Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Ni hao, Lao Shi!
Isa sa mga asignaturang pinag-aaralan natin sa CSanSci ay ang Mandarin. Ilan ba ang nagawi na sa Binondo? Nakakain na ng Tikoy, nakanood ng dragon o lion dance, namangha sa feng shui, nanood ng CDrama, o may mga lahing Tsino mismo? Ba't mabigat nating karibal ang Tsina sa West Philippine Sea at anong basis nila sa eight-dash line? Bakit ang ating gobyerno ay tila sinusubukang palalimin ang pakikisama sa bansang ito?
Ating alamin ang mahabang kasaysayan ng ating kapitbahay, ang Tsina.
Ang Tsina ay ang bansa sa may malayong Silangan. Napapaligiran ito ng mga natural na hadlang na nagpoprotekta sa bansa at nagpausbong sa sariling sibilisasyon nito.
Sa timog, ang bulubundukin ng Himalayas ang nagbunsod sa delikadong disyerto ng Gobi sa kanluran. Sa timog-silangan, makikita ang Timog Dagat Tsina kung saan naglalayag at nakikipagkalakalan ng mga Tsino sa Indochina at Pilipinas. Sa silangan, makikita ang Silangang Dagat at ang mga kapitbahay nitong Taiwan, Korea, at Japan. At sa hilaga, ang steppes ng Mongolia ang dahilan kung kaya tinayuan ito ng mga Tsino ng Great Wall upang maging tanggulan laban sa mga Mongol.
Dalawa ang ilog na nagbigay-buhay sa Tsina. Una ang Huang Ho o ang tinaguriang Ilog ng Dalamhati. Manilaw-nilaw ang lupang inaanod nito, dahil sa loess o buhanging galing sa Disyerto ng Gobi. Mayaman ito sa mineral, ngunit pinababaw din nito ang ilog kung kaya lagi itong binabaha. Ang isa pang ilog ay ang Yangtze, ang pinakamahabang ilog sa Asya.
Pinagpapalagay ayon sa alamat na ang unang dinastiya ay sinimulan ni Yu, isang inhinyero na tinalaga ng upang solusyunan ng malawakang pagbaha. Anak ni Gun, isang prinsipe na kamag-anak noon ni emperador Yao, nagtagumpay siya sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga dike at kanal. Siya ay tinaguriang "Ang Dakila" at ang tagapagtatag ng dinastiyang Xia. Sumibol ang dinastiyang ito mula sa Longsan, isang Neolitikong paninirahan sa Huang Ho.
Ayon sa alamat, nag-alsa ang mga tao sa pangunguna ni Tang laban tiranong si Jie sa Labanan ng Mingtiao. Sa kanya nagsimula ang dinastiyang Shang, ang unang dinastiya sa nasusulat na kasaysayan ng Tsina. Ang kanilang kapitolyo ay ang Anyang. Sa kanila nagpasimula ang konsepto ng Mandato ng Langit na nangangahulugang ang pinuno ay binasbasan ng mga diyos kung siya'y mabuti ngunit maaaring palitan kung siya'y naging masama. Ito ay marahil sa kanilang karanasan sa pagmamalupit ni Jie noon at upang malehitimo ang kanilang pagpalit sa dinastiyang Xia.
Ang dinastiyang Shang ay kilala bilang panahon ng bronse sa Tsina. Hindi lamang sila nakagawa ng mga kagamitan at sandatang bronse, nagsimula na rin ang paggamit nila ng jade, ang paghahabi nila gamit ang mga silkworm upang maging seda, at paghulma ng mga seramika gamit ang kaolin o maputing putik.
Nagsimula ang pagsulat ng mga Tsino mula sa buto ng mga baka at talukap ng mga pagong para sa kanilang mga oracle. Halong animismo at pagsamba sa mga ninuno ang kanilang relihiyon. Mula sa mga larawan ng mga bagay na nais nilang isulat o pictogram, naging simbolo at mga tunog ito na mga nagsilbing letrang Tsino ngayon o calligraphy.
Ang pinakamahabang dinastiya ng Tsina sa loob ng 900 taon ay sinimulan ni Wu Wang. Ang kabisera nito ay ang Luoyang. Ito ang panahon ng bakal sa Tsina. Naaayos din nito ang pamamahala at naitatag ang civil service kung saan may pagsusulit upang masala ang mga magagaling na opisyal at kawani ng pamahalaan. Dito rin sumibol ang ginintuang panahon ng pilosopiya sa Tsina.
Nagsulat ng Five Classics at Four Books. Isinasaalang-alang niya ang kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga salik ng pagkikipag-ugnayan, kagandahang-asal, kabutihan, katapatan, pagkamakatarungan, at katalinuhan. Nagmula sa kanya ang pilosopiya ng Confucianism.
Nagmula sa kanya ang mga katuruan sa Tao Te-Ching na naglalaman ng Way of Virtue. Ang pagtitiyaga, pagkamahinhin, at kababaang-loob ang isabuhay ng tao. Ang mundo para sa kanya ay may dalawang enerhiya, ang yin at yang, at ang balanse at pakikiisa sa kalikasan ang daan. Ito ang pilosopiya ng Taoism.
Naniniwala siya na ang mga tao ay natural na masasama at kailangan ng mahigpit na batas upang makontrol ito. Pinapahalagahan din nito ang estado higit sa mamamayan. Ito ang pilosopiya ng Legalism. Nagmula siya sa estado ng Qin, na lumaon ay naging pilosopiya ng susunod na dinastiya, ang Qin, sa ilalim ni Shih Huang Di.
Sa dulo ng pamumuno ng dinastiyang Chou, lumakas ang mga warlord dahil sa piyudalistikong pamumuhay ng mga tao. Mula sa 200 na taon ng Warring State Period, may isang estado ang nanaig noong 221 BCE: ang Qin, sa pamumuno ni Prinsipe Cheng. Pinroklama niya ang sarili bilang si Shih Huang Ti, ang unang emperador ng Tsina, at pinangalan ang imperyo alinsunod sa kanyang pangalan: China.
Isang legalista, ang malakas na personalidad ni Shih Huang Ti, gayundin ang kanyang kalupitan at kahigpitan, ang nagbunsod sa mga malalaking proyekto at pagbabago sa Tsina. Ipinatayo ang Great Wall upang maging depensa sa hilaga. Pinasunog ang mga aklat ng mga nakaraang dinastiya. Nagkaroon ng sistema ng pananalapi. Pinagawa ang kanyang punto na naglalaman ng hukbong yari sa Terracotta.
Pinaniniwalaang ang kanyang pagkahumaling sa habambuhay ang nagbunsod sa kanya upang mag-experimento sa iba't ibang mga kemikal at mahanap ang elixir. Nagbunsod ito sa kanya ng mercury poisoning.
Shang Dynasty. (n.d.). Retrieved from https://www.history.com/topics/ancient-china/shang-dynasty
Mark, E. (2016, January 31). Legalism. World History Encyclopedia. Retrieved from https://www.worldhistory.org/Legalism/
Mark, J. J. (2012, December 18). Shi Huangdi. World History Encyclopedia. Retrieved from https://www.worldhistory.org/Shi_Huangdi