1. Isa sa mga paraan ng pagpapaunlad ng wikang pambansa ang modernisasyon ng wikang Filipino- Layunin nitong iangkop ang wika sa mga bagong tungkulin na iniaatang sa wikang pambansa at tugunan ang mga pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang Filipino. Kailangan nga lamang linawin kung ano ang ibig sabihin dito ng modernisasyon.
Una, hindi nangangahulugang pagtakwil sa mga "lumang salita ang pagangkop sa mga bagong" salita. Hindi dapat langkop ang mga bago para lamang sa kapakanan ng pagkakaroon ng bago. Hindi rin dapat tanggihan ang paggamit sa mga lumang salita dahil lamang sa kanilang pagiging luma. Higit pa sa usapin ng pagiging luma at bago ng kung ano ang uso at napapanahon o gasgas at napag-iwanan ang ibig sabihin ng modernisasyon. Kapag nagkagayon, magiging bihag at ipauubaya na lamang natin ang kultura natin sa mga puwersang pang-ekonomiko, kung ano ang bumebenta at kung ano ang hindi.
Ikalawa, hindi nangangahulugang malawakang paghihiram mula sa wikang Ingles ang modernisasyon. Bagama't nakilala ng kulturang Filipino ang modernong tradisyon mula sa mga Amerikano, huwag dapat ipagkamali na magkasingkahulugan ang pagiging Amerikano at pagiging moderno. Tinutukoy ng modernisasyon ng wika ang kakayahan ng wikang makaagapay sa mga pagbabagong nangyayari sa pangkalahatang kapaligiran.
2. Nakaaagapay lamang ang isang wika sa mga pagbabago kung may kakayahan ang wika na pangalanan ang partikularidad ng karanasan ng tao, sabay ng kakayahahang mapangalanan ang matatayog na ideang abstrakto- Kung gayon, kinakailangan ang magkasabay na husay ng isang wika na maging eksakto at maging mapaglahat. Ang pagiging tumpak at abstrakto ang dalawa sa katangian ng maka-agham na pag-iisip na siyang muhon ng modernong tradisyon.
Bilang halimbawa, hindi katanggap-tanggap ang paghiram sa salitang "chair." "cheyr." o "tseyr" dahil lamang nalulumaan na tayo sa salitang "upuan." Sa kabilang banda, hindi rin naman nakapagpapaunlad sa wika ang paggamit sa salitang "upuang de-gulong" upang pangalanan ang "wheelchair." Hindi tumpak ang "upuang de-gulong" dahil hindi naman masasabi kung "wheel chair" ang lahat ng tinutukoy ng upuang de-gulong." Samantala, kapag sinabing wheelchair" pumapasok na kaagad sa isip ang konteksto ng pagkakaroon ng ospital at ang kabuuang kultura ng pag-aalaga sa mga may sakit sa loob ng nasabing establisimyento. Kinakailangan ang ibayong pag-iingat sa pag-unawa sa kahulugan ng modernong salita sa konteksto ng kulturang Filipino.
Kaakibat nito, kailangan ding huwag kalilimutan ang paggamit ng salitang "tumba-tumba" para sa "rocking chair" Bihira man gamitin sa kasalukuyan ang "tumba-tumba," hindi katanggap-tanggap na basta na lamang gamitin ang "rocking chair" nang walang pasintabi sa "tumba-tumba." Nangangailangan lamang ng muling popularisasyon ng salitang "tumba-tumba." Ang muli at palagiang paggamit ng mga lumang termino ang magsisilbing muling pagbuhay nito at paglagay muli sa sirkulasyon nang hindi mamatay. Kung kaya, ang pagtanggap sa paggamit ng magkakasabay na "upuan." "tumba-tumba" at "wheelchair" ang masasabing isang magandang halimbawa ng modernisasyon ng wikang Filipino. Nahuhuli ng tatlong salita ang partikularidad ng karanasan ng pagkakaroon ng upuan sa kultura natin.
