Ayon sa mga matatanda, wala daw matsing noong unang panahon. Ito raw ang kuwento kung saan nagmula ang hayop na ito. Sa tabing maraming punongkahoy ay may naninirahang isang pamilya. Isang umaga ay inutusan ng ina ang kaisa-isang anak na lalaki na mangahoy sa gubay. Umalis ang anakat ipinagpatuloy ng ina ang kanyang pagluluo. Pagkaraan lang ng ilang minuto dumating ang anak. "Nasaan ang mga kahoy?", ", tanong ng na. "Wala pong kahoy sa gubat" , sagot ng anak. "Ano, paanong wala? Sulong, kumuha ka ng kahit anong kahoy na maaaring panggatong", utos ng ina. "Andyan naman si tatang bakit hindi siya ang utusan ninyo?" ang sagot ng anak na nagdadabog pa. Ganoon na lamang ang galit ng ina. Ang hawak na sandok ay ibinato sa anak na bumababa. Tumama sa likod ng anak. "Sulong, masamang anak, umalis ka na at mula ngayon maghanap ka ng sarili mong ikabubuhay", ang sabi ng ina. Ang sandok ay naging buntot ng anak na lalaki. Nalaglag ang damit niya at tinubuan ng balahibo ang buong katawan. Natakot ang ina sa nangyari. Tinawag ang anak ngunit walang sagot kundi "krrr... at tumatakbo papunta sa gubat. Lyon daw ang kauna-unahang matsing.