Noong unang panahon, ang karamihan ng mga pulo sa Pilipinas ay pinamumunuan ng isang datu.
Si Datu Munwa ang namumuno sa mga Kapampangan. Mabagsik siya at matapang. Minsan, sinalakay ng mga sundalo si Datu Manwa ang mga tritory ng mga Tagalog na nasa pamumuno ni Datu Buli. Magkasingtapang ang mga sundalo ng dalawang grupo. Kasama rito ang anak na dalaga ni Datu Buli. Maganda at mabait ang dalaga kaya nabihag niya ang mabagsik na puso ni Datu Munwa.
"Pinakamamahal kita", ang pagsamo niya sa dalaga. "Gagawin kitang reyna ng aking kaharian, pakasalan mo lang ako."
Nangako pa ang datu na simula sa araw na yon ay di na niya gagambalain pa ang kanyang mga kasama ibigin lang siya ng dalaga.
Sa tindi ng takot ng dalaga ay napipi siya. Hindi niya nalaman ang kanyang isasagot. Inulit ng datu ang kanyang nais. "Mabini inibig kita.
Gusto mo ba akong pakasalan?" ang mabagsik na tanong ng datu.
Sumagot ang dalaga,
"may kasintahan na po ako at hindi na ako maaaring
umibig pa kaninoman. Ikinalulungkot ko pong di ko kayo mapagbibigyan.
Nanaisin ko pang mamatay kesa magtaksil sa aking kasintahan." Isa sa mga bilanggo ni Datu Manwa ang kasintahan ng dalagang si Mabini, si Malakas.
Di naglaon, namayapa ang ama ni Mabini na si Datu Buli dahil sa sama ng lob. Lalo pang nawaln ng pag-asa ang magkasintahan. Ipinagapatng
dalaga ang masamang balak ng mabagsik na datu sa kanya. Nagpasya ang. dalava na tumakas upang makaiwas sa mabagik a datu. Lihim din nilang ipinaalam sa iba pang mga preso ang planong pagtakas.
Pagdating ng gabi, pinatay nila ang dalawang bangkay. Nakatakas silang lahat. Nakarating sila sa isang lugar na maraming punong namumunga.
Dito sila nanirahan. Si malakas at si mabini ang kanilang naging pinuno.
Nang dumating ang mga Kastila at sakupin ang Pilipinas, hindi rin naiwasang puntahan ng mga ito ang kanilang lugar.
"Ano ang tawag sa lugar na ito?" tanong ng isang Kastila. "Bayan po ng Bataan", ang magkabilang sagot ni Malakas at Mabini. Hindi kasi nila naintindihan ang mga Kastila.
Ang ibig sabihin ng dalawa ay pulo ng Bataan na tumakas sa kabagsikan ni Datu Manwa.
Dahil sa di nila pagkakaintindihan ng mga Kastila at mga kasama ni Malakas, sinabi na lang ng mga Kastila na Bataan ang lugar na iyon. Ang ibig sabihin nito ay mga batang sundalo na tumakas sa kulungan upang makaiwas sa bagsik ng datu