Sino ang hindi nakaranas na magmadaling kumuha ng piso sa umaga upang habulin ang mamang nagtitinda ng Silken Tofu with Brown Sugar Syrup and Pearls at 100% sweetness level?
Ang lumabas ng paaralan kada uwian at makigulo sa pagtuhog ng fishball, kikiam, tokneneng, at squidball? Ang ngumasab ng manggang may bagoong o maubo sa usok galing sa iniihaw na isaw, betemax, addidas, walkman, o barbeque?
Ang marinig sa gabi ang palahaw ng magbabalot? Ang maglakad sa palengke at makakita ng mga piniratang DVD? Makipagtawaran sa mga ukay-ukay na pwesto? Maalok sa bus ng mga nagtitinda ng sigarilyo, mani, at tsitsirya?
Maniniwala ba kayo na ang mga taong ordinaryo nating nakikita sa mga lansangan ay hindi kabilang sa pormal na sektor ng ekonomiya? Ano ang ibig sabihin nito para sa atin, sa kanila, at sa ekonomiya?
Ating alamin ang laging taken for granted na sektor ng ekonomiya, ang impormal na sektor.
Ang impormal na sektor ang sektor ng ekonomiya na salat o walang pormal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya. Tinatawag ding underground economy, hindi nakarehistro ang kanilang kabuhayan dahil walang katiyakan kung sila'y kikita o hindi.
Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Nakakalungkot lang, dahil sa katotohanan, 30% ito ng kabuuang kita ng bansa.
Ang paglaganap ng Impormal na Sektor ay isang global phenomenon.
Hindi nakarehistro sa pamahalaan
Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita.
Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas.
Mapa-bahay, kalsada, o online, naglipana ang mga nagtitinda o freelancers na naglalako ng kani-kanilang produkto o serbisyo.
Mga gawaing labag sa batas, tulad ng pagnanakaw, smuggling, pamimirata, prostitusyon, trafficking, atbp.
Mga gawaing pansibiko, panrelihiyon, o pagkakawang-gawa na nakatuon sa pagtulong sa kapwa.
Malabanan ang matinding kahirapan.
Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan.
Makapaghanapbuhay ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at walang kasanayan.
Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos.
Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan (bureaucratic red tape).
Nabibigyan ng maraming pagkakataon ang mga Pilipino na makapag-hanapbuhay.
Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan.
Makakabili ang mga konsyumer ng mga abot-kayang produkto.
Nagkakaroon ng monopolyo.
Hindi matatag na kabuhayan.
Nagpapalaganap ng mga illegal na gawain at korupsyon.
Mababang kalidad o pamantayan ng produkto at serbisyo.
Hindi direktang nakakalikom ng buwis ang pamahalaan.
Republic Act 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997) - Kinikilala ang impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal. Isinusulong ang Social Reform Agenda (SRA) at itinatag ang National Anti-Poverty Commission (NAPC).
Republic Act 9710 (Magna Carta of Women) - Isinabatas bilang pandaigdigang pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations (UN). Inalis ang lahat ng anumang diskriminasyon laban sa kababaihan .Kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang sibil, politikal, at pang-ekonomiko gaya na lamang ng karapatan para makapaghanapbuhay at maging bahagi ng lakas-paggawa.
Presidential Decree 442 (Philippine Labor Code) - Ito ang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa. Naglalaban ng mga probisyon para sa espesyal na manggagawa at ukol sa mga pagsasanay na dapat ipagkaloob sa mga manggagawa upang mapaghusay pa ang kanilang mga kasanayan.
Ito ang namamahala sa mga programa ng pamahalaan para sa paglilingkod sa lipunan lalo na sa mahirap. Isa na dito ang Sustainable Livelihood Program.
Isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na may layuning mabantayan ang karapatan ng bawat konsumer o mamimili gayundin sa mga nagpapatakbo ng negosyo.
Arnel, R. (2018, May 21). Aralin 24 impormal na sektor. Slideshare. https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-24-impormal-na-sektor-97960522
“BT: Pitong Iligal Na Kubrador Ng Jai Alai, Kalaboso.” Youtube, uploaded by GMA News, 26 Sept. 2014, youtu.be/6zIlSIOlMPg.
