Ang Alamat ng Orongapo
Jng Alamat na ning Olongapo
Ang Olongapo ay bahagi ng Zambales at ito ay malapit sa lawa ng Subic.
Noong unang panahon ay may binatang magsasaka na nagngangalang
Dodong. Siya ay may malawak na bukirin.
Mahal siya ng kanyang mga kanayon
sapgkat matulungin siya sa kanila.
Binansagan tuloy siyang APO na panawag sa kanya ng mga kabataan at matatanda.
Sa ibayong baryo mayroon namang nakatira sa isang magandang dalaga na kung kumilos ay parang si Maria Clara.
Siya si Nene na naging kaibigan ni Dodong kahit malaki ang agwat ng edad nila. Nang lumipat ng tirahan ang pamilya ni Neneng ay hindi na sila muli pang nagkaugnayan.
Makalipas ang maraming taon, sa di inaasahang pagkakataon sa mataung lugar ng bayan, nakasalubong ni Dodong si Nene. "Dalagang-dalaga ka
na."
Bati niya sa dalaga. Lalo siyang gumanda. Pagkatapos ang balitaan, nagmagandang-loob di Apo na ihatid ang dalaga sa kanila. Hindi naman
siya pinahiya ni Nene.
"Tatay, Nanay," masayang tawag ni Nene. " Nandito po si Apo.
Dinadalaw kayo."
"Dodong, kamusta ka na?" Mabuti't dinalaw mo kami," wika ng ama ni
Nene.
"Huwag mo kaming alalahanin. Alam naming marami kang trabaho sa bukid. Kung kailangan mo ng tulong namin, huwag kang mahiya. Ipaalam
mo lang sa amin," dugtong pa ng ama.
"Salamat na lang po. Hayaan po ninyo, ako nalang ang papasyal sa inyo tuwing sabado para makatulong naman ako sa inyo kahit kaunti." Tugon
ng binata,
Simula noon, madalas nang magkita ang dalaga at ang binata. Di naglaon, naging malapit sila sa isa'-isa hanggang sa sila y naging magkasintalan.