Ginagamit ang tuldok-tuldok upang ipahiwatig ang pagkawaglit ng ilang detalye sa pahayag. Tatlong tuldok lamang at hindi higit pa, maliban na lamang kapag nasa dulo ng pangungusap. Nagiging apat na tuldok dahil tuldok ang ikaapat na tuldok na nagpapahiwatig ng pagwawakas. May espasyo sa pagitan ng tatlong tuldok; hindi sila magkakakabit.
Ginagamit ang tuldok-tuldok sa halip ng mga salitang sadyang hindi na ipinagpapatuloy o sa pagwawaglit ng ilang mga salita.
Lumayo ka... at baka hindi ako makapagpigil.
Ginagamit ang tuldok-tuldok sa halip ng mga salitang hindi na ipinagpapa- tuloy o sa pagwawaglit ng ilang mga salita sa loob ng sipi. Pinahihintulutan ang pagwawaglit kung nagiging sagabal at hindi naman nakapagpapabago ng kabuuang sipi.
"Pinagtitibay kong magpakabait at sinunod ko ang pagtitibay... sa loob ng ilang araw."
"Personal ang aking pagsasalin... sa dahilan at proseso.... [K]ung gusto ko ang isang akda....
Ibig sabihin, hindi binuo ang unang pangungusap ng sipi, kaya apat na tuldok. Nakapaloob sa panaklaw ang titik "K" dahil hindi ang salitang "kung" ang orihinal na simula ng siniping pangungusap.
Kinakatawan ng kudlit ang mga tinipil na salita at pag-uugnay ng mga salita. Bilang pangkalahatang tuntunin, iwasan ang pagtipid ng mga salita. Buuin palagi ang baybay sa loob ng pormal na sulatin. Nagpapahiwatig na alam ng nagsusulat ang orihinal na baybay ng mga tinipil na salita.
Mali: 'kako
Tama: wika ko
Mali: 'kamo
Tama: wika mo
Mali: sa'yo
Tama: sa iyo
Mali: sa'tin
Tama: sa atin
Mali: sa min
Tama: sa amin
Mali: n'ya
Tama: niya
Malit naro'n
Tama: naroon
Mali: ano'ng sabi mo
Tama: ano ang sabi mo
Mali: 'di nga
Tama: hindi nga
Mali: ba't
Tama: bakit
Mali: nama't
Tama: naman at
Mali: Siya'y natalisod.
Mali: Siya ay natalisod.
Tama: Natalisod siya.