Alamat ng Alamat

Jng Alamat na ning Alamat

Isang bayan ang may mag-amang nakatira sa bundok. Mataas ang tinitirahan kaya't natatanaw nila ang mga ibang taong nakatira sa paanan ng bundok. Kung gaano kataas at kalaki ang tinitirahan nila, ganoon din naman ang pag-uugali ng ama, kabaligtaran sa ugali ng anak na dalaga na ubod ng bait.


Ang dalaga ay umiibig sa isang binatang mahirap ngunit ubod din naman ng bait. Humadlang ang ama sa pag-iibigan nilang dalawa kaya't sila y nagtanan. Galit na galit ang ama.


Isang araw, napakalakas ng ulan. Isang linggo na ay hindi pa tumitila ang ulan. Malapit ng lumubog ang mga nakatira sa paanan ng bundok.


Pinangunahan ng dalaga at ang napangasawa na pakiusapan ang ama na pansamantalang manirahan sa kanya. Galit na galit pa rin ang ama.


Ipinagtabuyan silang lahat. Umiiyak ang dalaga ngunit hindi natamo ang kapatawaran ng ama.


Natapos ding ang ulan. Nangamatay lahat ng nakatira sa paanan ng bundok. Ang ama nalamang ang natitirang buhay. Nang malaman nitong na tanging siya nalamang ang buhay, siya ay nagpakamatay. Hindi man lang tumalab ang kutsilyo sa kanya. May narinig siyang tinig.

"Ikaw ay walang kamatayan, kahit na matanda ka na, ikaw ay mabubuhay pa at bilang kaparusahan sa nagawa mo, hindi ka hihinto sa pagsulat. Itatala mo ang lahat ng kuwento tungkol sa pinagmulan ng tao, prutas, hayop o anumang bagay na kapupulutan ng magandang pag-uugali ng mga tao."


Kumidlat at naisulat sa malaking bato.


"ALAMAT, ito ang naisatitik.


Tumanda na at mukhang ermitany na ang ama ngunit patuloy pa rin ito sa pagsulat. Ito