Sa isang bayan ng Drodamu, sa Switzerland, isang pamilyang magsasaka ang nanirahan dito. Habang namamahinga ang ama at ang kaniyang anak na lalaki, nakita ng ama ang mga ibong masasayang nagliliparan. Naisip niya "Kung nakakalipad ang mga ibon, bakit di maaari sa tao na mas matalino pa sa kanila?" Agad niyang tinawag ang anak na si Arnulfo at sila ay maglalakbay sa bundok upang kumuha ng lahat ng klase ng pakpak ng ibon, manok, gansa, bibe at ibang klase pa nito. Gayon na lang ang pagtataka ng anak. Habang nasa daan ay ipinaliliwanag ng ama ang kaniyang plano. "Madilim-dilim na nang sila' y makauwi. Marami silang nakuhang mga pakpak na gagawin nila para makalipad din. Inayos nila ang mga pakpak at pinagdikit-dikit. Pagkatapos ay itinali nila sa kanilang mga kamay. "Subukan natin ngayong lumipad," sabi ng ama sa anak. Nagtungo sila sa pinakamataas na lugar ng gubat habang nagtatakang sumusunod ang aswa niya at anak na babae. Nanlaki ang mata ng ina nang makitang nakalilipad ang kaniyang asawa at anak Lumilipad nang lumilipad ang mag-ama... araw-araw, sa gilid ng bundok, sa parang hanggang sa tumaas nang tumaas ang kanilang lipad. "Susubukan naman natin ngayong abutin ang langit," ang pagyayabang ng ama sa anak. "Huwag po! Natatakot po ako," ang pag-aalala ng anak. "Huwag kang mabahala. Aalamin natin ang sikreto ng Diyos. Magiging katulad tayo ng Diyos! Dagdag ng ama. Wala silang alam sa susunod na mangyayari. "Sobra na ang inyong paghahangad taong hangal! Dahil ginusto ninyong makalipad, hindi na maaalis pa ang mga pakpak na iyan sa inyong katawan habambuhay!" Mula noon ay palipad-lipad na lamang ang mag-ama. Sila'y naging malaking mga ibon at pinagmulan ng mga unang agila.