Binubuo ng pinagsamang tuldok at kuwit ang tuldok-kuwit. Pinagkakabit nito ang magkahiwalay at ganap na pahayag na may magkatulad o magkaugnay na kahulugan.
Ginagamit ang tuldok-kuwit sa pagitan ng mga sugnay ng pangungusap na tambalang pinag-uugnay ng mga pangatnig tulad ng "samakatwid," "yamang," "bukod dito," ngunit," at iba pa. Kung tutuusin, maaari namang ibukod na sa isa pang pangungusap ang mga sugnay na makapag-iisa, ngunit higit makikita ang pagtatambal na ginagawa kung gagamitan ng tuldok-kuwit.
Hikahos sa pilak ang makata; gayon man, mayaman siya sa pangarap.
Ginagamit ang tuldok-kuwit sa pagitan ng mga sugnay na tambalan kung ahindi pinag-uugnay ng pangatnig.
Mabuti ang pagbabasa; pumupukaw at nagpapaunlad ito ng kaisipan.
Ginagamit ang tuldok-kuwit sa mga lubhang komplikadong serye dahil kina-
papalooban ng maraming bantas.
Sa pagbubukas ng bagong restoran ni Letty, halos 20% agad ang naibalik sa
kanyang puhunan; nitong Disyembre, 15%, at sa buwang ito, 10%
Ginagamit ang tuldok-kuwit sa paghihiwalay ng mga detalye o sangkap na ginagamitan na ng iba pang bantas.
Hen. 2:3-6: 3:15. 17: 6:5.14
Binubuo ng dalawang magkapatong na tuldok ang tutuldok.
Ginagamit ang tutuldok sa pagpapakilala ng magkakasunod-sunod na parirala o pangungusap.
Nagkakaloob ng kaalaman ang mababait at may mabuting loob na mga manunga. Sila ang pinagmulan ng mga sumusunod: sining ng paggagamot sa pamamagitan ng iba't ibang pamamaraan (tabang): ang sining ng pagga-gamot sa pamamagitan ng halamang gamot (ubat o ururu); lahat ng uri ng mga anting-anting (pangti) sa pangangaso, sa panunumpit, pangingisda, pangangalap ng pagkain, sining ng pagsasalita, gayuma sa pag-ibig, labanan, digmaan, panganganak, at lahat ng anyo ng kahusayan (kapandayan): at ang panghuli'y ang mga tultul o awiting epiko, ang pinakamahalagang handog sa mga Tunay na Tao ng Mabubuting Tao, ang kalahati ng di-nakikitang sang- katauhan na patuloy na nakikisalamuha sa mga tao sa daigdig na ito.
Ginagamit ang tuldok-kuwit sa mga lubhang komplikadong serye dahil kina- papalooban ng maraming bantas.
Sa pagbubukas ng bagong restoran ni Letty, halos 20% agad ang naibalik sa kanyang puhunan; nitong Disyembre, 15%, at sa buwang ito, 10%
Ginagamit ang tuldok-kuwit sa paghihiwalay ng mga detalye o sangkap na ginagamitan na ng iba pang bantas.
Hen. 2:3-6: 3:15. 17: 6:5.14