Ginagamit ang panipi upang magpahayag na iba ang punto bista ng nagbitaw ng mga salita; hindi ang nagsulat. Dalawahang panipi ang karani-wang anyo ng panipi.
Ginagamit sa pagsipi ng mga tuwirang pagsipi na hindi lalampas sa anim hanggang walong linya (hindi lalampas sa isandaang salita) sa kompyuter.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, nanggaling ang etimolohiya ng sanaysay sa pinaikli at pinaghugpong na pariralang "pagsasalaysay ng isang sanay" o "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay."
Ginagamit sa pagbukod ng pamagat ng artikulo, tula, sanaysay, at mga artikulong matatagpuan sa loob ng libro o lathalain.
Albert E. Alejo, S.J. "Sanayan Lang ang Pagpatay sa Sanayan Langang Pagpatay (Quezon City: High Chair, 2016), 61
Ginagamit din ang panipi bilang pagbubukod ng isang salitang nilikha lamang ng nagsusulat, na hindi pa kodipikado sa una nitong pagkakabanggit sa loob ng sulatin.
Ginagamitan ng panipi kapag ginagamit ang salita bilang salita. Katumbas nito ang gamit din ng italiko. Kinakailangan lamang maging konsistent ng nagsusulat kung panipi o italiko ang gagamitin.
Ginagamitan ng panipi kapag ginagamit ang mga salita bilang pang-uyam. Ibig sabihin, hindi talaga dapat unawain sa literal lamang na antas ang mga salitang nakapaloob sa panipi.
Tandaan ang mga sumusunod na pagbabago ng iba pang bantas sa pakikipag-ugnayan nila sa bantas ng panipi:
Bilang pangkalahatang tuntunin, sinasaklaw ng panipi ang anumang bantas na matatagpuan sa orihinal na sipi.
Pagbubukod din ang gamit ng panaklong. Pinagbubukod ng panaklong ang isang detalye upang ihiwalay sa pangunahing daloy ng idea.
Ginagamit ang panaklong sa mga paliwanag sa loob ng pangungusap.
Ipinagdiriwang ang kaarawan ni Dr. Jose Rizal (ang Pambansang Bayani ngPilipinas).
Ginagamit ang panaklong sa pagbubukod ng bilang o titik sa mga paglilista.
(a)
Ginagamit ang panaklong sa pagbanggit ng salin sa tala, at iba pang impormasyon
(aking salin)
(sic)
Ginagamit ang panaklong sa nakapanaklong na sanggunian at sa paglalagay ng petsa sa loob ng sulatin.
(Ramos, 87)
(1986)