Ginagamit ang tandang pananong sa pagpapahayag ng tanong, o usisa, o alinlangan.
Saan ka tutungo?
Sigurado ka na ba sa pasya mo?
Ginagamit ang tandang pananong sa pagpapahayag ng pag-aalinlangan sa
sinundang pahayag.
circa 1800?
Ang Paggamit ng Tandang Pandamdam
Ginagamit ang tandang pandamdam sa pagpapahayag ng bugso ng damdamin, sigaw o pahayag na mapang-uyam.
Aray! Nasugatan ako!
Iwasan ang doble o higit pang pandamdam. Sapat na ang isang tandang pandamdam upang ipahiwatig ang bugso ng damdamin
Mali: Diyos ko po!!!!
Tama: Diyos ko po!