Ang CSanSci Bazaar (dating Food Bazaar) ay ang pagbebenta ng mga mag-aaral ng CSANSCI para sa mga asignaturang Ekonomiks 9. Ito ay kadalasang ginaganap sa katapusan ng unang semestre/ikalawang markahan. Ang punong abala ay ang KKK sa pakikipagtulungan ng mga guro ng Araling Panlipunan at iba pang mga guro sa ika-9 na baitang. Nagsimula ito pagkatapos ng pandemya ng COVID-19, SY 2022-2023 kada katapusan ng ikalawang markahan.
Ang mga seksyon sa ika-9 na baitang ay hahatiin sa mga grupo na mamimili sa pagitan ng tatlong categorya. Matapos na ipasa sa guro ang ideya ng kanilang pagkain, tsetsekan ang mga ito upang masiguro na hindi magkakapareho ang kanilang ibebenta at maiwasan ang mas higit na kompetisyon sa pamilihan.
Ang snacks group ang pinakamahirap na booth sapagkat sila ang nangangailangan ng pagluluto sa mismong araw ng bazaar. Datapwat, sila rin ang pinakamabenta dahil sabik ang mga mag-aaral sa mga bagong pagkain.
Ang sweets group ang pinakamadaling ihanda na booth dahil karaniwang ginagawa ito ng mga mag-aaral araw bago ang bazaar. Mabilis din ang serving time nito. Ngunit, dahil bilang lang ang serving nito ay madali ring maubos at fixed din ang revenue dito.
Ang drinks group ang pinaka-flexible na booth sapagkat kaya nilang dagdagan ang kanilang serving hangga't madadagdagan ang ingredients. Ngunit, nagsisilbing hadlang sa kanila ang panahon kung mainit dahil natutunaw ang yelo nila; at kung maulan dahil magiging matumal ang benta.
Bilang culmination activity ng ika-9 na baitang sa kalahati ng taon, dalawang markahan ng Ekonomiks 9 ang nakalaan ukol dito, tulad ng paghahanda ng Entrepreneurship 12.
Ang mga mag-aaral sa ika-9 na baitang ay magpapasagot ng sarbey mula sa tig-5 na mag-aaral sa iba't ibang seksyon sa paaralan. Sa pamamagitan nito, maipapakita nila ang demand schedule, demand curve, at non-price determinants ukol sa kanilang produkto na unang aralin sa Ekonomiks 9 sa ikalawang markahan.
Ilalahad ng mga grupo ang mga business plans nila sa harap ng kanilang mga kaklase, KKK officers, at guro.
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng mga catchphrases at jingles na maaaring ipost sa kanilang social media o kaya magro-room-to-room na pag-iikot upang mahikayat ang mga ibang mag-aaral na bumili ng kanilang produkto.
Ang mga mag-aaral ng ika-9 baitang ay gagawa ng mga kaakit-akit na poster na nagpapakita ng tema, produkto, presyo, at pwesto nila sa bazaar. Ito ay parehong pinapaskil sa Facebook pages at sa bulletin board ng paaralan upang makita ng mga mag-aaral.
Ang bawat booth ay pinagpaplanuhan sa pamamagitan ng business proposals at reports. Ito rin ang pangkalahatang ulat ng plano, badyet, litrato, grapiko, sarbey, at repleksyon ng bawat pangkat. Kada taon, ipinapasa ito bago at pagkatapos ng bazaar. Ito ay nagsisilbi ring gabay sa mga susunod na ika-9 na baitang upang mapabuti pa lalo ang bazaar. Ito ay nakasulat sa wikang Ingles.
I-click ang mga sumusunod na posters upang makita ang mga business plans ng mga grupo.