Sinasabing noon ay maraming naninirahan sa libis ng Samtoy, ang unang ipinangalan sa isang pulo ng
Ilocos ng mag-asawang higanteng sina Angalo at Angaran. Sa laki nila ay gumagalaw ang lupa kapag naglalakad sila. Noon ay hindi pa nakahiwalay bilang isang pulo ang
Pilipinas at ang maaliwalas na mga lupain nito ay bahagi ng nasasakupan ng Borneo.
Isang araw, kumuha ng mga tulya sina
Angalo at Angaran sa timog, ang lugar na ngayon ay tinatawag na dagat ng Sulu. Nang buksan ng mag-asawa ang mga tulya upang kainin ang mga laman nito, may nakita silang mga bagay na kumikislap sa loob ng mga tulya, kaya naisipan nilang umuwi na.
Habang nasa daan ay nagtatalo ang mag-asawang higante kung kanino sa kanilang dalawa ang nagmamay-ari ng mga perlas na batong nakuha nila hanggang makauwi ito sa kanilang pag-aaway.
Sa sobra alit nila ay tinadyakan nila ang lupa at sabay silang napasigaw ng malakas. Dahil dito, natibag ang mga burol, gumuho at nabitak ang mga lupa. Naging sukdulan na ang kanilang pag-aaway lumipat sa iba-ibang dako ang malaking tipak ng lupa at naging pulu-pulo na at kumalat sa buong paligid. Ang malalking hati at naging mga pulo ng Luzon, Bisayas at Mindanao.