Mahigit na sa walumpung taon na ang lumipas, ngunit ang kasaysayang nakaugnay sa Sapang Bato ay nananatili pa ring lihim sa kaalaman ng maraming tao. Katulad ng ibang alamat, ito y hindi pa nasususlat sa mga aklat ng kasaysayan ng ating bayan. Bukod tanging nananatili sa kaisipan ng mga taong nakatira roon ang maganda niyang kasaysayan. Wala nang iba pa, bukod sa kanila ang nakakaalam, ngunt ngayon na ang panahon para malaman natin ang lihim na ito.
Higit na mahusay ang kasaysayan ng alamat ng Sapang Bato dahil na rin sa nakasasabik nitong tagpo. Narito sa kasaysayang ito ang pag-libigang punung-puno ng init at tamis na tunay na walang kaparis. Makikita rin dito ang mahigpit na labanan ng mga taong nagkatagpu-tagpo sa isang landas.
Ipinapakita rin dito ang labis na kapangyarhan ng pag-ibig na ginigipit dahil sa banta at pakikialam ng isang amang labis na nagmamalasakit sa kapakanan ng anak na labis niyang minamahal.
• Madilim na ang buong paligid na nasisinagan ng kaunting liwanag ng buan sa mga illang kubong nakatayo sa gitna ng malawak na kabukiran na pinamamahanan ng mga magsasaka ay makikita ang mga ilawang aandap-andap. Maiisip ninuman na handa na silang matulog pagkatapos ng maginana, maked anyan sia nan upang a tre hara man ta treat
Sa naulilang lugar nakit, marami sigk ang isang dalagang ubod ng ganda.
Ho ang dahilan kung bram maran, sian tagalanga. May ma ya man sai Kanila at mayroon disong dalagayisan eunit a lahat ng layligan sa
kanya, ang naping puso ninala ngy in hamak a magrasaka, i adhia.
Hindi nagalinlangang ignahla ng dalagang kanyang pus, sia aata
palibasa nasa kady a a pa ye katangiang hinahanap nya. a bint at
mapagbigay si Badilio. Isa pa ay napakasipag niya.
*Claudia, kung gayon, ako ang mapalad na napili mo? Kahit ang totoo ay isa lamang akons hima na magsasaka? Ang tanong ang toroi makapaniwalang si Badio noong hapong tinangap siya ng dalaga.
"Maniwala ka Badilio," ang pagtatapat ni Claudia at sa kanyang mamula-mulang pingi ay nag-unahan ang mga patak ng luha.
"Tama nang malaman mo na ikaw lamang ang itinitibok nitong puso ko."
«Kung gayon, ipakikita ko rin sa iyo kung gaano kawagas at kadakila ang aking pag-ibig," ang maligayang sambit ni Badilio.
Lumipas ang mga araw hanggang ilang pang mga buwan, hanggang nalagas ang mga dahon sa tangkay, lalong naging maalab at matamis ang kanilang pagmamahalan. Ngunit dumating ang araw ng hangganan ng kanilang ligaya.
Nag-uusap silang dalawa sa ilalim ng puno habang nagpapahinga sila pagkatapos ng mahabang oras na pagsisinop sa inihanda nilang bukid.
Nalibang sila sa paglalambingan kung kaya hindi nila napansin na dumating ang tatay ng dalaga. Halos pinipigil nito ang galit habang pinagmamasdan ang dalawa hanggang lumapit siya.
"Taksil kayo!" ang mariin na sabi sa dalawa na kinagulat nila.
"Tatay ko!" ang namumutlang nasabi ng Claudia at saka niya niyakap ang nasusuklam na magulang habang gulat na nakatingin sa kanila si Badilio sa kanyang pagkakaupo.
"Huwag mo akong hawakan, isa kang ipinanganak na walang hiya!" ang pabulyaw na nasabi ni Tatay Berong at saka niya inalis ang pagkayakap n Claudia.
"Magpasalamat kayo at napigil ko ang sarili ko. Sayang ang tiwalang ibinigay ko sa iyo."
Tatay, wala pong kasalanan si Badilio," ang sagot ni Caudia.
"Mahal ko siya at mahal rin niya ako."
Badian salins a Pakatapos noon ay umalis ma ang mag-ama. Naivan si Badilio na nag-iisip ng malalim.
