Tsang mangangahoy si Agong. May kubo siya sa paanan ng bundok ng Tanik. Mabait siya at masipag. Nililibot niya ang buong kabundukan sa paghahanap ng mga kahoy na maaari niyang ipagbili sa bayan. Siya ay may kubong tinitirhan sa iba't ibang lugar na pinagkukunan niya ng mga kahoy. Madalas na garing katatawanan si Agong ng maraming mga tao. "Bakit nagpapakahirap pang gumawa ng kubo si agong sa lugar na pinupuntahan niya? Tumira na lang siya sa itaas ng mga punong-kahoy," sabing isang matanda. "Matagal siya sa isang lugar. Kung wala na siyang makuhang kahoy doon ay iwan na niya ang kubo, lilipat na naman siya sa ibang lugar," dagdag pa ng isang matanda. "Mabuti naman. Kapag pupunta tayo sa bundok, hanapin na lang natin ang kubo ni Agong. Mayroon tayong matutuluyan kapag ginabi tayo sa gubat," sagot pa ng isang tagabayan. Kahit marami ang nagtatawa sa ginagawa ni Agong, marami rin naman nagmamahal sa kanya, lalo na ang mga kabataan. Lagi silang may pasalubong na prutas sa kanya. Sa paanan ng bundok na iyon ng kanilang bayan, may anim na magkakaibigang di maganda ang ugali Pinagnanasaan nilang nakawan si Agong. Marami ang bumibiling mga kahoy at matipid si agong. Siguradong maraming ipong pera si Agong, ang naisip ng anim na magkakaibigan. Isang araw, palihim na sinundan ng anim si Agong sa kanyang pag-uwi. Nakita nila kung saan itinatago ni agong ang kanyang pera. Nang lumabas na si Agong upang mangahoy, pinasok nil ang kuboni Agong upang nakawin ang basket, kaya umuwi siya agad. Dinatnan niya ang anim na hawak-hawak ang lukbutan ng kanyang pera. Pilit na inaagaw ni agong ang supot ng pera, ngunit itinulak siyang malakas ng isa sa kanila. Tumama ang ulo ni Agong sa malaking bato. Namatay agad si Agong sa oras na iyon. Sa isang iglap lumitaw ang isang magandang babae sa harap nila. Sinabi niya ang ganito: "wala kayong puso! Dahil sa ginawa ninyo sa mabait kong kaibigan na si agong, parurusahan ko kayo. Gagawin ko kayong mga hayop. Bawat isa sa inyo ay papasanin ang kubo ni Agong na minamahal ko.!