Kung palalalimin pa, higit na partikular ang pagpapangalan ng wikang Filipino sa karanasan ng "palay" sa ating kultura. Higit na tumpak ang mga salitang "palay." "bigas," "kanin." "lugaw.""tutong." "bahaw." "sinangag" kung itatambis sa iisa lamang na salitang "rice" sa wikang Ingles. Kung gayon, sa karanasan ng palay, maaaring masabing higit na modernisado ang wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles: huwag nang isama ang kakayahan ng wikang Filipino na ilarawan ang iba't ibang pagkakaluto ng kanin: maanta, malata, malabsak, malagkit, at iba pa.
Sa pagpapangalan naman sa matatayog na idea, nandoon din ang mga salitang "kalooban." "budhi" atbp. Sa kabilang banda, humihiram din ang wikang Filipino ng pamamaraan ng pagpapangalan sa mga abstraktong konsepto sa wikang Español at Ingles. Halimbawa, ang paggamit ng mga panlaping "-ismo." "-ion." atbp.
pormalismo (Esp. formalismo)
komunismo (Esp. comunismo)
transportasyon (Esp. transportacion)
populasyon (Esp. populacion)
3. Bilang pagbubukas ng wikang pambansa sa mga salitang maaaring hiramin sa mga rehiyonal at dayuhang wika, dinagdagan ang dating abakadang Pilipino (a, b, k, d, e, g, h, i,l, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w,y) ng walo pang titik (c,f.j,q, v, x, z)- Ibig sabihin, maaari na ring marinig sa wikang Filipino ang mga tunog na dati-rati, nalilikha lamang ng mga wikang rehiyonal. Halimbawa, wala nang makapipigil na maisama sa talasalitaan ng wikang Filipino ang "feyu" (pipa na yari sa bukawe o sa tambo) ng Kalinga. "masjid" (gusaling sambahan ng mga Muslim) ng Mëranaw, at "julup" (masamang ugali) ng Tausug nang hindi binabago ang kanilang pagkakabaybay sa wikang rehiyonal.
Kinikilala nito na may sariling determinasyon ang wikang rehiyonal, katulad ng may sarili ring determinasyon ang wikang pambansa. Nakasalalay na lamang sa paggamit at pagkaunawa ng higit na nakararami sa nasabing termino at pagkokodipika rito sa mga diksiyonaryo ng wikang Filipino. Halimbawa, hindi naman matatagpuan ang lahat ng salitang Ilokano sa diksiyonaryong Filipino, bagama't nakapagpapayaman ang wikang Ilokano sa wikang Filipina sayundin ang wikang Filipino sa wikang Ilokano.
Maaari na ring maiwasto ang mga dating pag-aangkop sa mga rehiyonal na termino na ibinaybay sa abakadang Pilipino.
Mali: ladyi
Tama: laji
Mali: Ipugaw
Tama: Ifugao
4. Sa kaso ng titik "j" kakatawanin nito sa wikang Filipino ang tunog na "dyey" at hindi "ha". Halimbawa. "Jambangan" (Tausug), "jantung" (Tausug), "sinjal" Ibaloy), "jinjin" (Ivatan), at "ijang" (Ivatan). Ngunit hindi eksklusibo sa "j" ang tunog na "dyey." Maaari ring katawanin ang tunog na "dyey" ng titik "g" kapag sa wikang Ingles hiniram ang salita katulad ng "generator" at "digest" na maaari nang hiramin nang buo.
Sa kabilang banda, hindi na kailangang ibalik ang "j" sa nakodipika nang "dyip", "dyanitor" at "dyaket." Ibig sabihin, palaging "dyey" ang bigkas ng titik "j" sa anumang salitang Filipino na hindi nagmula sa wikang Ingles. Kapag nagmula sa wikang Ingles ang hiniram na salita, maaaring titik "g" o titik "j" ang kumatawan sa tunog na "dyey" depende sa gamit ng salita.
5. Tingnan sa flow chart ang daloy ng pagdadaanang proseso sa paghihiram ng mga salita. Bilang flow chart, nakaayos ang mga hakbang mula sa pinakamahalagang prinsipyo patungo sa mga detalye at pagbibigay ng mga kuwalipikasyon. Kinakailangang basahin ng sinumang nagbabalak humiram ng salita mula unang tuntunin hanggang pinakahuli bago magpasya kung ano at paano hihiram ng salita. Magkakaugnay ang lahat ng bahagi. Hindi maaaring tumalon agad patungo sa isang seksiyon nang hindi pa dumadaan sa mga nauna.