C. (2015, August 9). Ano ang ibig sabihin ng pambansang kaunlaran - Brainly.ph. Brainly. https://brainly.ph/question/206292
D. (2016, February 17). Ano ang impormal na sektor - Brainly.ph. Brainly. https://brainly.ph/question/292490#:%7E:text=Ano%20ang%20Impormal%20na%20Sektor%3F%201%20Ang%20impormal,impormal%20na%20sektor%20ay%20tinatawag%20ding%20%22Underground%20Economy%22.
E. (2018, March 3). Aralin 5 impormal na sektor. Slideshare. https://www.slideshare.net/edmond84/impormal-na-sektor-8952279
H., & Profile, V. M. C. (n.d.). On getting a barangay certificate/clearance. Blogspot. Retrieved June 11, 2021, from http://superbusyme.blogspot.com/2010/04/on-getting-barangay-certificateclearanc.html
keith_newsfeedph. (2020, October 19). Impormal na sektor halimbawa at kahulugan ng mga ito. Philippine News Feed. https://newsfeed.ph/facts/87183/impormal-na-sektor-halimbawa-at-kahulugan-ng-mga-ito/
How to license your business - iZito. (n.d.). IZito. Retrieved June 11, 2021, from https://www.izito.ws/ws?q=how%20to%20license%20your%20business&asid=iz_ws_ba_8_gc1_05&de=c&ac=5789&cid=316279500&aid=1363394664720222&kid=kwd-85212344216764:loc-149&locale=en_US&msclkid=aa6f31b7b1fe10360b6e5174cacd4bf2
Impormal na sektor. (n.d.). TakdangAralin.Ph. Retrieved June 11, 2021, from https://takdangaralin.ph/impormal-na-sektor/#:%7E:text=Ang%20impormal%20na%20sektor%20ay%20bahagi%20ng%20sistemang,hindi%20kasama%20sa%20pagsukat%20ng%20ekonomiya%20ng%20bansa.
International Labour Organization. (2016, October 24). The informal sector (2002). YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=9rOnDyhEyQI
Lozano, Edmond. “Aralin 5 Impormal Na Sektor.” SlideShare, 3 Mar. 2018, www.slideshare.net/edmond84/impormal-na-sektor-89522794.
Pambansang kaunlaran. (2017, March 16). feliciavequizo.blogspot.com. https://feliciavequizo.blogspot.com/
Radyo Pilipinas 738. (2018, November 27). Alamin kay Eko at Miya kung paano nag-aambag ang informal sector sa economiya. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=Z4NykOGiUAU
Receipt maker app - seekweb. (n.d.). Receipt Maker. Retrieved June 11, 2021, from https://ph.seekweb.com/ws?q=receipt%20maker%20app&asid=sw_ph_sr_ba_10&de=c&ac=16180&cid=413176950&aid=1362295818814925&kid=kwd-85143982799705:loc-149&locale=en_PH&msclkid=06c8a5a428c81909bc67c567508ed64b
Techpopop. “Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay Sa Impormal Na Sektor.” Techpopop, 2016, www.techpopop.net/2016/02/mga-batas-programa-at-patakarang-pang.html?m=0.
Tuico, Les. “IMPORMAL NA SEKTOR.” Prezi.Com, 2021, prezi.com/uumrduzqexqo/impormal-na-sektor/?frame=678ff2a93cb8ac5d004667948444915e93784096.
“UB: Mga informal sector worker, ’di makikinabang sa umento sa sahod.” YouTube, uploaded by GMA News, 6 June 2018, www.youtube.com/watch?v=x_MT4lI7j8A&feature=youtu.be.
Xandra. “Impormal na Sektor.” YouTube, uploaded by Xandra, 14 Mar. 2017, www.youtube.com/watch?v=sPRtGztqjKY&feature=youtu.be.
Ang pahinang ito ay pinagsama-samang kontribusyon ng mga ikaapat na grupo sa ika-9 na baitang ng panuruang taon 2020-2021.
Lithium: Edison Manapat, Kent Raceles, Adam Azarcon, Shawn Jorge, & Enrico Tebigar
Beryllium: Sophia Calimlim, Clarisse Dansalan, Andre Escuin, Harry Magdaraog, Evo Pornebo, Euxine Ronquillo, & Jan Rain Tabug
Helium: Ritzher Fito, Amber Disquitado, Roselynn Musngi, Honey Pauig, Euella Santos, Angela Guerrero, Maxine Avanceña, & Jedrick Flores