Ang Kabataan Tungo sa Kaunlaran ng Kasaysayan (KKK) ay ang organisasyon sa ilalim ng Departmento ng Araling Panlipunan ng City of San Jose del Monte National Science High School. Datapwat, mas kilala ito sa tawag na AP Club. Ang mga kasapi nito ay binansagang Katipunero o Katip (plural: Katips). Sila ay makikilala sa pin na may logo ng club na nakakabit sa kanilang lanyard.
Tampok ang KKK sa mga buwan ng Agosto (Buwan ng Kasaysayan), Oktubre (Buwan ng Nagkakaisang Bansa at Buwan ng Katutubo), at Hunyo (Araw ng Watawat at Kalayaan). May ilan din itong mga makasaysayang araw na pinagdiriwang sa ibang mga buwan. Dahil dito, matibay ang pakikipagkaisa nito sa Supreme Student Government at Lexicon Club. Gayundin, handa itong umalalay kung hilingin ng mga tagapayo nito upang tumulong sa pagpapaunlad ng pagtuturo ng AP sa paaralan.
Nagsisimula ang pag-aanyaya nito ng kasapi sa umpisa ng pasukan, samantala ang pagboto sa mga susunod na lider ay sa katapusan ng taon. Ang paggawa ng plano ay sinasagawa bago pa magsimula ang bagong taong panuruan.
Dahil sa mga pagsasagawa ng online at onsite na mga aktibidad, gayundin ang pakikipagtulungan sa mga tagapayo nito, tila training ground ang club sa pamumuno. Gayundin, pinag-iibayo pa nito ang interes ng mga mag-aaral sa asignaturang AP.