Hindi maitatanggi na ang mga dula ay siyang nagbibigay ng kaaliwan, aral, at ano pa mang mga emosyong lilitaw sa tuwing atin itong mababasa o mapapanood ang aksyong bersyon nito. Ang uri ng panitikan na ito ay naglalaman ng mga yugto na kung saan ay naglalayong itanghal o bigyan ng aksyon. Maraming diyalogo ang nakapaloob dito at minsan ay nagaganap sa iba't ibang puwesto ng entablado.
Ang koleksyong ito ay naglalaman ng isang (1) dula na kung saan ay inukit sa kultura buhat sa aking tinubuang bayan. Ito ay nababalutan ng mga tagpong nakatatawa at nakakaantig sa puso.