Naging Nakasalig ang isang alamat sa isang paniniwala, pag uugali at ang pagmamahal natin sa ating bayan. Ang alamat ay nagiging daan upang bigyang kahalagahan ang paniniwala ng ating mga ninuno o matatanda at ito rin ay nagiging daan upang lalo nating maunawaan ang ating sarili.
Sa lalawigan ng Negros ay may nakahihigit na barangay noon na pinamumunuan ni Datu Ramilontanyang siyang pinuno dahil sa kanyang angking katapangan at kabaitan lalo na sa kanyang anak na dalagang si Kang.
Maraming binatang nabibilang sa mayayamang angkan ang naging talisuyo ni Kang dahil sa kanyang kagandahan. At buong pagmamalaki naming ipinahayag ng kanyang amang si Datu Ramilon na hindi siya sasalungat sa magiging desisyon ng kanyang anak. Sasang-ayunan niya ang sinumang mapipiling kanyang anak. Dahil dito, ipinagtapat ni Kang sa kanyang ama na matagal na niyang isinangla ang kanyang puso kay Laon, isang binatang anak ng matapang na Raha na malapit sa kanilang barangay.
Agad ipinasya ng Datu na ikasal ang dalawa sa pagsapit ng kabilugan ng buwan. Isang maluhong handaan ang inihanda sa kasal nina Kang at Laon. Datapuwat, habang ikinakasal ang magsing-irong, isang tauhan ni Datu Ramilon ang humahangos na dumating upang ibalita sa lahat na sumalakay ang mga mandirigma ni Datu Subanon.
Naging madugo ang pagsagupa ng magkabilang pangkat. Marami sa mga tauhan ni Datu Ramilon ang namatay. Napatay din si Datu Ramilon at sina Kang at Laon. Magkayakap na namatay ang magsing-irog.
Isang maliit na burol ang lumitaw sa lupang kinabagsakan ng magnobyo kinabukasan. Gayon na lamang ang pagkamangha ng mga sundalo ni Datu Subanon sa kanilang nakita.
Pagkalipas ng maraming panahon, lumaki nang lumaki ang burol hanggang naging ganap na bundok at nang lumaon ay tinawag itong bundok Kanlaon.