Magul ang isip ni Bailio. Hindi nya alam ang gagavun hangang sa napagpasiyahan niyang umuwi na sa kanila.
Anasykasan, matagal ago sumikat ang ara pinitinta na sa bukid si Badio para itly ang hindi natapos na gawain. inlin na lang niya sa kanyang kapatid na hatiran na lang siya ng pagkain sa bukid.
umikat na ang arav. Marami nang natapos na trabaho si Badilio.
Halos maligo na siya sa pawis, pat ang kalabaw ay humuhingal na sa pagod.
Hindi pa in siya tumitigil a patratrabaho. Dumating ang kapatid ni Baditio na may dalang almusal na nakalagay sa basket na kawayan. Malungkot ang bata na parang may problema. Tinabanito ang dala niya at saka tinawag si Badilio na mabilis na mang lumapit. Nagmamadaling kumain si Badilio para matuloy agad niya ang kanyang trabaho. Tatayo na sana siya upang kunin ang nagpapahinga niyang kalabaw ngunit pinigil siya ng kaniyang kapatid.
"Bakit ka umiiyak?" ang mag-aalangang tanong ni Badilio.
"Hindi kuya, hindi ako umiiyak," ang pagkakaila ng kapatid.
Gayon man nagtapat pa rin ang kanyang kapatid. Ikinuwento ang lahat ng kanyang nalalaman. Wala siyang inilihim isa man.
"Paano mo nalaman iyan?" an nag-aalangang tanong ni Badilio.
"Kanina, dumating sa bahay ni Tatay Berong ang magulang ni Anselmo.
Malakas ang mga boses nila kaya rinig hanggang sa bahay natin. Pati nga ang pag-iyak ni Claudia naririnig ko rin, e."
"Hindi tumutol si Claudia?" ang tanong ni Badilio."Tumutol nga siya ngunit wala siyang magawa sa kagustuhan ng tatay niya," ang sabing kapatid.
siya kay Anselmo."
"Sinabing matandang Berong na sa ayaw man niya at sa gusto ipakakasal
"Kailan daw?"
"Bukas daw ng ala sais ng umaga."
Pagkatapos niyang malaman ang lahat, pinauwi na ni Badlio ang kapatid niya. Sa hapon din ng araw na iyon, abala ang mga tao sa bahay ni Tatay Berong. Walang patid ang usok na nagmumula sa kalan nila. Naririg ng mga kapitbahay ang mga hayop na kinakatay nila. Ang mga dalaga naman ang gumagayak sa kanilang mga bahay at nagtutulong-tulong ang apat na modist sa pagtathing isusot ni Claudia. Iba-ba ang naiisip niyang gawin
ngunit is man ay malisi ang napagtibay pa.
Maining at sig ay na mali na unay it can a lundan a on .
Huming sian hi a page mamoa king ang bag a ling a yai
kayang unan. D. Iniagay ni Claudi an mahul miya io. Isa paniong
maasaya.
binuksan ang pinto ng sid. Makia nya ang kanyang tay na nakan i at Tatay Berong, "handa na ang lahat."
papat kang maging masaya ngayon, anak," ang nakangiting sabi ni
"vanan ninyo ako, gusto kong sarilinin ang gabing ito." Bumaba ang lahat ng nagtratrabaho sakanilang bahay.
Tinikman-tikman ni Tatay Berong ang maraming putahe na kaalukuyan nilang inululuto. Palibhasa mapagbiro ang matanda kaya hindi nila napansin na malalim na ang gabi. Bahagya na lang na naririnig ang mga tilaok ng mga manok. Maya-maya, dumating ang mga daaga, sila ang manggagayak. kay Claudia. Pinapasok sila ng matanda.
"Magkuwentuhan muna kayo diyan, titingnan ko lang sandali ang mga nagluluto" ani ng matandang Berong sa mga dalaga.
Pagkaalis ng matanda, mahinang nag-uusap ang mga dalaga.
"Kawawa naman si Badilio," sabi ng naunang si Rafaela at Sofronia.
Ang may kasalanan iyan ay si Tatay Berong" sabi naman ng pilyang si
Apolonia.
"Huwag kayong maingay mga kasama, baka marinig tayo ng matanda" paalaa ng matandang si Lina.
