbolo na nagpapakita ng ating kakayahang ayusin ang bagay na gusto nating sabihin. Mula sa mga simpleng paalala, magulong usapan, galit na pagtatanto, hanggang sa mga mahihina pero nakakapanghinang mga bulong at kwentuhang walang patutunguan. Ang bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang kahulugan ng mga salitang ating nabuo, mga pangungusap na nasa dulo ng ating mga dila. Nabibigyan diin ang mga bagay, nabibigyan ng taas o baba ang ating mga tinig at nabibigyan tayo ng ilang buntunghinga upang huminto, magpahinga at mag-isip sandali sa kalagitnaan ng kwento.