Bilang pangkalahatang tuntunin, nawawala ang unang patinig sa pagbabaybay ng mga salitang may kambal-patinig (diptonggo), kapag siningitas ng “y” at “w” sa pagsulat. Mahihinang patinig ang “I” at “u” na natatabunan ng mga tunog ng mala-patinig na "y" at "w" Kadalasang matatagpuan sa mga salitang Filipino na hiram mula sa wikang Español ang diptonggong binube ng mahihinang patinig.
kompanya (Esp. compania)
akasya (Esp. acacia)
tesyente (Esp. teniente)
benepisyo (Esp. beneficio)
indibidwal (Esp. indibidual)
agwador (Esp. aguador)
Panatilihin ang dalawang patinig na "i" at "u" kahit singitan ng "w" o "Y kapag sumusunod ang diptonggo sa isang katinig sa unang pantig ng salita. Kung gayon, nakalilikha ng dalawang magkahiwalay na pantig ang diptonggo na binibigkas nang may diin sa ikalawang pantig.
piyano
siya
buwan
kuwento
puweta
Panatilihin ang dalawang patinig na "i" at "u" kahit singitan ng "w" o "Y kapag sumusunod ang diptonggo sa dalawa o mahigit pang kumpol ng mga katinig. Sa ganitong paraan, higit na nagiging malinaw ang pagpapantig ng mga kumpol ng mga katinig.
ostiya
impiyerno
eleksiyon
engkuwentro
biskuwit
Panatilihin ang dalawang patinig na "i" at "u" kahit singitan ng "w" o "y" kapag sumusunod ang diptonggo sa tunog na "h." Dahil mahinang karinig "h" na sinusundan ng mahihina ring patinig na "i" at "u". Mahalagang paniti lihin ang tunog na "" upang hindi mawala ang buong pantig
kolehiyo (Esp. colegio)
estratehiya (Esp, estrategia)
rehiyon (Esp, region)
Panatilihin ang dalawang patinig na "i" at" at u" kahit singitan ng "w" o "y" kapag nasa dulo ng salita ang diptonggo at may diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal. Kung gayon, nakalilikha ng dalawang magkahiwalay na pantig ang diptonggo, na binibigkas nang may diin sa unang pantig ng dating diptonggo
ekonomiya (Esp. economia)
pilosopiya (Esp. filosofia)
heograplya (Esp. geografia)
Hindi na kinakailangang lagyan ng "w" at "y" ang mga diptonggong binubuo ng malalakas na patinig ("a" "e" "o").
leon
baul
idea
ideal
teatro
Teorya