6. Sa paghihiram ng mga salita, tiyakin na munang wala ngang katumbas na salita sa mga salita sa Filipino o sa mga rehiyonal na wika- Kung mayroon naman pala. gamitin ang natuklasang salita. Kung mayroon naman sa rehiyonal na wika, ngunit wala pang gumagamit, gamitin nang mapalaganap.Balang-araw, kapag lumaganap nga, maaaring maging kabahagi na ang ginamit na termino ng kabuuang talasalitaan ng wikang Filipino.
gahum (Cebuano, hegemonic power)
ilahas (Hiligaynon, wild)
rabaw (Ilokano, surface)
lawas (Cebuano, katawan, ngunit higit na mahalaga, maaari ring "body of work")
7. Parating buo ang paggamit ng mga wikang rehiyonal sa wikang Filipino. Ibig sabihin, susundin ang pagkakabaybay sa pinanggalingang rehiyonal na wika. Sa paggamit ng mga salita sa wikang rehiyonal na may mga diakritiko, panatilihin ang pagbaybay nang may diakritiko kapag iniangkop na sa wikang Filipino. 5.8 Kung wala talagang matagpuang salita sa mga wikang nasa loob ng Pilipinas, unang konsultahin ang wikang Español, kasunod ang wikang Ingles. Walang problema kung magkalapit o magkapareho ang salitang inihahain ng Español at Ingles. Kailangan lamang sundin ang pagbabaybay sa wikang Español na higit na malapit sa wikang Filipino sa palapantigan. Sa ganitong tuntunin, kinikilala natin ang pinagdaanang kasaysayan ng bansang Pilipinas. Wala ring problema kung Español lang o Ingles lang ang may maihahaing salita. Piliin ang kung ano ang mayroon. Ngunit kung pareho may mahihiram na salita mula sa Español at Ingles, ngunit magkaibang-magkaiba ang mga salita, piliin ang higit na mauunawaan at pamilyar sa kulturang Filipino.
nibel (Esp. nivel; Ing. level)
Dahil dapat unahin ang paghiram sa wikang Español, higit na ipinapayong gamitin ang "nibel," kaysa sa anumang pagbabago ng baybay ng salitang "level". Huwag gagamitin ang "lebel" o "libel" na maaari pang maipagkamali sa "difamasyon." Iba pa rin ang "libelo" na maaaring mangahulugang panunuya lamang sa wikang Español, at hindi agad paninira.
korni (Ing. corny: Esp. cursi)
Kahit pa may salitang "cursi" sa wikang Español, higit nang pamilyar ang mga Pilipino sa salitang "korni" na nagmula sa salitang Ingles na "corny." Kung gayon, ipinapayong gamitin ang binagong baybay na "korni."
espesyal (Esp. especial) ispesyal (Ing. special)
Dahil magkatulad na magkatulad at parehong pamilyar ang inihahaing salita ng Español at Ingles, unahing hiramin ang Español. Kung kaya, babaybayin nang ayon sa batas ng pagbaybay ng orihinal na Español
8. May dalawang pamamaraan ng paghihiram mula sa mga dayuhang salita- Una, ang paghihiram nang buo. Ibig sabihin, hindi binabago ang pagkakabaybay ng salita mula sa dayuhang wika sa pagkakaangkop nito sa wikang Filipino. Ikalawa, ang pagbabago sa pagkakabaybay sa wikang Filipino nang ayon sa tuntuning kung ano ang bigkas, siya ang baybay.