"O, pabayaan ninyong marinig ng matandang iyon," ang paghadlang ni
Apolonia. "Hindi mangyayari sa akin iyan."
Napatawa nang malakas ang mga dalaga sa sinabi ni Apolonia. Hindi pa sana sila titigil ngunit nakita nilang pumanik si Tatay Berong. Pumunta ito sa silid ng anak para gisingin ito. Kumatok siya ng sunod-sunod ngunit walang sumasagot o gumagalaw man. Malakas na inulit ng matanda ang pagkatok ngunit tulad noong una, walang sumasagot. Kinabahan si Tatay Berong nang makitang wala si Claudia sa kanyang higaan. Hinanap-hanap niya sa mga sulok-sulok, ngunit wala talaga ang anak niya. Nawalan ng malay ang matanda sa sakit ng loob.
namang binalikan ng malay.
"Claudia, anak ko, saan ka nagpunta?" ani ni Tatay Berong. tumpt ay at ay Berong ang mak alia na suia mi Claudia na nakabes, sa alim ng unan nito. Sa sulat, agad nalaman ng macanda ang nang yan Makibasa tayo:
"Tali. mahigit pang masarap para sa ak imang ma matay kaysa ipali ang puso ko sa laking kailanman ay hindi ko indani. Sa kamatayan ko lang makita ang tunay na ligayang hina hanap ko d, si Baa kabila ng aking buhay hihintayin ko ang lalaking tunay kong mahal, si Badilio. Patawarin mo po ako... Paalam.
Claudia"
Tumayo ang matanda at saka nagmamadaling bumaba ng bahay nila. Palabas siya sa pintong bakod nila nang humintong bigla ang sasakyan ng kanyang magiging manugang. Bumaba sa sasakyan si Anselmo saka niya inakbayan ang matanda.
"Saan po kayo pupunta?" sabi ng nagtatanong sa kanya.
"Susundan ko si Claudia," mabilis na sagot ni Tatay Berong.
Ngulat si Anselmo. Namutla ang binata, hindi na siya nakapagtanong pa dahil mabilis na umalis ang matanda. Sumunod si Anselmo pati ang mga kaibigan niya. Para silang isang pulotong ng guwardiya-sibil na sunod-sunod sa likod ni Tatay Berong. Kulang-kulang isang oras nilang nilakbay ang bukid. Nang malapit na sila sa kanilang bukid, huminto ang matanda.
Inaaninaw niya ang dilim. Napapagaya si Anselmo sa ginagawa ni Tatay Berong. Inaaninaw rin niya ang dilim na walang sabi-sabi, naramdaman nila ang malamig na tubig.
"Mayroon palang umaagos na tubig dito," ang sabi ni Anselmo sa mga kasamang lumapit sa kanya. "Magsindi kayo ng posporo para makita ko.
Basang-basa na ang sapatos ko."
Nang masinagan ng liwanag ang tubig, nagulat sila sa kanilang nakita.
Ano ang nakita nil.. ? Amaagos na dugo at hindi tubig. Nanginig ang laman ni Tatay Berong na sinundan ang pinanggagalingan ng dugo, nakita nila ang mapait na katotohanan. Sa ugat ng pinagmulan ng dugo nakita nila ang dalawang katawan malamig nang bangkay. Isa ang ginamit na itak ng dalwvang nagpakamatay. Ito ang sinangla ni Badilio kay Claudia.
Dumating ang umaga, kasabay nito ang pagsibol ng namumulang tubig.
Hindi tumigil ang pag-agos ng tubig hanggang kumalat ito sa buong lugar.
Naging totoong sapa ang buong paligid.
Pag-kahapon noon nang balikan nil ang nasaing sapa, nagulat sila sa kanilang nakita ng kababalaghan. Ang kalahati ng ugat ay naing batong hugis lalaki at ang kalahati ay naging hugis babae. Nasabi nila sa sarili na ito na nga sina Claudia at Badilio.
Hindi nagtagal, nag-umpisa nang magtayo ng bahay sa lugar na ito hanggang sa ito ay maging isang baryo. Dumami ng dumami ang mga taong naninirahan sa lugar na ito na ngayon ay tinatawag na Sapang Bato.