Ang paggawa ng action plan ng KKK ay ginagawa sa mga panahong pagitan ng dalawang taong panuruan. Ito ay para mailatag ang mga petsa na dapat idaos ang mga okasyon, mga proyektong maaaring gawin ng mga guro, at mga iba pang organisasyon na maaaring maging kabalikat nito. Ang KKK ay tampok sa tatlong buwan: Buwan ng Kasaysayan ng Agosto, Buwan ng Nagkakaisang Bansa at Katutubo sa Oktubre, at Buwan ng Watawat at Kalayaan ng Hunyo. Dati, ginagawa ito sa umpisa ng taon ngunit minodelo ng organisasyon ang paraan ng epektibong pagpaplano sa SSG. Gayundin, may ilang mga aktibidad na hindi nagagawa o biglang naipapagawa naayon sa pangangailangan ng paaralan.
Ang action plan ay karaniwang ginagawa ng presidente o mga opisyal ng KKK sa pamatnubay ng coordinator. Ang pinal na action plan ay sinasang-ayunan ng dalawang guro ng AP. Pagkatapos ay pinapasa ito kay Sir Emmanuel de Mesa, ang Education Program Supervisor ng AP ng Division of CSJDM.
Pagkatapos ay ginagawan ito ng calendar of activities na isinasama sa mga pinanukalang aktibidad ng iba't ibang departmento at organisasyon ng paaralan. Nakabatay din ito sa school calendar na nilalabas ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ang naglalaman sa mga kanagapan sa KKK sa loob ng isang taon.
Bunga ng pagpaplano at pagtutulungan ng mga guro, kasapi, at mag-aaral, nagbunsod ito sa mga programa at aktibidad sa AP na mas nagpakulay sa buhay CSANSCI. Gayundin, hindi nagpahuli ang Departamento ng AP sa pag-uuwi ng mga karangalan para sa paaralan.