9. Pinapayagan ang paghihiram nang buo sa kaso ng mga dayuhang salita kapag masasabing bagong-bago ang salita; ibig sabihin dito ng bago ang hindi pa kailanman nakokodipika sa mga diksiyonaryo ng wikang Filipino- Kapag nakodipika na kung gayon sa mga diksiyonaryo, hindi na maituturing na bago. Kung bagong-bago ang dayuhang salita, hindi na kailangang baguhin ang baybay. Kung kaya, maitatanong kung may bagong-bago ba talagang dayuhang salita? Mayroon. Sa patuloy na pagkaunlad ng wikang dayuhan, nakabubuo pa rin sila ng mga bagong salita sa pamamagitan ng kanilang pagiging malikhain.
agritourism
audiophile
bromance
buzzword
chatroom
daycation
dramedy
emoji
emoticon
fandom
hotspot
infomercial
infotainment
meme
netizen
selfie
staycation
tweet
unfriend
vape
chick lit
citizen journalism
cyberbully
cybercafe
fashionista
flashmob
geek
hashtag
newbie
photobomb
road rage
videophile
wiki
zumba
10. Pinapayagan ang paghihiram nang buo sa kaso ng mga dayuhang salita kapag masasabing teknikal ang salita.
cell
El Niño
La Niña
carbon dioxide
ozone layer
God particle
habeas corpus
11. Pinapayagan ang paghihiram nang buo sa kaso ng mga dayuhang salita kapag pangngalang pantangi ang nais hiramin.
Coke Xerox
Sa kaso ng mga pangngalang pantangi na nagkaroon na rin ng mga kodip-ikadong baybay, itinuturing ang dalawang baybay bilang mga baryasyon. Konsultahin ang Atlas ng mga Bansa sa Mundo (2015) na inilimbag ng Komisyon ng Wikang Filipino para sa opisyal na salin ng pangalan ng mga bansa sa labas ng Pilipinas. Kinakailangan lamang maging konsistent ng nagsusulat sa pagpili ng baryasyon.
China
Germany
Japan
Spain
United Kingdom of Britain
and Northern Ireland
China
Alemania
Japón
España
Reino Unido de Gran Bretaña
e Irlanda del Norte
Ibig sabihin, kapag ginamit na ang baybay na Alemania, hindi na maaaring gamitin ang baybay na Spain sa loob ng parehong sulatin.
12. Pinapayagan ang paghihiram nang buo sa kaso ng mga dayuhang salita kapag hindi na makilala kung babaguhin pa ang baybay nang ayon sa tuntuning kung ano ang bigkas siya ang baybay. Kabilang na sa mga ganitong kaso ang mga pagbabago ng baybay na nagiging katawa-tawa o kakatwa na, at higit na mahirap pang basahin ang bagong anyo kaysa sa orihinal.
pizza
mix
jazz
jam
zebra
cauliflower
sandwich
salvage
bouquet
jet
Halimbawa, hindi puwedeng gamitin ang salitang "sosyal" bilang baybay ng "social." Samantalang tinutukoy ng salitang Ingles na "social" ang lipunan (society), tinutukoy naman ng "sosyal" ang katangian ng pagmamataas sa kinalulugarang antas-panlipunan. Kung gayon, iba ang kahulugan ng "sosyal" sa "social." Sa ganitong pagkakataon, gamitin ang "panlipunan" bilang pagsasalin, at hindi na paghihiram, ng salitang "social." at ang "uring panlipunan" bilang pagsasalin naman ng "social class."
13. Pinapayagan ang paghihiram nang buo sa kaso ng mga dayuhang salita kapag masasabing nasisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon o pampolitika kapag binago pa ang baybay nang ayon sa bigkas.
feng shui
chopsuey
pharaoh/ pharaon
jujitsu
czar
14. Pinapayagan ang paghihiram nang buo sa kaso ng mga dayuhang salita kapag masasabing higit nang popular ang anyo ng baybay ng hinihiram na salita,
sale
duty free
screen
billboard
internet
website
network
jiggle
15. Pinapayagan ang paghihiram nang buo sa kaso ng mga dayuhang salita kapag masasabing lumilikha ng kaguluhan ang pagbabago ng baybay dahil may kahawig na salita sa Filipino
baguette vs. bagets
Halimbawa, kailangang may "h" pa rin ang "humanismo." "humanista:"humanidades," at "humanitaryo." Nanggaling ang salitang-ugat ng mga nabanggit sa "humano na may "h" na maaaring maipagkamali sa salitang umano sa wikang Filipino.
