Ginagamit ang tuldik upang linawin ang pagkakabigkas ng isang salita: kung binibigkas ba nang may impit o may schwa. Bilang pangkalahatang tuntunin, aIwasan ang paggamit ng tuldik. Maaari nang matiyak ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagtingin sa konteksto ng pagkakagamit nito.
Gumamit lamang ng tuldik sakaling hindi na sapat ang konteksto upang tiyakin ang pagpapakahulugan ng isang salita. Huwag gagamit ng tuldik kung wala namang malilikhang pagkalito o makatutulong pa nga sa pagpapayaman ang di-katiyakan sa pagkakabigkas ng salita.
Gamitin ang tuldik na paiwa sa dulong patinig ng mga salitang malumi.
Nagiging malumi ang isang salita kapag binibigkas nang mabagal ngunit
may-impit sa dulong pantig.
tala (Ing. star)
talà (Ing. to record)
Gamitin ang tuldik na pahilis (') sa dulong patinig ng mga salitang mabilis. Nagiging mabilis ang isang salita kapag tuloy-tuloy na binibigkas nang mabilis hanggang sa dulong pantig.
pitó (Ing. seven)
pito (Ing. whistle)
Gamitin ang tuldik na pahilis (') para sa patinig ng unlaping "ma-" (na-) na nagpapahayag ng kilos o pangyayaring hindi sinasadya. Ibig sabihin, binibigkas ang unlaping "ma-" (na) nang mabilis.
masama (ing, to be included accidentally)
masama (Ing. bad)
Gamitin ang tuldik na pakupya () sa dulong pating ng mga alitang maraga. Nagiging maragsa ang isang salita kapag binibigkas nang mabilis ngunit may-impit sa dulong pantig.
tayo (Ing.us)
tayo (Ing, standpoint)
Gamitin ang tuldik na pakupya (^) upang katawanin ang may-impit na tunog sa loob ng isang salita, kaiba sa paiwa na ginagamit sa may-impit na tunog sa dulong pantig. Magagamit ang ganitong tuntunin sa mga kodipikado nang mga salita na nagmula sa mga wika mula sa rehiyong Bikol, Cordillera, at iba pang bahagi ng bansa.
hadit (Bikol, balisa)
hâlong (Ifugaw, patibong sa daga)
limuhen (T"boli, ibong nagbibigay ng babala ang huni)
Gamitin ang tuldik na patuldok () sa mga salitang binibigkas nang may schwa. Magagamit ang ganitong tuntunin sa mga kodipikado nang mga salita na nagmula sa mga wikang rehiyonal, partikular sa Mëranaw. Pangasinan
Ilokano, Kiniray-a, Kuyonon, Kankanay, at Ibaloy.
panagbenga (Kankanay, panahon ng pamumulaklak)
Gumamit ng tuldik sa mga hiram na salita.
Gumamit ng paiwa, pahilis, pakupya at iba pang asento at diakritikos paghiram sa mga wikang rehiyonal, sa baybay nito sa orihinal na wika.
Gumamit ng puwa pahitis, pakupa at iba pang sento di pagamit ng mga salitang Dayuhan sa pangangalang pantang
Gumamit ng paliwa. pabilis, pakupya at iba pang sentot diakritiko paggamit ng mga salitang dayuhan na hiniram nang buo.
Ginagamit ang tuldok upang magpahiwatig ng paghantong sa kaganapan ng isang pahayag. Nagkakaroon ng ganap na paghinto sa pagbabasa kapag dumarating sa tuldok
Ginagamit ang tuldok sa pagwawakas ng pangungusap na patural o pantos
Ginagamit ang tuldok sa pagdadaglat ng mga salita.
Mga panturing sa estado sibil (civil status) at pantukoy kung pang ilan ipinanganak sa magkakatulad ng gamit na pangalan.
G. (Ginoo)
Gng. (Ginang)
Bb. (Binibini)
Tr. (Junior)
Sr. (Senior)
Mga panturing sa propesyon o posisyon. Ngunit hindi na ginagamitan ng tuldok ang mga panturing sa propesyon o posisyon kapag isinusunod sa pangalan.
Mga Pagbabantas
Dr./Dra. (Doktor/Doktora)
Prop. (Propesor)
M.D. (Medicinae Doctor)
S.I. (Society of Jesus)
J.D. (Juris Doctor)
Ingr. (Esp. Ingeniero; Ing. Engineer)
Mga panturing sa mga establisimyento.
Co. (Company)
Ltd. (Limited)
Inc. (Incorporated)
Mga pagdadaglat sa katawagan ng mga lugar o kakalsadahan.
Bgy. (Barangay)
Ave. (Avenue)
Blvd. (Boulevard)
St. (Street)
Mga titulo sa patunguhan ng mga liham.
Kgg. (Kagalang-galang)
Igg. (Iginagalang)
Mga gitnang pangalan ng tao, o mga siyentipikong pangalan.
Jose P. (Protacio) Rizal
O. (Oryza) sativa
Titulo ng mga banal na tao.
Sn. (San) Lorenzo Ruiz
Sn. (San) Pedro Calungsod
Sto. (Santo) Tomas
Sta. (Santa) Isabel
Ngunit hindi dinadagiat ang pangalan ng banal na tao kapag nakapaloob sa isa pang pangngalang pantangi.
Tama: Unibersidad ng Santo Tomas
Mali: Unibersidad ng Sto. Tomas.
Mga una at gitnang pangalan ng mga kalye.
J.P. Rizal
Pagdadaglat ng panahon.
Filipino: 8:30 nu. (ng umaga)
Ingles: 8:30 a.m. (anti-meridien)
Filipino: 12:00 n.t.(ng tanghali)
Ingles: 12:00 p.m. (post-meridien)
Filipino: 4:30 n.h. (ng hapon)
Ingles: 4:40 p.m. (post-meridien)
Filipino: 8:30 n.g. (ng gabi)
Ingles:8:30 p.m. (post-meridien)
Pagdadaglat ng mga palasak na parirala, na kadalasang nasa Latin sa mga tala at sanggunian.
atbp. (at iba pa; etc.)
bing.(bilang)
w.l. (walang lathalaan)
w.p. (walang petsa)
pat. (patnugot)
et al. (et alii/alia)
ibid. (ibidem)
Ginagamit ang tuldok sa pagtatapos ng bilang o titik sa paglilista o sa pagbubuo ng balangkas
Ginagamit ang tuldok sa mga desimal o sentimo.
3.1416
P3.75
Ginagamit sa pagtatakda ng adres sa internet.
ateneo.edu
ncca.gov.ph
Ginagamit ang tuldok sa paghihiwalay ng iba't ibang bahagi ng sanggunian, at sa pagtatapos ng bawat entri sa talababa, talasanggunian, glosaryo, at iba pang paglilista. Tingnan ang detalyadong pagtalakay sa ikaanim na bahagi ng Gabay sa Pagsulat.