Ang Alamat ng Unang Tao

Jng Yatu at ing Minunang Tao


Sa simula ay wala pang daigdig at tao. Ang meron lang ay ang langit at dagat. Magkalayo ang dalawa ngunit nagtitinginan dahil magkatapat sila.


May mandaragit naman na walang tigil sa paglipad. Napagod siya sa pagkampay at ito ang ipinalalagay na unang kapagalan.


Wala namang madapuan ang mandaragit. Pagtingin niya sa itaas ay naroon ang buwan subalit di naman niya marating at paglambitinan.


Pagtingin naman sa ibaba naroon ang dagat subalit di naman niya madapuan

at mapaglambitinan.


"Ano ang gagawin ko? May kuko ako pero para saan?" Bumuntong hininga ang ibon at noon di y nag-isip kung paano niya mapagagalaw ang dalawa. Sa gayon, bumulusok siya saka niya kinahig ang tubig. Nakita niyang pakikinabangan ang kanyang kuko. Kaya kinahig niya nang kinahig ang tubig na sanhi upang tumaas ito. Nagitla ang langit. Kung di niya mapipigil ito sa pagtaas, aabot sa kanyang dibdib ang tubig na maalat. Subalit hindi na mapahihinto ang dagat dahil sa napagalit na ng mandaragit. Umisip ang langit ng paraan para patigilin ang dagat. Di nagtagal ay naghulog ng mga bato sa dagat ang kanyang ulap upang maapula ang galit na ginisingng mandaragit.


Sa pagkakataong ito ay inutusan ng langit ang ibon, "Diyan ka dumapo.


Yan ang tahanan mo. Gumawa ka na riyan ng pugad mo. Huwag mo na kaming aabalahin pa ng dagat." Dumapo ang ibon sa isang pulong bato. Ilang saglit pa'y may nakita siyang lumulutang sa dagat. Pakiwari niya mula ito sa mga inihulog ng langit sa dagat. Hindi niya ito pinansin. Nag-iisip siya kung ano ang kanyang gagawin. Subalit nagitla siya at nasaktan nang banggain siya ng dalawang biyas na kawayan. Nagalit ang ibon kaya tinuktok nang tinuktok ang kawayan.


Nang mabiyak ang kawayan sa pagtuktok ng ibon ay may lumitaw na lalaki sa unang biyas at babae naman sa ikalawa.


Sila ang unang magulang ng mga tao. Ito ang pinagmulan ng daigdig.