1. Iwasan ang paggamit ng "siya" bilang panghalip sa bagay- Sa kabilang banda, hindi ito ang panghalip pambagay sa wikang Filipino. Hindi katulad sa Ingles, walang panghalip pambagay sa wikang Filipino. Hindi katumbas ng "it" ang "ito" sa Filipino. Isang pantakda o panghalip pamatlig ang "ito." Higit na katumbas nito ang "this" at "that" sa wikang Ingles Ibig sabihin, may itinuturong direksiyon ang paggamit ng salitang ito." Sa kaso ng "ito," malapit sa nagsasalita ang tinutukoy, kaiba sa "iyan" at "iyon na malayo. Bukod sa pagturo ng direksiyon, nagtatakda rin ang "ito ng pagiging partikular ng tinutukoy nito.
Mali: Nasira ang cellphone ko. Nalaglag ko kasi siya.
Tama: Nasira ang cellphone ko. Nalaglag ko kasi ito.
Tama: Ito ang tagapangulo namin.
Tama: Siya ang tagapangulo namin
Ibig sabihin, malapit sa nagsasalita ang cellphone. Bukod dito, itinatakda rin nito na ito ang nalaglag na cellphone at wala nang iba pang cellphone. Bagama't pareho maaaring gamitin sa pagpapakilala ng tagapangulo ang “ito" at "siya," nagpapahiwatig ng malapitang pagpapakilala ang paggamit ng ito." Ngunit dahil iginagalang na tao ang tagapangulo, higit na akma ang paglalagay ng agwat sa pagitan ng tagapangulo at sa ipinakikilala sa kaniya. Kung gayon, higit na akmang gamitin ang "siya"
2. Kung makatatayo naman ang salita bilang pangngalan, hindi na kailangang gamitan pa ng panlaping makangalan- Maliban na lamang kung pangngalang basal ang nais buvin sa paggamit ng panlaping makangalan. Iwasang gamitin ang panlaping makangalan upang magpahiwatig lamang ng maramihan.
Maramihan: mga pulis
Pangngalang Basal: kapulisan
Maramihang Pangngalang Basal: Mga kapulisan
Kung nais ipahiwatig na maraming pulis, gamitin ang pahayag na "mga pulis." Tinutukoy ng "kapulisan" ang kabuuang institusyon na kinabibilangan ng mga pulis. Ibig sabihin ng pahayag na "mga kapulisan" maraming uri ng institusyon ng kapulisan, iba-ibang institusyon ng mga pulis. Magkakaiba sila ngunit tinutukoy sila rito bilang isahan
Iba pang halimbawa:
Hindi ko mailarawan ang kaligayahan namin sa pagbakasyon sa dagat.
Hindi ko mailarawan ang ligaya namin sa pagbakasyon sa dagat.
Bagamat parehong tama ang dalawang pangungusap sa itaas, higit na katang-gap-tanggap gamitin ang "ligaya" sa "kaligayahan" alang-alang sa kapayakan ng ideang nais ipahatid. Muli, nandito ang tuntunin ng pagiging madaling maintindihan ng mga pahayag pagdating sa pormal na sulatin.
3. Gumamit ng iisa lamang na tanda ng pangmaramihan sa paglalarawan.
Mali: maraming iba't ibang mga bulaklak
Tama: iba-ibang bulaklak
Tama: maraming bulaklak
Tama: mga bulaklak
4. Magkaiba ang "para" sa "upang". Isang pangatnig ang "upang." samantalang pang-ukol naman ang "para" Kadalasang ikinakabit sa "para" ang para sa at "para kay." Bilang pangatnig, ginagamit ang “upang" upang pag-ugnayin ang mga salita, parirala at pangungusap, magkatimbang man o hindi. Bilang pangukol, nagpapahiwatig ang "para" ng ugnayan sa pagitan ng mga salita sa loob ng pangungusap. Katumbas ang "upang" ng "to" sa wikang Ingles. Katumbas naman ang "para" ng "for" sa wikang Ingles.
Mali: Ginawa ko ang proyekto para pasayahin siya.
