1. Bilang pangkalahatang tuntunin, ang unang pantig ng salitang-batayan ang inuulit sa pagbabanghay ng mga salita- Tinutukoy ng salitang-batayan ang pinakaubad na ideang binabanghay sa loob ng salita. Iba ang salitang batayan sa salitang-ugat na tumutukoy sa pinakaubod na salita na walang kasamang ni kahit na anong panlapi.
Mali: magkasasáma (Ing. to be together)
Tama: magkakasama
Salitang-ugat: sama
Salitang-batayan: kasama
Tama: makasasama (Ing, to be able to join)
Salitang-ugat: sáma
Salitang batayan: sama
Sa salitang "magkakasama," hindi ang “sáma" ang pinakabatayang idea, kung hindi ang pagiging “kasama." Sa kabilang banda, sa salitang "makasasáma, ang “sáma" sa "sumáma/magsama" ang pinakabatayang idea. Maging maingat sa pagtukoy ng salitang batayan at salitang-ugat sa pagbabanghay. Sa kabilang banda, nagiging katanggap-tanggap na ang pagbabanghay na ang ikalawang pantig ng panlapi ang inuulit. Halimbawa, "makakasama" bilang baryasyon ng "makasasama." Sa ganitong mga pagkakataon, kinakailangan lamang maging konsistent kung alin sa dalawang pamamaraan ng pagbanghay ang gagamitin sa loob ng buong sulatin.
2. Huwag kalilimutan ang unlaping "-" kapag binabanghay ang pandiwa nang may tuwirang layon, nang may pinaglalaanan ang galaw ng pandiwa o may isinasaad na instrumento o pangganap.
May Tuwirang-layon
Mali: Binigay ko sa kanya ang dokumento
Tama: Ibinigay ko sa kanya ang dokumento
Sa ginamit na halimbawa, ang dokumento ang tuwirang layon.
May Pangganap
Mali: Pinansulat ko ang bolpen niya ng sanaysay.
Tama: Ipinansulat ko ang bolpen niya ng sanaysay.
Sa ginamit na halimbawa, nangangahulugang ang bolpen ang ginamit na instrumento ng pagsusulat.
May Pinaglalaanan
Tama: Ipinagsulat ko siya ng dokumento.
May Tuwirang-layon
Tama: Pinagsulat ko siya ng dokumento.
Sa ginamit na halimbawa sa itaas, bantayang maaaring maging wasto ang pagkakagamit ng "pinagsulat.” Ngunit iba ang kahulugan nito sa "ipinag- sulat." May pinaglalaanan sa pagsasakatuparan ng kilos ang ipinagsulat." Sa kabilang banda, nangangahulugang inudyukan ko siya upang gawin ang akto ng pagsusulat sa "pagsulat". Kung kaya, maling sabihing may pinaglalaanan ang pagkakabnaghay sa "pinagsulat".
Bantayang hindi sa lahat ng pagkakataon kinakailangang lagyan ng unlaping "i" ang lahat ng salitang nilalagyan ng gitlaping "-in-", at ng unlaping "pag-" o "pang".
Bantayan ang pagkaiba-iba mh kahulugan ng mga sumusunod na pagbabanghay.
Tama: Tinupad ko ang pangako ko sa kaniya
Mali: Itinutupad ko ang pangako ko sa kanya
Sa ginamit na halimbawa, ang pangako ang tuwirang-layon ng Gawain ng pagtupad ko. Ngunit pansining kahit may tuwirang-layon, hindi wasto ang paglalagay ng unlaping “i-“ sa binalangkas na “tinupad”. Sa ganitong mga pagkakataon, bantayan ang kahulugan ng salitang-bayan na binabanghay. Paloob ang direksyon ng akto ng pagtupad. Kung kaya, kahit may tuwirang layon o pinaglalaanan ang kilos ng pandiwa ng pagpapatupad. Kung kaya, hindi kinakailangang palaging may unlaping “I–“.
Sa kabilang banda, palaging palabas ang direksyon ng mga pandiwang ginagamit kapag may sinasaad na pangganap. Palagi nang may itinatakdang agwat ang mga tao sa gagamitin niyang instrumento o pangganap. Ibig sabihin, hindi katulad ng may tuwirang-layong o pinaglalaanan ng kilos, palaging may unlaping “I–“ ang mga pandiwang may pangganap.