Sa mga nakodipika na ang bagong pagkakabaybay ngunit hiniram sa mga dayuhang salita, hindi na kailangang ibalik pa sa dating baybay. Kailangan lamang balikan ang Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-Laktaw, at Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban, upang magkaroon ng idea kung gaano na kalawak ang ginawang paghihiram natin sa wikang Español at Ingles. Sa labis na lawak na, hindi na pangangailangan at praktikal ang muling pagbabalik ng mga salitang hiniram sa orihinal nilang baybay. Kabilang na rito ang mga neolohismo sa pagbuo ng salitang kinikilala ang pagkakaugat sa wikang Español, sa pamamagitan ng paggamit ng mga hulaping -ismo," "-idad." "-era (-ero)." "-ista (-isto)" "-ica (-ico)." "-ia (-io)." na hiniram din lamang mula sa mga wikang Griyego, Italyano, at Latin.
pirma (Esp. firma)
bintana (Esp. ventana)
kalye (Esp. calle)
anarkista (Esp. anarquista)
imperyalista (Esp. imperialista)
kimiko (Esp. quimico)
pormal (Esp. formal)
impormal (Esp. informal)
pormalidad (Esp. formalidad)
depormidad (Esp. deformidad)
Inhenyero (Esp. ingeniero)
kahero (Esp. cajero)
parmasyutiko (Esp. farmaceutico)
nobyo (Esp. novio)
baryo (Esp. bario)
ekolohiya (Esp. ecologia)
zoolohiya (Esp. zoologia)
Sa kabilang banda, may mga pagkakataong nagkakasundo ang mga gumagamit ng salita na huwag sundin ang ganitong tuntunin upang makaiwas sa mga nakalilitong pagpapakahulugan. Higit na ginagamit ang "kritisismo" (Ing. criticism) kaysa sa "kritika" (Esp, critica), "kritiko" (Esp. critico) kaysa sa "manunuri" (Tag. magsusuri), "siyentista" (Ing.scientist) kaysa sa "siyentipiko" (Esp. cientifico), "sikolohista" (Ing. psychologist) kaysa sa "sikologo (Esp.psicologo)
16. Kinakailangan ang muling pagbaybay nang ayon sa bigkas sa paghihiram ng mga karaniwang dayuhang salita na hindi nakapasok sa naunang mga tuntunin. Dahil karaniwang salita ang tinutukoy dito (i.e. hindi teknikal na salita, hindi pangangalang pantangi, bagong-bago, at hindi lumilikha ng kalituhan kapag binago ang baybay), ang pagbabago ng kanilang baybay ang mismo nang kodipikasyon sa kanila. Sa pagbabago ng baybay, bantayan ang orihinal na wikang pinaghihiraman, kung Español ba o Ingles, dahil susunod pa rin sa tuntunin ng pagbabanghay sa wikang pinaghiraman, sakaling nakabanghay ang salitang hihiramin.
herarkiya (Esp. jerarquia; Ing. hierarchy)
herarkiko (Esp. jerarquico; Ing. hierarchical / hierarchic)
imahen (Esp. imagen; Ing. Image)
aspekto (Esp. aspecto; Ing. aspect)
kontemporaneo (Esp. contemporaneo: Ing. contemporary)
17. Sa paghihiram ng mga bagong salita, may tatlong pamamaraan ng pagpasok sa kanila sa pormal na sulatin. Una, nandoon ang pagtanggap na nito nang buong-buo sa loob ng sulatin nang hindi ginagamitan ng panipi o italika, katulad ng mga kodipikado nang mga rehiyonal at dayuhang salita dahil napasama na sa mga diksiyonaryong Filipino. Hindi na rin ginagamitan ng panipi italiko ang mga di-karaniwang dayuhang salita (mga pangngalang pantangi lamang) at mga karaniwang dayuhang salita na binago na ang pagba baybay. Ang muling pagbabaybay na mismo ang nagsisilbi nang kodipikasyon ng karaniwang dayuhang salita sa wikang Filipino.
May gahum ang simbahan sa ibabaw ng mamamayan.
Nahihirapan na siya sa sakit na Parkinson.
