Karaniwang sinasabi na ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa.
Ngunit, kung titignan ang GDP noong taong 2020, pinakamalaki ang naipasok sa ekonomiya ng sektor ng paglilingkod. Ang tinuturing ngang mga bagong bayani ay mga Overseas Filipino Workers (OFW). Kilala ang mga Filipino sa kasipagan bilang mga manggagawa, sa loob man o labas ng bansa. Kung itatanong ang karamihan sa mga kabataan, kalimitan sa kanilang mga pangarap ay pumasok sa sektor ng paglilingkod. At panghuli, ipinagdiriwang natin ang Mayo Uno bilang Araw ng mga Manggagawa.
Ang Pilipinas ay isang service-oriented na bansa. Anu-ano ang mga suliraning kinakaharap ng sektor na ito at paano napoprotektahan ang ating mga manggawa?
Ang paglilingkod ay pagbibigay ng serbisyo sa kapwa sa halip na bumuo ng produkto.
Ito ang tungkulin ng mga bumubuo sa sektor ng paglilingkod. Ito ang sektor na gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa.
Sa sektor na ito, ang lakas-paggawa ay nagkakaroon ng espesyalisasyon. Ito ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman, kasanayan, at kagamitan upang gawin ang isang kalakal o paglilingkod. Dahil ang bawat manggagawa ay may kanya-kanyang espesyalisayon, mas nagiging mura at kapaki-pakinabang ang pagtugon ng pangangailangan ng bawat isa.
Ito ang pinakamataas na porsyento ng GDP ng bansa.
Nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan.
Nakakapag-imbak, naihahatid, at naititinda ang mga kalakal mula sa mga sakahan at paggawaan.
Nakakapagpasok ng dolyar sa bansa sa pamamagitan ng mga OFW.
Transportasyon. Komunikasyon, at mga Imbakan - Itinataguyod nila ang kaligtasan at kaayusan sa pagbibigay ng mga produkto at serbisyo sa mga mamamayan. Tumutukoy ito sa mga sasakyan, mga serbisyong pang-komunikasyon, at alokasyon ng mga bodega.
Kalakalan - Tumutukoy ito sa palitan ng mga produkto at serbisyo sa loob at labas ng bansa.
Pananalapi - Tumutukoy ito sa pagbabahagi ng serbisyong pampinansiyal na nagaganap sa mga bangko, bahay sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers, at iba pa.
Paupahang Bahay at Real Estate - Tumutukoy sa mga pabahay na mabibili o paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town house, at condominium.
Transportasyon, Komunikasyon, at mga Imbakan
Kalakalan
Pananalapi
Paupahang Bahay at Real Estate
Binubuo ito ng mga serbisyong nagmumula sa mga pribadong sektor.
Binubuo ito ng mga serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan.
Kontraktwalisasyon
Ang isang manggagawa ay nakatali sa kontrata na mayroon siyang trabaho sa loob ng 5 buwan lamang.
Brain Drain
Pagkaubos ng mga manggagawa patungo sa ibang bansa.
Below Minimum Wages
Mababang pashod at pagkakait ng mga benepisyo sa mga manggagawa.
Mabigat na trapiko
Mga sirang kalsada
Mataas na presyo ng langis
Mabagal na teknolohiya at serbisyo
Philippine Constitution Article XIII, Section 3 (Katarungang Panlipunan at mga Karapatang Pantao) - Isinasaad dito na kailangan pangalagaan ang mga karapatan ng mga manggagawa at bigyan sila ng mga kamalayan ukol sa mga patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang karapatan.
Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act) - Nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang pasahod o minimum wage.
Republic Act No. 9710 (Special Leave para sa Kababaihan) - May karapatan sa Special Leave ang mga babaeng empleyado na may gynecological disorder na sinertipikahan ng isang physician.
Presidential Decree No. 442, Article 3015 (Retirement Pay) - Ang sinumang manggagawa ay maaaring iretiro sa sandaling umabot siya sa edad na 60-65 taong gulang at nakapaglingkod na ng hindi kukulangin sa 5 taon.
Presidential Decree No. 851 (Thirteenth-Month Pay) - Pagpapasahod sa mga empleyadong nakapaglingkod ng hindi bababa sa isang buwan. Ibinibigay nang hindi lalagpas ng ika-24 ng Disyembre bawat taon.
Presidential Decree No. 626 (Benepisyo sa Employees’ Compensation Program) - Pagbibigay ng compensation package sa mga manggagawa (o sa kanilang dependents) na nagtatrabaho sa pampubliko o pampribadong sektor sakaling may kaganapang pagkakasakit na may kaugnayan sa trabaho, pinsala, kapansanan, o kamatayan.
Republic Act No. 4136 (Land Transportation and Traffic Code) - Ang batas na ito ay naka-focus sa mga probisyon ukol sa pagkontrol, pagrehistro, at operasyon o paggamit ng mga motorsiklo. Kasama na dito ang pagkuha ng lisensya ng mga may ari, dealers, drayber, at mga katulad pa ukol dito.
Republic Act No. 9160 (Anti-Money Laundering Act of 2001) - Sa pamamagitan nito ay idineklara ang patakaran ng Estado na protektahan at mapanatili ang integridad at pagiging kompidensiyal ng mga bank account at upang matiyak na ang Pilipinas ay hindi gagamitin bilang isang lugar ng paglalaba ng salapi para sa mga nalikom ng anumang labag sa batas na aktibidad.
