1. Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas 1987. art. IV, sek. 6, ang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas- Kaiba ang Filipino sa Tagalog at Pilipino. Isang rehiyonal na wika ang Tagalog na ginagamit ng mga naninirahan sa Gitna at Timog Luzon: Aurora, Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Metro Manila. Nueva Ecija, Quezon, at Rizal. Bagama't dating tinawag na Pilipino, pinalitan na ng Filipino ang pambansang wika dala ng naging pagbabago ng ortograpiya mula sa maka-Tagalog na abakada patungo sa higit na pinalawak na alpabetong binubuo na ng dalawampu't walong titik. Kinikilala ng ganitong pagbabago ang papel ng iba't ibang umiiral na wika sa Pilipinas (Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray. Kinaray-a, Maguindanao, Meranaw. Tausug, Yakan, atbp.) at iba pang wika (Hokkien, Mandarin, Español Ingles, Nihongo, atbp.), sa paglilinang ng wikang pambansa.
2. Dahil inilalarawan bilang wikang pambansa na patuloy pang binubuo, hindi nakapagtatakang may iba't ibang baryasyon ang wikang Filipino- Anumang kodipikadong baryasyon ang piliin ng nagsusulat, kinakailangan lamang maging konsistent sa ginawang pagpili. Ang pagiging konsistent ang isa sa mga hindi mababaling pamantayan sa pagsusulat.
Ipinahihiwatig lamang ng pagkakaroon ng mga baryasyon ang pagiging bukas ng pambansang wika sa mga pagbabago. Ngunit kailangang pag-ibahin ang baryasyong nagaganap sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa mga kodipikado nang baryasyong katanggap-tanggap na sa pormal na sulatin. Hindi katanggap-tanggap ang lahat ng baryasyon sa pormal na sulatin; kung hindi, ano ang pipigil sa ating gamitin sa pormal na sulatin ang salitang "chaka," "tsuva," at "talentado"? Iba ang wika sa pormal na sulatin sa wikang ginagamit sa kalye, sa wikang kolokyal at wikang balbal; iba rin sa wikang ginagamit sa sms, facebook, twitter mass media at social media. Nagpapahiwatig na may pinagaaralan ang isang taong may kinalaman sa pormal nating wika.
May tinatawag na gabay sa estilo (stylebook) upang linawin kung alin ang Latawan at kung alin ang ipinakikilala pa lamang na baryasyon. Kinakailangan ang matagal tagal na panahon upang mapagkasunduan nang Wing pormal ang isang baryasyon. Bukod pa sa usapin ng panahon at bilang mukakasundo nang gumamit, pinakamahalaga ang pagdaan sa isang proseso ng kodipikasyon. Sa ganitong paraan nagiging mahalaga ang pagbubuo ng mga diksiyonaryo na magsasaad kung katanggap-tanggap na ang baryasyon sa loob ng mga pormal na sulatin. Nagsisilbing mapagkakatiwalaang batis ng mga baryasyon sa pagbabaybay at paggamit ng salita ang mga diksiyonaryo.
Ilan sa mga mapagkakatiwalaang diksiyonaryo ng wikang Filipino ang mga diksiyonaryong binuo nina Jose Villa Panganiban, Teresita Ramos, Vito Santos, James English, at Virgilio Almario.
3. Huwag mag iisip sa Ingles at saka na lamang isasalin sa Filipino- May sariling integridad ang wikang Filipino na kaiba sa wikang Ingles. Mapapansing magiiba ang takbo ng utak kapagsisikaping mag-isip na kaagad gamit ang mga salita sa Pilipino. Kinakailangang kilalanin ang kaibahan ng paradigma ng wikang Pilipino sa wikang Ingles. Dahil din dito, bawal ang paggamit ng Taglish sa pormal na sulatin.
Halimbawa ng nag-iisip sa Ingles:
Maraming positibong naidudulot ang pagiging malusog. Ayon sa mga pag aaral, may epekto ang katawan ng isang tao hindi lamang sa pisikal na aspekto, kung hindi sa sosyal at mental na aspekto ng kanyang buhay din.
Bantayan kung paano hindi na nakawala ang isip ng nagsusulat nito sa pagpapantay ng mga termino sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping "-al" mula sa wikang Ingles (i.e physical, social, mental).
Kung iwawasto sa Filipino:
Maraming maidudulot na mabuti ang pagiging malusog sa isang tao Napagaganda nito ang kanyang katawan. pakikitungo sa kapwa, at pag-iisip
Halimbawa ng nag-iisip sa Ingles:
Parte na ng pang-araw araw na pamumuhay ng tao ang pagpapasya sa malaki man o maging sa maliit na bagay. At sa bawat desisyong kinahahantungan natin, tila'y maraming mga aspektong maaaring bigyang konsiderasyon Napapabilang dito ang pagiging madali at maginhawa ng isang bagay o gawain na siyang madalas na basehan sa tuwing gumagawa ng desisyon.
Bantayan kung paano nanggaling ang halos lahat ng termino sa Ingles (.e., part decision, aspect, consideration, basis); kung kaya, napipilitan na rin tuloy ang sintaks na sumunod sa mga pamantayan ng wikang Ingles.
Kung iwawasto sa Filipino:
Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng tao ang pagpapasya sa malalaki at maliliit na bagay. Bagama't maraming dapat pag-isipan sa bawat pagpapasya. madalas nagiging batayan kung napagagaan ba nito ang mga gawain natin
Iba pang halimbawa:
Ingles: He demanded an explanation.
Tama: Humingi siya ng paliwanag.
Mali: Nagdemanda siya ng eksplanasyon.
4. Bukod sa pagiging konsistent sa pagpili sa mga baryasyon, ang pagiging payak at malinaw ng pagpapahayag ang isa rin sa mga hindi mababaling pamantayan sa pagsusulat- Hindi tanda ng pagiging magalang ang paggamit ng malalalim na salitang Filipino na wala nang nakauunawa. Sa kabilang banda, bantayan din ang walang pakundangang paghihiram ng mga salita para lamang sa kapakanan ng pagiging makabago. Kinakailangan ang pagtitimbang dito sa bahagi ng nagsusulat. Mali ring isiping tanda ng paggalang ang paggamit ng mga idiomang higit lamang na nakapagpalabo sa nais sabihin. Maging tiyak at malinaw sa pagpapahayag. Higit na tanda ng paggalang ang pag-iwas sa mga gasgas nang pahayag at mga di-makatwirang paglalahat.