Ang Departamento ng Araling Panlipunan ay lumahok at nag-uwi rin ng karangalan para sa paaralan.
Naiuwi ni Allyana Marie Gipgano ang kampeonato sa 2019 DEPED San Jose del Monte City On-The-Stop Skills Exhibition on Population Development (Jingle Writing & Singing). Dahil dito, kwalipikado rin siya na lumahok sa Regional Festival of Talents noong taong yaon.
Naipaglaban ni Dolanz Rolfe Palad ang ikalawang pwesto sa 2019 AP Pop Debate sa Minuyan Elementary School.
Ang mga guro ng AP kada distrito ay nagtunggali sa District Sagisag Kultura Quiz Bee 2022. Sa ika-7 na distrito, nakuha ni Bb. Mara Danica Ramos ang ikalawang pwesto.
Ikalawang taon na ng pagsali ni Athena Yshelle Ysit sa patimpalak ng paggawa ng poster sa Agrikonomiya ng UP Agricultural and Applied Economics Circle. At siya ang nanguna sa Top 5 Most Liked Poster Making Competition.
Si Lance Jimson Saban ay ang kampeon ng HistoQuizbee 2023 ng KKK kung kaya siya ang pinadala sa Regional Festival of Talents Population Development Quiz. Siya ang ikaapat na pwesto sa buong rehiyon 3.
Unang taon ng pagsali ng KKK at CSanSci sa KaKASa Ka Ba? 2024 na taunang patimpalak ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) na idinaos sa UP Diliman. Ang dalawang ika-8 baitang na mag-aaral, sila Alex Gabriel Uy at Ibrahim Mutahir Bhatti, na nanalo sa school-based Histoquizbee na isinagawa ng KKK ang pinadala para sa Tagisan ng Talino. Sila ay nagkamit ng ikatlong pwesto laban sa mga paaralan sa NCR.
Maliban kila Alex Gabriel Uy at Ibrahim Mutahir Bhatti, ating kilalanin ang mga mag-aaral na lumahok sa mga patimpalak sa AP sa SY 2023-2024:
District Sagisag Kultura Quiz Bee: Marc Lawrence Dizon
KaKASa Ka Ba? 2024: Cyrene Samaria Bautista (Poster-Making) & Cristelle Abaño (Essay-Writing)
Agrikonomiya 2024 - Agricultural Pitch Competition: Jasmin Dailisan, Athena Yshelle Ysit, & Hannah Joi Nazareta
Division Festival of Talents - Population Development: Alex Miguel Aviles (Quiz Bee) & Renee Marie Juliana Fabrea (Extemporaneous Speech)