Alamat ng Sinukuon
Ing Alamat ning Sinukuan
Sa maalamat na bundok ng Penaranda ay may nakatirang kilabot ng
higante na ang pangalan a Mingan. Matagal na siyang maniligaw kay
Sinukuan, ang magandang engkantada na nakatira naman sa bundok ng Arayat. Halos araw-araw ay dumadalaw siya kay Sinukuan subalit di siya maibigan ng magandang engkantada sapagkat nakakatakot ang kapangitan ng kanyang mukha.
Ang lahat ng mga pangako sa dalaga ay nagawa na niya subalit di pa rin siya maibigan. Minsang namasyal si Mingan kay Sinukuan, ipinangako niya sa dalaga na gagawin niya ang anumang hiilingin sa kanya pakasalan lang siya. Ang dalaga nama y nag-isip ng isang bagay na di-kayang gawin ni Mingan.
"Hinihiling ko sa iyong gumawa kang tulay na bato na magdurugtung sa bundok ng Penaranda at bundok Arayat. Kapag natapos mo ito bago sisikat ang araw, pakakasalan kita", ang hamon ni sinukuan kay Migan.
Dali-daling huminging tulong si Mingan sa mga kaibigan niyang higante.
Bago dumating ang ikaapat na araw ay matatapos na ang tulay. Nakita ito ni Sunukuan. Natakot siya dahil ayaw niyang pakasal kay Mingan. Nagdasal siya sa mga dioses na nagpapasilay ng araw. Dahil sa sumilay ang araw, hindi natapos ang tulay sa takdang araw.
Nabigo $1
Mingan at di nakasal kay Sunukuan.
Ito ang
nangyari maraming sigla na ang lumipas
subalit nakikita pa rin ang bahagi ng tulay na bato
sa Cabiao,
bayan na dinadaanan papunta sa Arayat.
Sa bibig ng mga matatanda na nakakabatid sa kwentong ito, noong araw ay madalas nilang nakikita sa tiktok ng bundok ang isang magandang babae na nagpapainit sa araw. Nakadamit siya ng ginto na may burdang brilyante. Marami naman ang nagsasabi na sa bundok ng Penaranda, habang nagpapahinga ang mga manlalakbay na nagagawi rito sa hatinggabi, nakakaring sila ng makapanindig-balahibong iyak. Sa palagay nila y panambitan ito ni Mingan na hindi inibig ni sinukuan.
May mga nagsasabi naman na natatakot sa bundok na iyon ang mga tao noon. Madalas nilang nakikita ang isang tao na tulad ng kawayan na nakatabako ng sinlaking poste at kung lumakad ay lumilindol ang buyong bayan ng Penaranda.