1. Nauna ang ang panaguria simuno sa karaniwang ayos ng pagbubuo ng pangungusap sa loob ng payak na pangungusap, mauunang sabihin ang bagong impormasyon tungkol sa pinapaksa kaysa sa pagbanggit nito Kong kaya bago pa man banggitin ang pinapaksa, alam na kaagad ng nagbabasa kung ano ang gustong sabihin ng pangungusap tungkol dita Kinikilala nito ang karaniwang ayos ng pangungusap sa iba pang mga wika sa Pilipinas.
Karaniwang ayos: Naiwan ni Juan ang sulat.
2. Hindi karaniwan ang ayos ng pangungusap kapag inuuna ang simuno sa panaguri. Kadalasang ginagamit ang ay bilang pananda ng di-karaniwang ayos ng pangungusap. Ginagamit ang di-karaniwang ayos ng pangungusapkapag may nais bigyang-diin ang nagsusulat.
Di-karaniwang ayos: Ang sulat ay naiwan ni Jean
3. Hindi isang pandiwa ang "ay." Bagamat tinatawag ni Lope K. Santos ang "ay" bilang mala-pandiwa, hindi maaaring banghayin ang salitang "ay kung itutulad sa 'is / are/ be" ng Ingles. Higit na isang pananda ang "ay kaysa sa isang pandiwa. Bilang pananda, pinag-uugnay din ng ay ang mga parirala at sugnay sa iba pang bahagi ng pangungusap.
Tama: Naiwan ni Juan ang sulat kahapon.
Tama: Kahapon ay naiwan ni Juan ang sulat.
Tama: Kahapon, naiwan ni Juan ang sulat.
Maaari ring gamitin ang bantas na kuwit (,) bilang kapalit ng "ay" bilang pananda.
Huwag magiging malabis sa paggamit ng "ay" sa loob ng isang pangungusap. Kung makalilikha ng pagkalito, bawasan ang "ay" sa loob ng pangungusap. Maaari ring hatiin na lamang ang idea sa kung ilang pangungusap upang mabawasan ang paggamit ng magkakasunod na "ay."
Halimbawa:
Kumulimlim ang langit kaya siya ay napilitang magbukas ng payong.
Ang langit ay kumulimlim kaya siya ay napilitang magbukas ng payong.
4. Iwasan ang pagpuputol-putol ng mga parirala at sugnay na itinuturing na parang hiwalay na pangungusap. Sa kabilang banda, maaaring maging wasto ang ganitong mga pagpuputol-putol sa loob ng mga malikhaing akda. Nasa pagtitimbang ng manunulat kung isang pormal na sulatin ba o malikhaing akda ang kanyang ginagawa.
Tama: Naiwan ni Juan ang sulat, kahapon pa.
Kahapon pa naiwan ni Juan ang sulat.
Tinatanggap sa loob ng malikhaing akda:
Naiwan ni Juan ang sulat. Kahapon pa.
5. Iwasan ang mga napakahahabang pangungusap na hindi na tuloy matukoy kung ano ang simuno, at kung ano ang panaguri. Sa mga pangungusap na maulit ang pagkakabanggit sa isang paksa, pagsukubin na lamang ang mga panaguri.
Halimbawa ng napakahabang pangungusap:
Maaari na ngayong ipaubaya ng mga magulang natin sa ating mga kasambahay ang pagluluto, paglalaba, pag-aalaga sa atin at iba pang gawaing dati rati'y sila ang gumawa nang sa ganoon ay tanging pagtatrabaho muna ang iisipin nila upang mapag-aral tayo sa isang tanyag na unibersidad at upang maibili tayo ng magarang damit, mga bagong labas sa cellphone at iba pang gusto natin
Kung hahati-hatiin sa kanilang pangungusap:
Maari na ngayon ipasa ng mga magulang natin sa mga kasambahay ang mga dating nawain nila kabilang na ito ang pagluluto, paglalaba at pag-aalaga sa atin. Dahil dito, pagtatrabaho na lamang ang aatupagin ng mga magulang natin.Nais lang naman nilang mabigyan tayo ng magandang edukasyon, maibili ng mga pangangailangan tulad ng damit, pati ng mga luho sa buhay tulad ng mga bagong labas na cellphone.
