“No man is an island.” Nagpapatunay ito na sa buhay ay kailangan natin ng karamay o kasama.
Ang konseptong ito ay akma din sa isang bansa.
Makikita sa pampolitika, panlipunan, at sa pang-ekonomikong usaping na masasalamin sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.
Ang kalakalang panlabas ay tumutukoy sa palitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa.
Pagluluwas
Pagpapadala ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa. Nagaganap kapag sobra kaysa sa kinakailangan ang dami ng produkto sa isang bansa.
Pag-aangkat
Pagpasok ng produkto at serbisyo sa lokal na pamilihan mula sa ibang bansa. Nagaganap kapag kulang ang dami ng produkto sa isang bansa.
Sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na inaangkat sa halaga ng kalakal na iniluluwas, makukuha ang Balance of Trade (BOT). Kapag mas mataas ang import sa export, nagkakaroon ng trade deficit. Kapag naman mas mataas ang export sa import, tinatawag itong trade surplus.
Ang Balance of Payment (BOP) naman ang nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa o ito ay isang summary statement tungkol sa transaksiyon ng isang bansa sa lahat ng iba pang mga bansa sa loob ng isang tiyak na panahon.
Ito ang naging basehan ng mga bansa upang sumali sa pandaigdigang kalakalan.
Ang Absolute Advantage Theory, ay pinanukala ni Adam Smith, kasabay ng paglathala ng aklat niyang "An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations" noong 1776.
Ito ay sitwasyon kung saan ang bansa ay nakakalikha ng mas maraming produkto gamit ang mas kaunting salik ng produksiyon kumpara sa ibang bansa.
Ang Comparative Advantage Theory, ay ipinakilala naman ni David Ricardo, sa kaniyang aklat na "On the Principles of Political Economy and Taxation" na isinulat noong 1817.
Ang isang bansa ay kaya magprodyus ng kalakal na mas efficient kumpara sa ibang bansa. Ang konseptong ito ay nakabatay sa "opportunity cost."
Polisiyang pang-ekonomiko kung saan niriristrikta ang pag-iimport mula sa ibang mga bansa.
Polisiyang pang-ekonomiko kung saan tinatanggal o binabawasan ang mga restriksyon sa kalakalan sa pagitan ng mga bansa.
Taripa
Ito ay espesyal na buwis na ipinapataw lamang sa mga kalakal na inaangkat. Ang pagpataw ng buwis sa mga angkat na kalakal ay nagpapataas sa presyo nito.
Kota
Ito ang bilang o dami ng kalakal o produktong inaangkat o iniluluwas upang mapangalagaan ang lokal na produkto sa pagdagsa ng maraming produktong dayuhan.
Sabsidi
Ito ang tulong na ibinibigay ng gobyerno upang bumaba ang halaga ng produksyon ng mga lokal na produkto.
Ang pangunahing luwas ng Pilipinas ay ang electronic products, na bumubuo sa mahigit na 40% ng kabuuang halaga ng luwas. Pangunahing pinagluluwasan ng mga produkto ay mula sa bansa ng Japan, United states, China , Hongkong, Thailand at Singapore.
Pangunahing angkat naman ng Pilipinas ang fuel, electronic products, transport equipment, industrial machinery, iron ore, metal scrap, at cereals. Pangunahing pinag-aangkatan ng Pilipinas ang Unites States, China, Japan, Taiwan, South Korea, Thailand, at Singapore.
Pagdami ng produkto at serbisyo na pagpipilian ng mamimili.
Inaangat ang antas ng produksiyon upang mas maging mahusay ang kalidad ng produkto.
Nabibigyang pagkakataon na makilala at tangkilikin sa ibang bansa ang ating mga produkto.
Nakatutulong sa pagpapatibay ng ugnayan at relasyon sa ibang bansa.
Nakadadagdag sa pondo ng isang bansa.
Nalilinang ang kaisipang kolonyal (colonial mentality) ng mga mamamayan.
Pagiging pala-asa ng mga mamamayan sa produktong banyaga, imbes na bumuo ng sariling produkto.
Paghina ng lokal na negosyo o industriya dahil sa mahigpit na pakikipagkumpitensya sa banyagang produkto at kompanya.
Pagkawala ng sariling pagkakakilanlan bunga ng pagpasok ng dayuhang kultura sa lipunan.
