Maikli lamang ang gitling (Ing. hyphen) kung itatambis sa gatlang (Ing. dash). Kadalasang ginagamit ang gitling sa paghihiwalay ng mga tunog.
Ginagamit ang gitling sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig.
pag-asa
pang-ulo (may pagtukoy sa ulo)
pangulo (pinuno)
Ginagamit ang gitling sa pagitan ng mga panlaping "maka-," "taga-" "pa" at ng mga pangngalang pantanging ikinakabit sa kanila. Ginagamit ang gitling kahit nagtatapos sa patinig ang unang pantig kapag pangngalang pantangi ang kasunod.
maka-Rizal
taga-Cebu
pa-Mandaluyong
Sa kabilang banda, walang gitling kapag nagtatapos ang panlapi sa patinig at nagsisimula sa katinig ang salitang-ugat,
tagalinis
papunta
makabayan
Ginagamit ang gitling sa pagitan ng panlaping "magsa-"at ng salitang-ugat. "Naging" ang ibig sabihin ng "magsa-" Sa ganitong paraan, mabilis makita kung naging ano ang tinutukoy.
magsa-aso
magsa-tubig
Ginagamit ang gitling sa pagitan ng "di" (pinaikling "hindi") at ng pinangungunahang salita. Kadalasang nagkakaroon ng kahulugang idiomatiko, na tila kasabihan; malimit na kasalungat ng orihinal nito, at malimit may mapagbiro o mapang-uyam na tinig.
di-masaya
di-mahipo
di-maitulak-kabigin
Mas mahaba sa gitling ang gatlang. Ginagamit kadalasan ang galang sa paghihiwalay ng impormasyon. Higit na nalalapit sa panaklong ang gamit ng gatlang. May dalawang uri ang gatlang: ang gatlang en "-": en dash), at gatlang em ("-"em dash). Higit na mahaba ang gatlang em dash kaysa sa gatlang en
Ginagamit ang gatlang upang magsaad ng pansamantalang pagtigil sa pagbasa o daloy ng idea at sa pagdidiin sa paliwanag. Hindi nilalagyan ng patlang sa pagitan ng gatlang em at sa mga pinagkakabit nitong salita. Walang magagawa ang karamihan-kahit magplano sila nang masama-sapagkat makikita ng mga tao ang kabutihan ng plano.
May mga publikasyon ding ginagamit ang galang sa pagsulat ng mga diyalogo, lalo na kung magkakasunod na magkakahiwalay na talata. Pinapalitan ng gatlang dito ang papel ng panipi.
-Sigurado ba siya?
-Oo.
Gumagamit ng gatlang en sa pagsaklaw ng panahon. "Hanggang ang ibig sabihin ng gatlang dito.
1882-1903
Hulyo 23, 1854-Mayo 13, 1903
Ginagamit ang kuwit upang magpahiwatig ng pansamantalang pagtigil sa daloy ng idea. Ipinahihiwatig din nito ang pansamantalang paghinto at paghinga sa gitna ng pagbasa.
Ginagamit ang kuwit sa paghihiwalay ng mga sugnay ng mga pangungusap na tambalang pinag-uugnay (pinaghahawig man o pinagsasalungat) ng "at," "ngunit," "subalit," "datapwat," at iba pa.
Ginagamit ang kuwit sa pagbubukod ng mga bulalas, madamdaming pahayag, at iba pang nakatutulad na sangkap na nagbibigay ng malinaw na patlang sa daloy ng pangungusap.
Ay, nagliwanag din ang lahat.
Ginagamit ang kuwit sa paghihiwalay ng pamuno sa ibang bahagi ng pangungusap
Kilala si Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, sa ibat ibang bahagi daigdig.
Ginagamit ang kuwit sa paghihiwalay ng "oo" at "hindi" sa iba pang bahagi ng pangungusap.
Oo, may natitira pa tayong pagkain.
Ginagamit ang kuwit sa pagbanggit ng mga sunod-sunod na salita, parirala o sugnay. Nilalagyan ng kuwit bago ang pangugnay sa pagtatapos ng serye. Maaaring palitan ng kuwit ang mga detayeng naipahiwatig na sa unahan ng serye.
Bumili ka ng mantekilya, keso, hamon, at itlog.
Sa pagbubukas ng bagong restoran ni Letty, halos 20% agad ang naibalik sa kanyang puhunan nitong Disyembre, 15%, at sa buwang ito, 10%.
Ginagamit ang kuwit sa paghihiwalay ng mga pagpapakahulugan sa loob ng isang entri sa glosaryo.
Binto, bento. Span. 'viento' (Span.), 'hangin. Kabayo binto, kabayong hangin, kabayong nakalilipad.
Ginagamit ang kuwit sa mga palagyong panawag.
Bata, nakita mo ba ang aking bag?
Ginagamit ang kuwit sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap. Ipinapasok ang kuwit bago ang panapos na panipi.
"Itapon mo na ang basura." sabi niya.
Ginagamit ang kuwit sa pagbubukod ng mga detalye sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa tirahan, petsa (kapag buwan-petsa-taon), at pangalan (kapag una ang apelyido).
Panginay, Bigaa, Bulacan
Oktubre 23, 2015
Reyes, Mark S.
Ginagamit ang kuwit sa pagpapangalan kapag inuuna ang apelyido, kaysa sa pangalan. Inihihiwalay din nito ang mga panlapio pedigree sa gitnang inisyal o unang pangalan, sa pabaliktad na ayos ng pangalan.
Reyes, Marks
Reyes, Mark S.. Ir
Ngunit, hindi na nilalagyan ng kuwit upang paghiwalayin ang mga panlapi o pedigree. (Jr, Sr., III) sa karaniwang ayos ng pangalan.
Mark S. Reyes Jr
Mark S. Reyes III
Ginagamit ang kuwit sa katapusan ng bating pambungad at bating pang- wakas kung malapormal.
Mahal kong kaibigan
Lubos na gumagalang.