6. Iwasan ang pagsimula ng pangungusap sa "at." Isang pangatnig ang "at" Kung gayon, may pinag uugnay dapat na mga idea, salita, parirala o pangungusap ang "a" Kapag inilalagay sa unahan ng pangungusap, kaagad nang nagpapa- hiwatig na kalahati lamang ang sumusunod ditong pangungusap. Kung gayon, nawawala ang kabuuan
Sa kabilang banda, maaaring maging wasto ang ganitong paggamit ng "at" sa loob ng mga malikhaing akda. Nasa pagtitimbang ng manunulat kung isang pormal na sulatin ba o malikhaing akda ang kanyang ginagawa.
Tama:
Napagpasyahan naming ipadala ang sulat kay Juan.
Tinatanggap sa loob ng malikhaing akda:
At napagpasyahan naming ipadala ang sulat kay Juan.
7. Bantayan ang pagkakaroon ng mga maling panturing. Higit pa rito, pag- ingatan ang pagkakasunod-sunod ng mga salita sa loob ng pangungusap.
Tama: Naiwan ang sulat ni Juan.
Tuma: Naiwan ni Juan ang sulat
Bagama't parehong tama ang pangungusap sa itaas, magkaiba ang ibig sabihin nila. Sa unang pangungusap, nangangahulugang pagmamay-ari ni Juan ang naiwang sulat. Ang sulat ang tinuturingan ni Juan. Sa ikalawang pangungusap si Juan ang nakagawa ng pag-iwan sa sulat na maaaring pagmamay-ari niya o hindi. Ang pag-iwan ang tinuturingan ni Juan. Kung gayon, maging maingat sa sintaks sa wikang Filipino, dahil nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng mga salita ang diwa ng pangungusap.
8. Tiyaking magkatimbang ang estruktura ng mga idea sa loob ng isang pangungusap. Tiyaking kung sugnay ang pinag-uugnay, sugnay dapat lahat; kung parirala, parirala dapat lahat; at kung pandiwari, pandiwari dapat lahat. Magkakatulad dapat na estruktura ang ginagamit sa mga pinagtatabi-tabing idea.
Mali: Itinuro niya sa amin kung paano ang lumangoy, ang pag-akyat ng bundok, at ang paraan ng pagbibisikleta para sa triathlon.
Tama: Itinuro niya sa amin kung paano lumangoy, umakyat ng bundok, at mag bisikleta para sa triathlon.
9. Bantayan ang paggamit ng pang angkop na “na". Inaangkop ng "na" ang tunog ng patinig at katinig sa isa't isa upang higit na maging madulas ang pagkakakabit ng mga parirala at sugnay. Ginagamit ang "na" kapag nagtatapos sa katinig ang sinusundan nitong salita, maliban na lamang kung nagtatapos sa katinig na "n." Hiwalay na salita ang nasa sinusundan nitong salita. Nagiging"-ng" ang "na" kapag nagtatapos naman sa patinig ang sinusundan nitong salita.
Ibinubukod ang mga salitang nagtatapos sa katinig na "n" dahil natatagpuan na rin naman ang tunog nito sa "-ng." Itinutuloy na lamang ng pagdadagdag ng "-g" upang buuin ang tunog ng "-ng" sa mga salitang nagtatapos na sa "n."
Mali: Ipinagtanggol niya ang ibinasura na mungkahi sa Lupon ng Inampalan.
Mali: Ipinagtanggol niya ang ibinasura namungkahi sa Lupon ng Inampalan.
Tama: Ipinagtanggol niya sa Lupon ng Inampalan ang mungkahing ibinasura.
Tama: Ipinagtanggol niya sa Lupon ng inampalan ang ibinasurang mungkahi.
Mali: Ang pinabantayan na kriminal ang nakatakas sa presinto.
Tama: Ang pinabantayang kriminal ang nakatakas sa presinto.
May mga pagkakataong dahil sa paggawang"-ng" ng “na," nakalilikha tuloy ng magkakasunod na salitang pawang nagtatapos sa tunog na "ng." Sa gani tong mga pagkakataon, baliin ang magkakasunod na tunog na "ng." Huwag paaabutin sa tatlong magkakasunod na ang."
Mali: salitang walang kasamang
Tama: salita na walang kasamang
Tama: salitang walang kasama na