Presidential Decree No. 1464 (Tariff and Customs Code of the Philippines) - Ito ang pangunahing batas ukol sa pakikipagkalakalan sa Pilipinas. Nagbibigay kapangyarihan sa Bureau of Customs at naglilista ng kaukulang posyento ng taripa sa bawat produkto.
Republic Act 7721 (Liberalisasyon sa Sektor ng Pagbabangko)- Ito ay isinabatas upang mapalawak ang operasyon ng mga dayuhang bangko sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga sangay nito. Pinapayagan ng batas na ito ang pagpasok, pangangasiwa, at pamamahala ng mga sangay nila dito sa Pilipinas.
Ito ay kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping member states.
Ito ay samahang may layuning isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito.
Sa aspektong pang-ekonomiko, ang samahang ito ay naglalayong paunlarin at isulong ang malayang kalakalan sa bawat kasapi ng ASEAN pati ang mga bansang dialogue partner nito.
Ito ang ahensiyang naglulunsad ng iba't-ibang estratehiyang pamilihan upang makilala at mapatanyag ang produktong gawa ng sariling bansa. Lumalahok sila sa mga trade exposition o trade exhibit. Layunin nitong ipaalam ang mga impormasyon ukol sa kalakarang pang-negosyo sa bansa at mga pakinabang na dulot nito sa mga nais mag-invest.
Ahensiyang namamahala sa pangongolekta ng buwis sa mga pumapasok na produkto sa loob ng bansa. Isinasaayos din nila ang proseso ng pagpasok at paglabas ng produkto sa Pilipinas. Sila rin ang pumipigil ng mga smuggled na produkto at mga kontrabando.
Byahero. “Ekonomiks Learning Module Yunit 4.” Slideshare, 9 May 2015, www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-learning-module-yunit-4?fbclid=IwAR0X9nEmeYC-y5h82ERxCjbrYYmaob3jjmJA3g-J7yLv6CFQ6598Quyaq1c.
Department of Trade and Industry. "Trade Data." n.d. Department of Trade and Industry. 2021.
Focus Economics. "Trade Balance in Philippines." n.d. Focus Economics. 2021.
Hayes, Adam. “Comparative Advantage.” Investopedia, 26 Oct. 2020, www.investopedia.com/terms/c/comparativeadvantage.asp.
“Hiling Na Itaas Ang Taripa Sa Karneng Baboy Pinag-Aaralan | TV Patrol.” YouTube, uploaded by ABS-CBN News, 9 May 2021, www.youtube.com/watch?v=-CW1f_bIfjA.
Investopedia. "Absolute Advantage." 2021. Investopedia. Internet Document. May 2021.
—. "Comparative Advantage." 2021. Investopedia. Internet Document. May 2021.
—. "Profit Margin." 2021. Investopedia. Internet Document. May 2021.
Jacob, Clifford. “Comparative Advantage Explained.” YouTube, uploaded by Jacob Clifford, 26 Mar. 2014, www.youtube.com/watch?v=ol4NexZ0iII.
Mapa, Dennis S. “Highlights of the International Merchandise Trade Statistics of the Philippines, First Semester 2020 | Philippine Statistics Authority.” Philippine Statistics Authority, 25 Sept. 2020, psa.gov.ph/content/highlights-international-merchandise-trade-statistics-philippines-first-semester-2020.
Rivera, Arnel. “MELC_Aralin 23-Kalakalang Panlabas.” Slideshare, 2 June 2021, www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/melcaralin-23kalakalang-panlabas.
Tuzon, Gesa. “Kalakalang Panlabas.” Slideshare, 9 July 2014, www.slideshare.net/GesaMayMargaretteTuz/kalakalang-panlabas.
World Integrated Trade Solutions. "Philippine Trades." n.d. World Integrated Trade Solutions. 2021.
Ang pahinang ito ay pinagsama-samang kontribusyon ng mga ikalimang grupo sa ika-9 na baitang ng panuruang taon 2020-2021.
Lithium: Glen Aguirre, Abegail Borac, Joey Anne De Villa, Matt Gregorio, Andrew Ipio, Jasmine Orate, Gwyneth Tablo, & Bryle Violanda
Beryllium: Dolanz Palad, JP Parale, Johnmark Repdos, Ivan Varez, Julianne Andrade, Hannah Nazareta, & Donita Salonga
Helium: Lexter Dagalea, CJ Bintulan, Odli Plamenco, Clark Espina, Stephen Real, JN Almadrones, Claire Ponciano, & Tricia Neblasca