Palitan ang “e" ng "i" at ang "o" ng "u" kapag nasa dulo ng salita at sinusundan ng hulapi.
kababaihan (salitang-ugat: babae)
biruin (salitang ugat: biro)
takbuhan (salitang ugat: takbo)
Hindi kailangang palitan ang “e” at “o” kapag sinusundan ng pag-ugnay na “na ("-g"”-ng").
babaeng masipag
birong masakit
Hindi kailangang palitan ang “e” at “o” kapag nakapaloob sa )PAGE 64 24.4)
ginagamitan ng gitling, na hindi nakakalikha ng bagong kahulugan sa orihinal na salitang-banyaga.
Babaeng-babae
Biro-biro
Taon-taon
Ano-ano
Kapag nakakalikha ng bagong kahulugan ang umuulit na salita, palitan ang "o" ng “u” at ang “e” ng “i”. Kadalasan, hindi na gimagamitan ng gitling ang mga umuulit na salitang nakalilikha ng bagong salitang batayan.
salo-salo (magkakasamang kumain)
salusalo (isang handaan)
buta-buta (maraming bato)
batubato (isang uri ng alahas na kalapati)
sunod-sunod (magkakasunod)
sunod-sunuran (isang nilalang na sunod lamang nang sunod)
Panatilihin ang baybay ng mga dobleng "o" o magkasunod na “uo” sinusundan ng hulapi.
nood, panoorin
doon, paroonan
poot, kapootan
buo, kabuoan
salimuot, kasalimuotan
buod, buorin
Palitan ang "d" ng "r" kapag napangunahan ang "d" ng isang pantig o saliti na nagtatapos sa “a". Sa ganitong paraan, napadudulas ang pagbabasa ng salitang gumagamit ng katinig na "d."
doon, naroon, nandoon
dami, marami pagdami
dapat, marapat, nararapat, karapat-dapat
dunong, karunungan, dunong, dumungan
dalita, maralita,pagdaralita
Ngunit may mga salitang hindi sumunod sa ganitong tuntunin, katutad ng mga sumusunod
madulas
madali, madalian
madamdamin (puno ng damdamin
maramdamin (madaling masaktan)
Kung kaya, iminumungkahi pa rin ang pagkonsulta sa diksiyonaryo upang malaman kong nagbabago ang kahulugan ng salita sa mga pagpapalit na gagawin sa pagbabaybay, alang-alang sa pagpapadulas ng pagbabasa.