Binuksan niya ang kompyuter pagkapasok ng opisina.
18. Ikalawa, gamitan ng panipi o gawing italiko ang mga salitang kinuha sa mga wikang rehiyonal at ipinakikilala pa lamang sa wikang Filipino; ibig sabihin, kinakailangan pa ng kodipikasyon. Kinakailangang ilagay sa panipi o gawing italiko ang unang labas sa pagkakagamit nito sa pormal na sulatin. Tinatawag ng panipi o italiko ang atensiyon ng mambabasa na may terminong ipinapanukalang gamitin mula sa wikang rehiyonal. Pagkatapos ng unang banggit. hindi na pangangailangang gawing italiko upang makita ng mambabasa kung umaangkop ang salitang hiram sa pangkalahatang sulatin, at kung madulas ang pagkakagamit nito sa loob ng sulatin. Kasama rin sa mga gagawing italiko o gagamitan ng panipi ang mga di-karaniwang dayuhang salita na hiniram nang buo (i.e. teknikal na salita, at bagong-bago salita lamang), at karaniwang dayuhang salita na hiniram nang buo dahil lumilikha ng kalituhan kapag binago ang baybay.
Nakaramdan siya ng kakaibang rigat (Ilokano, hirap) bilang tao.
Sumapi siya sa fandom ni Justin Trudeau.
19. Ikatlo, ilagay sa loob ng panipi ang mga salitang sariling inimbento ng nagsusulat.
Iminumungkahi ng KWF na gamitin ang "gituldok" bilang salin ng "middle dol."
20. Kung may natagpuan namang salita sa Filipino, ngunit sa palagay ng manunulat hindi na tumpak ang termino at nais magpakilala ng salitang rehiyonal o dayuhan bilang pampalit dito, kinakailangan pa ring sumunod sem sa mga naunang tuntunin. Kung bagong-bago ang termino, teknikal na salita, at kung makalilikha ng kalituhan kung babaguhin pa ang baybay, hiramin nang buong-buo. Kung karaniwan lang naman ang ipinapanukalang terminong dayuhan na pampalit sa salitang Filipino, baguhin ang baybay kung hindi naman makalilikha ng kalituhan ang gagawing pagbabago. Sa parehong kaso, hiniram man nang buo o binago ang baybay, gawing italiko ang unang pagbanggit sa pormal na sulatin upang tawagin ang atensiyon ng mambabasa na alam ng manunulat na may salita naman sa wikang Filipino ngunit pinipili pa ring gamitin ang salitang rehiyonal o dayuhan. Sa ganitong pamamaraan, masusubukan din ang tatag ng mga salita sa wikang Filipino na huwag mabulid sa pagiging antigo.
Sa kabilang banda, katamaran at pagmamatigas lamang ng ulo ang paggamit ng mga sumusunod na salita gayong higit na tumpak at tiyak pa rin ang umiiral na salita sa wikang Filipino:
sociedad (lipunan)
iskul (paaralan)
laybrari (aklatan)
boksing (boxing)
masinggan (machinegun)
haywey (highway)
gradweysiyon (pagtatapos)
bisnes (negosyo)
rasa (lahi)
klase (uri, anyo)
depende (salalay)
respeto (paggalang)
importante (mahalaga)
21. Sa paghihiram ng mga salita, iwasan ang pagbabanghay ng mga hiniram na salita na parang pandiwa, hangga't hindi pa kodipikado. Anuman, parating gamitin sa anyo nitong di-pandiwa ang hiniram na salita. Higit na malalim na asimilasyon sa wika ang pagbabanghay bilang pandiwa. Kailangan na munang ipatanggap sa nakararami at ikodipika sa mga diksiyonaryo upang padaanin sa proseso ng pagbabanghay: paglalapi man o reduplikasyon sa wikang Filipino.
Mali: hinashtag
Tama: nilagyan ng hashtag
Mali: zumuzumba
Tama: sumasayaw ng zumba
Sa mga baryasyon ng paghihiram, maging konsistent lamang. Halimbawa, kung hiniram na ang carbon dioxide nang buo, hindi puwedeng gamitin ang oksigen sa loob ng parehong sulatin.