Kung gayon, may ipinapahiwatig na palabas na direksyon ang galaw ng pandiwa kapag nilalagyan ng unlaping “I–“ . Kapag tumataliwas ang ganitong direksyon ng galaw sa diwa ng salItang-batayan, huwag lalagyan ng “I–“. Kung gayon, pangangailangan dito ang pagiging sensitibo sa diwa ng binabanghay na salitang-batayan.
Tama: Ipinatupad niya ang batas sa lugar nila.
Mali: Pinatupad niya ang batas sa lugar nila.
Sa ginamit na halimbawa, palabas ang direksiyon ng pagpapatupad ng batas.
Tama: Sinuong namin ang ga-bundok na trabaho sa opisina.
Tama: Isinuong ko siya sa, sa isang kompromiso.
Sa ginamit na halimbawa, paloob ang direksiyon ng sinuong, dahil kami ang gagawa ng akto ng pagsuong. Samantala, siya ang gagawa ng pagsuong, at hindi kami, sa pandiwang isinuong."
Tama: Binantayan namin ang pagtatalo sa Kongreso.
Mali: Ibinantayan namin ang pagtatalo sa Kongreso.
Sa ginamit na halimbawa, parating may agwat sa pagitan ng ako at ng pagbabantayan. Palabas sa amin ang direksiyon ng pagbabantay.
Tama: Ibinuo namin siya ng isang panukalang proyekto.
Tama: Binuo namin ang panukalang proyekto.
3. Magagamit ang ganitong pagiging sensitibo sa direksiyon ng pagtupad ng galaw ng pandiwa sa paggamit ng panlaping"-um" at "mag-” Kadalasan, nagpapahiwatig ng paloob na direksiyon ng pagtupad ng galaw ng pandiwa kapag "-um" ang ginagamit na panlapi. Nagpapahiwatig naman ng palabas na direksiyon ng pagtupad ng galaw ng pandiwa kapag "mag-" ang ginagamit na panlapi.
Paloob: Bumigay ako sa mga pagbabanta niya.
Palabas: Nagbigay ako ng donasyon sa mga nasalanta.
4. Gamitin ang panlaping "maki-," bilang tanda ng paggalang lalong lalo na pagdating sa mga pormal na sulatin na humihingi ng pahintulot o nagpapaumanhin
Halimbawa
Nakigamit siya ng bolpen upang mapirmahan ang dokumento.
5. Iwasan ang paggamit ng mga makalumang pagbabanghay ng pandiwa. Hindi katumbas ng pagiging pormal ang paggamit ng mga sinaunang pagbabaghay ng pandiwa. Higit na mahalaga ang pagiging tuwiran at malinaw sa pagpapahayag ng mga idea.
Karaniwang gamit: Naghahabulan ang mga bata.
Di-karaniwang gamit: Nangaghahabulan ang mga bata.
Karaniwang gamit: Tumakbo ang mga bata.
Di-karaniwang gamit: Nagsipagtakbuhan ang mga bata.
6. Sa pagbuo ng mga pang-uri, kadalasang ginagamit ang unlaping "ma-" Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, nasusunod ang ganitong tuntunin. Nangangahulugan ng pagkakaroon ng anumang katangian ang pagdadagdag ng unlaping "ma-" Sa ganitong mga pagkakataon, sundin ang kinasanayang gamit ng mga salita. Makatutulong dito ang pagkonsulta ng diksiyonaryo,
Tama: Magandang bata
Mali: Gandang bata
Mali: Mapangit na bata
Tama: Pangit na bata
Ibig sabihin ng "magandang bata na may angking ganda ang bata. Ngunit hiwalay sa bata ang kagandahan gayong maaari lamang niya itong angkinin. Kung gayon, mahihiwatigan ang kaunting pagpapakumbaba kapag inilalar- awan ang isang tao bilang maganda dahil parang sinasabing hindi mismo ang mga tao ang kagandahan. Sa kabilang banda, kapag inilalarawan ang isang bagay bilang pangit, nahihiwatigan naman dito ang pagkamuhi ng naglalarawan sa inilalarawang pangit. Sinasabi ng naglalarawan na ang taong pangit ang ubod ng kapangitan
Mali: Mapayat na tao
Tama: Payat na tao
Mali: Tabang tao
Tama: Matabang tao