Nagsimula ang organisasyon na ito mula noong akademikong taon 2018–2019 sa pagdating ng ikalawang guro sa AP ng City of San Jose del Monte National Science High School na si Bb. Mara Danica Ramos. Naging hudyat ito ng pagtatatag ng hiwalay na AP club mula sa ilalim ng layuning Makatao ng Supreme Student Government. Ang KKK—na noo'y kilala lamang bilang AP club—ay aktibong nakilahok lalo na sa buwan ng Agosto, bilang ito'y Buwan ng Wika at Kasaysayan, at Oktubre, bilang Buwan ng Nagkakaisang Bansa. Ang unang presidente nito ay si G. Mark Austin Condador.
Sa pagpasok ng ikalawang taon nito, nagsimula muli ang organisasyon na binubuo ng mga mag-aaral mula Junior High, sa pangunguna ni G. Darnelle Joseph Dimaliwat, ang presidente nito. Inilunsad ang "Nangyari Noon, Kasaysayan Ngayon" noong Hunyo 26, 2019. Ito ay halaw sa suwestiyon ni Bb. Bahvica Nacion sa SSG na magtaguyod ng isang pahina sa Facebook upang maipalaganap ang mga impormasyon ukol sa kasaysayan. Naipasa sa AP club ang paggawa at pagpapanatili nito. Gayundin, napagbotohan na ang opisyal na ngalan ng organisasyon ay ang Kabataan Tungo sa Kaunlaran ng Kasaysayan (KKK) ayon naman sa panukala ni G. Gabriel Ivan Varez.
Nang tumama ang pandemya ng COVID-19, nagkaroon ng mga pagbabago sa organisasyon. Hunyo 8, 2020 – nagpasya ang mga tagapayo nito na magsimula muli para sa taong panuruan 2020–2021. Ang nahalal na presidente ay si G. John Michel Ramil. Sa ilalim ng kanyang pamumuno mas naging aktibo ang organisasyon sa online dahil na rin sa karamihan ng mag-aaral ay pinili ang online distance modality. Madalas na kaagapay ng AP club ang SSG, ang noo'y mga aktibong club sa taong akademikong yaon. Umusbong din ang karamihan ng mga programa ng KKK, tulad ng Histotrivia, Biglaang Balita, Bookportal, Histolesson, at YouTube channel.
Noong Agosto 18, 2021, nailipat ang advisership ng KKK kay Bb. Marylou Barredo. Sumunod dito, nahalal na presidente ng SSG si G. Ramil ng SSG noong October 18, 2021. Ngunit bago niya isinalin ang pamumuno ay kanyang inilunsad ang Kasaysayan Festival kung saan makikita ang mga patimpalak na Minecraft Tournament at Musikasaysayan. Ang naging presidente ng KKK para sa unang bahagi ng akademikong taong 2021-2022 ay si G. Amiel Jozelo Samson. Siya'y hinalinhinan ni Bb. Georgina Temblique para sa ikalawang bahagi ng taon. Bilang bahagi ng club modernization ay aktibong nakikilahok ang KKK sa mga programa ng SSG, kaakibat ang iba pang mga clubs tulad ng Lexicon at Mathletes. Pinakatampok dito ang Online Intramurals kung saan ang KKK ang nagpalaro ng Histo Henyo at HISTO.
Muling nahalal si Bb. Temblique bilang presidente ng KKK ng taong panuruang 2022-2023. Sa paglipat sa hybrid modality, nanatili pa ring online ang mga programa at kinakitaan ng mas maigting na pakikipagtulungan sa Lexicon Club. Noong tuluyan nang naging face-to-face modality, nakapagsagawa ang KKK ng mga malalaking aktibidad, tulad ng food bazaar at Flag Days. Naging instrumento rin ang histoquizbee ng KKK upang mapili si G. Lance Jimson Saban na nanalo sa ikaapat na pwesto sa Population Development Quiz Bee ng Regional Festival of Talents. Isang araw bago ang pagtatapos ng akademikong taon, Hulyo 6, 2023, pormal nang tinalaga ang mga bagong opisyal sa pangunguna ni Bb. Russel Eanna Tedra bilang presidente.
Sa pamumuno ni Bb. Tedra, tumibay ang pamumuno ng KKK at pinangunahan ang mga programang nag-iwan ng marka sa kulturang SanSay. Maliban sa pagdiriwang mga buwanang aktibidad at pagpapatuloy ng CSanSci Bazaar, ang KKK ay nakilala sa pagpapagawa ng bagong disenyo ng CSanSablay. Ito ay dinisenyo ni Aaron Daniel Azarcon, mag-aaral ng ika-7 baitang Alfredo C. Santos. Siya ay binigyan ng pabuya na nagkakahalagang 3,000 pesos na donasyon ng GPTA at AP Department. Gayundin, sa pamamuno ni Bb. Tedra nainlunsad ang HiStoryBook, isang community outreach sa mga batang San Jose Heights. Ito ay naging posible sa pagtutulungan ng KKK, Lexicon Club, SSLG, FEA, at GPTA. Maliban sa Sagisag Kultura at Pop Dev't Quiz Bees, nakipagtagisan din ang mga batang SanSay sa KaKASa Ka Ba? kung saan nag-uwi ng ikatlong karangalan sila Alex Gabriel Uy at Ibrahim Mutahir Bhatti. Ang KKK ay nagsagawa ng fund-raising activities kung kaya nagkaroon na rin ng unang KaTipShirt. Sa naganap na eleksyon noong Mayo 23, 2024, nanaig si Bb. Helaine Lexene Magwa bilang presidente ng KKK.