S'ya ang unang babaeng nag-aruga,
nag-aalaga sa mga anak na itinuring n'yang biyaya.
May natatanging lakas, saya't ginintuang puso
na lubusang mawawasak 'pag sila'y inaabuso.
Sila ang ating pinakamamahal na ina,
na 'laging gumagabay sa landas na ating tinatamasa.
Sila'y tinatawag na ilaw ng ating mga tahanan,
nagniningning upang pamilya'y mapangalagaan.
Sila ang ating natatangi't nag-iisang ina,
na 'pag tinalikura'y mas masakit pa sa tusok ng espada.
Kaya, mahalin mo ang unang babaeng iyong nakilala
'pagkat hindi matutumbasan ang pagmamahal nila.