Tama: Ginawa ko ang proyekto upang pasayahin siya.
Tama: Ginawa ko ang proyekto para sa kanya.
5. Magkaiba ang "ng" sa "nang". Isang pang-ukol ang "ng" Bukod sa pagiging pangatnig, isa ring pang-abay ang "nang." Kapag pang-abay na pamanahon, katumbas ang "nang" ng "when" sa wikang Ingles. Katumbas naman ang "ng" ng "of" sa wikang Ingles. Ginagamit din ang nang" upang ilarawan ang aksiyon na ginagawa ng pandiwa.
Mali: Pinatay namin ang ilaw ng lumabas kami ng kuwarto.
Tama: Pinatay namin ang ilaw nang lumabas kami ng kuwarto.
Ginagamit din ang "nang” bilang pang-angkop ng inuulit na salita.
Tama: Palakas nang palakas ang suporta ng mamamayan sa kanya.
6. Bantayan ang kaibahan ng "nina” at “nila". Panghalip na pangmaramihan sa ikatlong panauhan ang "nila." Samantala, pananda ang "nina," kasama na ang "kina".
Mali: Pinuntahan nila Pedro at Juan ang opisina ko.
Tama: Pinuntahan nila ang opisina ko.
Sa ginamit na halimbawa, hindi na kinakailangang banggitin ang mga pangalan nina Pedro at Juan bilang sila na nga ang nais palitan o halipan ng panghalip na "nila”
Tama: Pinuntahan nina Pedro at Juan ang opisina ko.
Sa ginamit na halimbawa, nagsisilbing panandang pangmaramihan ang "ning para kina Pedro at Juan. Kauri ang "nina" ng panandang "ni" na pang-isahan naman.
Mali: Pumunta ako kila Pedro at Juan.
Tama: Pumunta ako kina Pedro at Juan.
Sa ginamit na halimbawa, hindi na kailangang banggitin ang mga pangalan nina Pedro at Juan bilang sila na ang mga palitan o halipan ng panghalip na "nila"
Tama: Pinuntahan nina Pedro at Juan ang oipisina ko.
Sa ginamit na halimbawa, nagsisilbing panandnag pangmaramihan ang "nina" para kina Pedro at Juan. Kauri ang "nina" ng panandang "ni" na pang-isahan naman.
Mali: Pumunta ako kila Pedro at Juan.
Tama: Pumunta ako kina Pedro at Juan.
Walang salitang "kila" sa wikang Filipino. Mapapansing pinagsamang tunog ng "kina" at "nila" ang "kila" ng isang nalilito sa kaibahan ng panghalip at pananda
7. Bantayan ang kaibahan ng "tiga-" sa "taga-" Ginagamit ang "taga-" sa pagtukoy ng isang lugar o sa paggawa ng isang kilos.
taga-Maynila
tagatala
Huwag ring ipagkakamali ang "tiga" sa unlaping "tig-" "tigi-" o "tiga-" na ikinakabit sa pamilang. Sa pagbabanghay ng unlaping "tigi" at "tiga-"inuulit nang buo ang unlaping "tigi-" at ikinakabit sa pamilang na tinanggalan ng unang pantig, hanggang sa ikaapat na bilang.
tigi-tigisa
tiga-tigalawa
tiga-tigatlo
tiga-tigapat
tig-lilima
tig-aanim
8. Ginagamit ang pariralang "kung saan" bilang pantukoy sa isang hindi tiyak na lugar. Hindi ginagamit ang "kung saan" bilang salin ng "wherein," at "in which sa wikang Ingles. Gamitin ang "na" sa halip na kung saan", kung hindi man, baguhin ang kabuuang ayos ng pangungusap
Halimbawa:
Mali Bumaba ako ng barko kung saan siya nakasakay.
Tama Bumaba ako ng barkong sinakyan niya.
Mali Nahihilig ako sa Pilosopiya kung saan pinag-aaralan namin si Aristoteles.
Tuma: Nahihilig ako sa Pilosopiya dahil pinag-aaralan namin dito si Aristoteles.
Tama: Ipinasyal ako ng kasintahan ko sa kung saan