Ang mga pabula ay mga maiikling katha na kung saan ang mga tauhan dito ay hindi mga tao, sa halip ay mga hayop. Karaniwang ang mga target ng mga akdang ito ay ang mga bata at mga kabataan sapagkat ito ay nagbibigay sa kanila ng kaaliwan at aral na maaari nilang maipinta sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Dagdag pa, napupuno rin ng kulay at imahinasyon ang panitikang ito na siyang nagbibigay-buhay at saysay sa konsepto at istorya ng mga hayop na naglalaro bilang mga tauhan sa kuwento.
Ang koleksyong ito ay naglalaman ng dalawang (2) pabula na kung saan ay naglalaman ng mga aral para sa mga bata at/o mga kabataan. Nawa'y maaliw at mgustuhan ninyo ang mga akda kong ito.