Basta ating Tahimik at maligayang namumuhay ang mga tao noon sa isang baryo ng Kailokohan nang sakupin ng mga Kastila ang ating bansa. Sapagkat likas sa mga mamamayan sa lugar na ito ang pagiging mabait at masipag, agad na lumaganap ang
Kristiyanismo sa kanilang pook. Sila ay lalong naging maging mapanalanginin sa Diyos. Sa simbahang kanilang itinayo, isang gintong kampana ang nagsisilbing tung na umaakit sa kanila tuwing hapon para sa isang orasyon. Sabay-sabay silang nagdarasal upang sila y pagkalooban ng Diyos ng masagana at payapang buhay. Ito ang kanilang inspirasyon upang lalong magsikap at umunlad ang kanilang kabuhayan. Ang kampanang ginto ay naging isang sagrado t mahalagang hiyas sa kanilang simbahan. Ito ang napabalita sa mga kalapit nilang pook. Umabot ang balitang ito hanggang sa malayong pook, at sa mga masasamang loob. Lihim na bumalangkas ng plano kung paano nila nanakawin ang gintong kampana. Naghanda rin sila ng mga armas, bahala na kung sila'y makapatay. Lulusob sila sa oras na handa na ang lahat. Lingid sa kanilang kaalaman, isang may malasakit na mamamayan ang naghatid ng balita sa mga pari tungkol sa napipintong panganib. Mabilis na binaba mula sa tore ang gintong kampana at palihim na ibinaon ito sa lupa. ililigtas nila ito sa mga masasamang loob anuman ang mangyari. Dumating nga ang magnanakaw isang gabing tahimik ang paligid. Subalit hindi nila natagpuan ang gintong kampana. Sa kanilang galit, pinagpapatay nila ang lahat ng naroroon sa simbahan, dahil walalng gustong magtapat kung saan itinago ang gintong kampana. Gumimbal sa lahat ang malagim na balita. Nalungkot nang labis ang mga tao sa pagkamatay ng mga pari at sakristan. Hindi rin niila alam kung saan nakalagay ang gintong kampana. Inilibing nila ang mga bangkay sa isang hukay. Ang taginting ng kampana ay di na rin nila narinig pa mula noon. Nawalan sila ng pag-asa at inspirasyon: Ang dati nilang sigla ay naglaho. Kaya umunti nang umunti ang kanilang ani, maging ang kanilang mga alagang hayop: Maraming taon pa ang lumipas lianggang sa namatay na ang mga matatandang may alam sa kuwento ng kampanang ginto. Isang puno ang tumubo sa loob ng bakuran ng simbahan. Ito ang namumungang hugis kampana, kulay pula at makikinang. Hinangaan nila ang bunga. "Kawangis ng mga kopa. Oo nga, mga kopa," ang kanilang nasabi. Ang puno ay tinawag na makopa.