Ang sagisag o simbolo ay isang larawan o bagay na nagpapahiwatig ng isa pang bagay o ideya. Bilang organisasyon ng AP, ang KKK ay nangailangan din ng isang sagisag upang maipakita ang sarili nitong biswal na identidad.
Sa ikalawang taon ng AP club, nagkaroon ng pangangailangan ng logo sapagkat nailunsad na ang Nangyari Noon, Kasaysayan Ngayon noong Hunyo 2019. Upang magkaroon ng profile picture ang Facebook page, isinama sa mga patimpalak ng Buwan ng Kasaysayan ang paggawa ng logo. Bawat seksyon ay nagpadala ng kanilang mga kinatawan upang gumawa sa loob ng isang oras sa computer laboratory gamit ang Adobe Photoshop. Ang naging kampeon ay si Ian Gil Longakit, ang mag-aaral mula sa ika-12 na baitang. Ang logo ay naglalaman ng tatlong bata, isang lalaki, isang may salakot, at isang babae, na nakatanaw sa mundong may watawat ng Pilipinas at tatlong tao sa ilalim. Ito ay may tig-isang sanga ng laurel sa gilid. Mayroon ding mga pantig ng abakada rito.
Ang orihinal na logo na gawa ni Ian Gil Longakit, kampeon ng Buwan ng Kasaysayan 2019 Logo-Making Contest.
Ang logo ay nirebisa ni Pres. John Michel Ramil noong 2020 upang mapasimple ang paggamit nito.
Ang isa pang logo na ginawa ni Pres. Ramil upang ihiwalay ang pormal na logo ng club sa mga dokumento.
Muling nirebisa ni Pres. Georgina Temblique ang logo noong 2022 na ginamit din sa pin nito.
Dahil sa pagkakamaling na-isave sa jpeg format ang orihinal na logo imbes na png, mahirap gamitin ito kung hindi itim ang background. Kung kaya sa paglipat ng KKK sa online modality, pinasimple ni Pres. John Michel Rami ang logo sa transparent png. Gumawa rin siya ng hiwalay na logo ng club para sa mga pormal na dokumento nito upang mapag-iba ito sa logo ng social media accounts ng Nangyari Noon, Kasaysayan Ngayon. Ngunit hindi ito masyadong nagagamit sapagkat ang template na gamit sa mga dokumento ay standardized galing sa Kagawaran ng Edukasyon. Muling nirebisa ito ng Pres. Georgina Temblique sa mas simpleng disenyo. Ang tanging natira ay ang lalaking nakasalakot sa orihinal na logo, nakangiti, at sa ibaba ay may panyong nakatali na magkakaiba ang kulay: dilaw, pula, asul, at luntian. Datapwat, dahil naipagpalagay na ang AP club ay nagsimula bilang small group sa loob ng SSG noong 2017 kung kaya ito ang nailagay ni Pres. Ramil bilang panimulang taon nito.
Ang pangunahing pagkakakilanlan ng Katips, ang Katipins ay binibigay ng libre sa mga aktibong Katips upang ikabit sa lanyard ng ID. Ito ay sinimulan ni Pres. Temblique, halaw sa inspirasyon ng kanyang mga kaklase na nagkakabit ng mga pins sa lanyard bilang bahagi ng kanilang identidad. Nang lumaon ay ginaya na rin ito ng mga ibang organisasyon sa paaralan.
Ang KatipShirt ay ang club T-Shirt ng KKK. Ito ay ginagamit kada may aktibidad ang KKK sa paaralan. Para sa kauna-unahang KatipShirt, may limang pinagpilian na disenyo, at base sa poll, ang nanalo ay ang disenyo ni Bise-Presidente Andrei Conceja. Ipinaimprenta ito sa CSANSCI SPTA SY 2023-2024 bilang bahagi ng fund-raising nito. Ito ay unang ginamit sa unang taon ng HiSTORYBOOKS.
Ang opisyal na kulay ng KKK ay navy blue at white, datapwat ginagamit din nito ang mga kulay na luntian para sa Histotrivia, pula para sa Biglaang Balita, at kayumanggi sa iba pang paskil nito. Ang temang awitin nito ay ang Bagani ng PhilPop Musicfest Foundation para sa 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines (2021 QCP). Ang Nangyari Noon, Kasaysayan Ngayon ay ang pangalan ng social media arm nito sa Facebook, YouTube, at Google Sites. Si Juan dela Cruz o ang lalaking may salakot ang naging mascot ng KKK.
Ang By-Laws o ang kalipunan ng mga alituntunin ng KKK ay unang ginawa nila Pres. John Michel Ramil at Gabriel Ivan Varez noong Agosto 2021. Ito ay pinapaliwanag kada club orientation sa mga miyembro sa simula ng taon.
Sa ilalim ng pamumuno ni Pres. Russel Eanna Tedra sa taong panunuran 2023-2024, noong Setyembre 2023, ang By-Laws ng KKK ay nirebisa sa tulong ng Subject Coordinator na si Bb. Mara Danica Ramos at ng tagasuri na si Marc Lawrence Dizon sa gabay na rin ng dating presidente na si Georgina Temblique. Sa ilalim ng rebisyon na ito, nabago ang sistema ng eleksyon at mas lalong nabigyang diin ang gampanin ng mga opisyal at ng mga miyembro ng organisasyon.