Republic Act No. 9653 (Rent Control Act of 2009) - Layunin ng batas na ito na maprotektahan ang ang mga nangungupahan ng pabahay o mga housing tenants sa mas mababang kita at iba pang mga benepisyaryo mula sa mga hindi makatwirang pagtaas ng renta.
National Labor Relations Act o Batas Pambansa ng Ugnayang Paggawa - Ang batas na ito ay naglalayong magbigay-kasiguraduhan sa karapatan ng mga empleyado na mag-organisa at makipagkasundo nang sama-sama sa kanilang mga pinagtatrabahuan, at makipagkasundo sa ibang protektadong nagkakaisang gawain o iwasang gumawa ng anumang gawain na nakasaad sa itaas. Ang mga empleyadong saklaw ng batas na ito ay protektado mula sa ilang uri ng pagmamalabis ng pinagtatrabahuan at unyon.
Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) - Layunin ng batas na ito na magtaguyod ng isang mataas na pamantayan ng serbisyo publiko. Ang mga pampublikong opisyal at empleyado ay mananagot sa mga mamamayan at dapat gampanan ang kanilang mga tungkulin na may pinakamataas na responsibilidad, integridad, kagalingan at katapatan, kumilos nang may pagkamakabayan at hustisya, namumuhay nang mahinhin, at panatilihin ang interes ng publiko sa personal na interes.
Department of Transportation and Communication (DOTR)
Tungkulin ng ahensiya na magpaayos, magpalawak, at lalong mapaunlad ang sistema ng transportasyon sa bansa. Ito ang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa aspeto ng transportasyon at komunikasyon.
Department of Labor and Employment (DOLE)
Ang ahensiyang nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa, at nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa industriya ng paggawa sa bansa.
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
Ahensiya ng pamahalaan na tumitingin a kapakanan ng mga overseas Filipino workers.
Philipppine Overseas Employment Administration (POEA)
may layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at pangalagaan ang kapakanan ng overseas Filipino workers.
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Isinusulong ng batas na ito na hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga local na pamahalaan, at mga instituyonag teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa.
Professional Regulation Commission (PRC)
Nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propeyonal upang matiyak ang kahusayan a paghahatid ng mga serbisyong propesyonal sa bansa.
MissRubyJane. "Sektor ng paglilingkod." (2019): 1-30. https://www.slideshare.net/Arjei12/sektor-ng-paglilingkod-132048963.
Byahero. “Ekonomiks Learning Module Yunit 4.” (2015): 84-95. https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-learning-module-yunit-4.
angelica rosita. “Suliranin ng Sektor ng Paglilingkod.” (2017). https://youtube.com/watch?v=gtHBzwYpU1M&feature=share.
DROF3L 18! “Mga Ahensyang Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod.” (2021). https://www.youtube.com/watch?v=4d5BeYJ0ZUU.
Dijan, Elvie Loraine. “MGA AHENSYANG TUMUTULONG SA SEKTOR NG PAGLILINGKOD.” (2016). https://www.youtube.com/watch?v=lC6PHXfXmAQ.
Land Transportation Office (LTO). “Republic Act.” (2020). https://lto.gov.ph/issuances/republic-act.html.
Anti-Money Laundering Council (AMLC). “Republic Act No. 9160”. http://www.amlc.gov.ph/laws/money-laundering/2015-10-16-02-50-56/republic-act-9160.
Sue Quirante. “Malayang Kalakalan.” (2012). 23-24. https://www.slideshare.net/suequirante/malayang-kalakalan.
Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). “HUDCC Resolution No 1 - Extending the Rent Control Act.” (2017). 1-4. https://hudcc.gov.ph/sites/default/files/styles/large/public/document/HUDCC%20Resolution%20No%201%20-%20Extending%20the%20Rent%20Control%20Act.pdf.
National Labor Relations Board (NLRB). “tagalog.” (2011). https://www.nlrb.gov/sites/default/files/attachments/basic-page/node-3788/tagalog.pdf.
The LawPhil Project. “R.A. 6713.” (1989). https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1989/ra_6713_1989.html.
Balitao, Bernard R., et al. Pambansang Ekonomiya at Pag-Unlad. 2015th ed., Vibal Group, Inc., 2015.
Tuzon, Gesa. “Sektor Ng Paglilingkod.” SlideShare. 5 June 2021, www.slideshare.net/GesaMayMargaretteTuz/sektor-ng-paglilingkod.
N/A, Titser Ramca, director. (MELC's) Sektor Ng Paglilingkod. YouTube, YouTube, 24 Feb. 2021, www.youtube.com/watch?v=MfK2upxxkCE&t=254s.
N/A, FERNANDPRAISE ORLANDEZ, director. MELC Lesson-Mga Batas Na Nangangalaga Sa Mga Karapatan Ng Manggagawa. YouTube, YouTube, 29 May 2021, www.youtube.com/watch?v=g1CL0OlUapo.
Ang pahinang ito ay pinagsama-samang kontribusyon ng mga ikatlong grupo sa ika-9 na baitang ng panuruang taon 2020-2021.
Lithium: Aziyah Magbanua, Elford Estores, Erika Antivo, Joseph Carungay, Jhay-R delos Santos, Sherwin Mamorno, Patrick Salado, Ali Tanting, & Miguel Tolentino
Beryllium: Axel Noble, Axl Baula, Rica Benis, CJ Arcenal, Clarize Genotiva, Eris Lopez, & Nicole Diego
Helium: Aaron Ilagan, Canayel Agdan, Jimson Derecho, Gabriel Elento, Anna Rica Macapanas, Karl Pajarillo, & Amiel Samson