Ang Kharian ng Berbanya ay pinamumunuan ni Haring Fernando. Si Reyna Baleniana ang kanyang kabiyak. May tatlong anak na lalaki ang Rari, Si Don Juan ang bunso. Naging payapa ang kaharian sa kanyang pamumuno at tinuruan niya na gumamit ng tabak ang mga magkakapatid. Masigla ang lahat ng nasasakupan. Kinagabihan ay nanaginip ang hari at siya ay patalikod na nilapastangan. Hinulog siya sa malalim na balon. Dahil sa malalim na pag-isip sa panganay ay nagkasakit ang hari. Lahat ng marurunong na manggagagamot ay tinignan na ang hari ngunit walang nakagagamot sa kanya. Lumipas ang ilang araw ay nalaman na ang tanging gamut para sa hari ay ang engkantadang ibong adarna. Nakatira ang ibon sa Bundok Tabon. Makikita lang ito kung gabi. Dumadapo ito sa puno na may bunga na makintab na tulad ng isang perlas at mahahalagang bato. Ito ay hindi makikita maghapon. Tuwing gabi, ito ay umaawit ng pitong beses at sa bawat awit ay nagiiba ang kulay ng kanyang pakpak. Pagkatapos ng pag-awit ay aantukin na ito at tatae. Sinumang matamaan ng kanyang tae ay bigla na lang magiging bato. Lumisan ang dalawang nakatatandang magkapatid para hanapin ang ibong adarna. Sa kanilang paglalakbay ay may nakasalubong silang matandang ketongin, di siya pinansin sa paghingi nito ng pagkain sa kanila. Nakarating sila sa Bundok Tabon at doon nagpahinga kinabukasan. hanggang Sa paghihintay nila na magliwanag na ay nakita ang engkantadang ibong adarna na dumapo sa puno ng kadugpa. Lamrt ang ibon at nakarulog ang dalawang magkapatid, Sila ay naging Paskaran ng ilang panahon, hindi na nagbalik ang magkapatid. Napasiya si Don Juan Sa ang akbay, hanapin ang ibong adama at ang davang kapatid niya. Ser anyang paghahanap ay nakaranas siya ng mga nadakatakot na bagay. Pero hindi niya ito ininda. Nasalubong din niya ang matandang ketongin. Ibinigay mya sa matanda ang kapirasong tinapay niy. Yon pala ang ermitanyo. tinuro din sa kanya kung paano lalabanan ang kanyang antok pag kumanta ang ibon. Nagawa nga ni Don Juan na mahuli ang ibong Adarna at naibalik sa dating anyo ang kanyang dalawang kapatid. Sa pag-uwi nila dahil sa sukdulan ang sama ng dalawang kapatid, sinaktan siya at hinulog sa malalim na balon na gamot sa sakit ng amang Hari. Ganonpaman, ayaw kumanta ang ibon kaya lumala ang sakit ng matanda. Makalipas ang ilang araw, nakarating sa palasyo si Don Juan. Pagkakita sa kanya ng ibon agad itong sumaya at umawit. Ito ang ikinagaling ng amang hari. Ang awit ng hayop ay may kaugnayan sa pamamansala ng magkapatid kay Don Juan. Sa galit ng matanda, pinalayas niya ang magkapatid, subalit nagmakaawa si Don Juan na patawarin sila. Pinatawad naman sila ng Hari at tuluyang nagbalik ang kanyang sigla. Nagbalik din sa dating sigla ang palasyo kasama ang engkantadong ibong Adarna.