Unang bahagi ng Trilohiyang Tula (Mga Elemento ng Kalikasan, Naglalarawan sa'king Tauhan)
Ako'y isang munting bagay
na nakadikit kahit saang tangkay.
Buksan na ang inyong mga mata't tenga,
'pagkat sa inyong harapan, ako'y magpapakilala na.
Kaibigan, luntian ang aking kulay,
Sa puno ako’y nagbibigay buhay
Makikita ako sa labas ng inyong bahay
Sa ihip ng hangin, ako’y sumasabay.
Nabibighani ang mga tao kapag ako’y marami,
Pawang pagod nila’y agad mapapawi.
Nakangiti sabay nakatingin sa akin,
Ayun! Lumalanghap pala ng sariwang hangin.
Kasiyahan sa'king wangis ay bakas
Buhay na buhay ang diwang nagniningas.
Hoy! Ako'y panuorin ninyo,
pakendeng-kendeng na animo'y isang pliyego.
Sa pagbisita ng ‘di inaasahang pangyayari,
Ako ay 'di matatawarang nasira ng buhawi.
Ako ngayo'y inosenteng nakahandusay sa lupang tinubuan,
Nakakaawa kung ang wangis ko’y inyong titingnan.
Sa paglipas ng mga panaho’y nagbabago
Panandalian lang pala ang ginintuang ngiting naranasan ko.
Ngayon, ako'y nalalanta na sa lupa,
‘Di na ako isang berdeng dahong inyong makikita.