Ang karamihan sa mga KKK Updates ay makikita sa opisyal na Nangyari Noon, Kasaysayan Ngayon Facebook page o kaya naman sa DepEd Tayo City of San Jose del Monte National Science High School page. Ang KKK ay kilala sa mga iba't ibang mga tampok na programa at aktibidad na pinapakilala at pinapanatili kada taon.
Ang CSanSci Bazaar ay ang tampok na aktibidad ng KKK at performance task ng AP 9 sa ikalawang markahan. Nagsimula ito noong SY 2022-2023 sa ilalim ni Pres. Temblique. Ang mga ika-9 baitang ay nahahati mga grupo sa ilalim ng 3 kategorya: Sweets, Drinks, at Snacks. Sila ay gagawa ng mga sariling booth, posters, business proposals, at produkto na itinitinda sa covered court.
Ang HistoryBook ay nagsimula sa isang hamon ni Ma'am Mara Ramos sa mga KKK Officers sa ilalim ni Pres. Tedra na magkaroon ng isang community service muli ang organisasyon upang mapagpatuloy ang sinimulan ni Pres. Condalor. Nakipagtulungan ang KKK sa SSLG at Lexicon upang mapalawig ang laki nito. Sinuportahan din ito ng mga magulang at guro. Naging malaking biyaya ito sa mga bata sa karatig-barangay na San Jose Heights.
Ang Araw ng Watawat at Kalayaan ay pinagdiriwang mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12. Pinagdiriwang ito ng paaralan sa pamamagitan ng pagdidisplay ng mga flaglets.
Ang Buwan ng Kasaysayan ay pinagdiriwang ng KKK alinsabay ng Buwan ng Wika ng Lexicon. Nagsasagawa ng mga aktibidad at quizbees para mahasa ang mga batang SanSay ukol sa kasaysayan, partikular na sa Pilipinas.
Ang Buwan ng Nagkakaisang Bansa ay pinagdiriwang kaalinsabay ng Buwan ng mga Katutubo. May mga aktibidad at quizbees ang KKK ukol sa daigdig at mga katutubo.
Histoquizbee
Sagisag Kultura
Population Development
Mapakasaysayan
Ang mga fundraising activities ay isinasagawa ng KKK upang matustusan ang mga aktibidad at pangangailangan nito. Bilang mga mag-aaral ng AP, naisasabuhay din nila ang kaalaman sa ekonomiks para sa ikauunlad ng organisasyon.
Ang Nangyari Noon, Kasaysayan Ngayon ang flagship program ng KKK sa social media. Ito ay may Facebook page, YouTube channel, at website. Iba't ibang mga paskil tulad ng Today in History, HistoTrivia, Biglaang Balita, Histolessons, Basakasaysayan, atbp. ang pinopost ng KKK. Ito ay mas napaigting at napalawak sa ilalim ni Pres. Ramil na pinagpapatuloy pa rin sa kasalukuyan.