Ang wika ay may iba't ibang antas mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na uri nito. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Balbal - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao. Ito ay nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Salitang kalye o kanto ang ibang katawagan sa antas na ito. Sa antas ding ito napapabilang ang wika ng mga bakla. Gay Lingo ang tawag sa wika ng mga nasa ikatlong kasarian. Halimbawa: Erpat - tatay; Tipar - party; Syota - lover; bread pera. Ang Jejemon, aminin man natin, ay maihahanay sa antas na ito.
2. Kolokyal - Ang ordinaryong wikang ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasan ay malayang pinagsasama ang Ingles at Filipino. Slang ang ibang taguri rito.
Halimbawa:
"You're so matalino!",
"I will go to the library na kasi there are so many projects ako ngayon"
"Ah, oo, na-sight ko na ang house niya!"
3. Lalawiganin - Wikang ginagamit sa isang partikular na lugar o pook.
Halimbawa:
"Anya ti nagan mo?" (Ano ang pangalan mo?) - Ilokano,
"Mangan tamu" (kain na tayo) Kapampangan.
"yayao ka na ga?" (aalis ka na ba?) - Batangeno
4. Pambansa - ang wikang ginagamit sa buong kapuluan. Ito ang Wikang Filipino na ginagamit natin ngayon. Nauunawaan ng nakararami.
Halimbawa: Aklat, Ina, Ama, Dalaga, Masaya.
5. Pampanitikan - Wikang sumusunod sa batas ng balarila (gramatika) at retorika.
Halimbawa:
Mabulaklak and dila; ibig sabihin ay bolero
Kaututang dila; ibig sabihin laging ka chismisan
Balat sibuyas; ibig sabihin ikaw ay maramdamin
6. Bulgar o Taboo- ay ang pinakamababang antas ng wika tulad ng pagmumura at pagbanggit ng mga bahagi ng katawan (ang ganitong mga salita ay "bawal" sa kulturang Pilipino).