Ang parabula ay isang uri ng panitikan na kung saan ang kuwento ay maiikli at kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Layunin ng akdang ito na magturo o magbigay-aral sa mga bata at mga kabataan o kahit na anong edad man upang manatiling mabuti sa kapwa at nagniningning pa rin ang ating pananampalataya. Ang koleksyong ito ay naglalaman ng isang (1) parabula na hinango mula sa isang berso ng kabanata ng libro. Naglalaman ito ng aral na maaaring magamit tungo sa pang-araw-araw nating paglalakbay sa buhay.