Noong unang panahon ay wala raw kamandag ang mga ahas. Dahil dito tinitisud-tisod na lang ang mga ito at pinapatay. Gumawa sila ng paraan para ang kalagayang ito na pinapatay ay pangingilagan. Ang kanilang pinakapuno ay nanalangain at humingi ng kamandag sa Bathala. Ang hiningi ay ipinagkaloob ng Poong Maykapal. Isang araw, bumaba ang Poong Maykapal at dala ang kamandag para sa mga ahas. Isang uri ng ahas ang unang nakakuha ng kamandag kayat ang mga ito ang pinakamabagsik, ang Kamulalu. Ang ibang uri ng ahas ay nakakuha rin maliban sa dahong palay. Ang nadatnan na lang ay ang pinaglulutuan kung saan nakalagay ang kamandag. Inikut-ikot niya ito at kaunting kamandag na lang ang dumikit sa balat nito. Ang balat lang nito ang may kamandag at hindi sa loob ng katawan ng dahong palay. Hindi nakakamatay ang kagat nito.