Noong unang panahon, sa kaharian ng Masurka, may nakatirang pagkagandang-gandang prinsesa. Siya ay si Prinsesa Matalusong, anak mi Haring Tacmaan at ni Reyna Masugba. Matanda na si Haring Tacmaan kaya madalas nang magkasakit. Hanggat maaari ayaw po niyang mamayapa hanggat wala pang asawa si Prinssa Matalamusang. Isang araw ay kinausap ng hari ang anak na dalaga. Kaisa-isa kong anak. Kailangan mo ng Prinsipe sa isang kaharian kapagka akoy namayapa na. Matanda na rin ang iyong Inang Reyna. "Kaya ko pong pangasiwaang kaharian, Ama kong Hair". ". Sagot ni Prinsesa Matalamusang. "Iba ang magagawa ng isang lalake sa babae, anak. Paano mo maipagtatangg ol ang kaharian? Pamumunuan ko ito sa sinumang sasalakay sa ating kaharian" Isang araw any may matandang nakikiinom sa prinsesa. Sagot ng prinsesa ay ganito: Alam mo bang mas mahal ko pa ang tasa kaysa sa taong katulad mo? Ang tasa lang na ito ay nais kong makasama habang-buhay. Umalis ka sa harapan ko. Itinulak ng prinsesa ang matanda at napaupo sa nakausling bato. Galit ang matanda. Magmula ngayon, makakasama mo ang tasang iyan habambuhay. Ididikit ko ito sa katawan mo at hindi kayo maghihiwalay kailanman. Nahulog ni Prinsesa Matalamusang ang tasa. Natapon ang katas ns ubas. Umagos ang katas sa kinatatayuan ng prinsesa. Nanigas ang buong katawan at lumaki nanag lumaki ang tasa. Tumayo ang prinsesa. Napapo ito nang humangin. Di nagtagal, bumuka ang lupa. Nahulog ang prinsesa at ang tasa sa ilalim ng lupa. Mula noon di na nakita ang prinsesa. Isang araw, may tumubong halaman kung saan nahulog ang prinsesa at ang tasa. Lumaki ang puno at namunga ng kulay dilaw at hugis tasa at ang buto ay tumubo sa itaas ng bunga.