📖 Apocalipsis 3:14-22
“At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo…”
Ang Laodicea ay ang ikapitong iglesia sa serye ng pito sa Apocalipsis 2–3. Sa propetikong aplikasyon, ito ay hindi lamang lokal na iglesia noon kundi kumakatawan sa espirituwal na kalagayan ng iglesia sa huling kapanahunan, partikular mula 1844 hanggang sa pagbabalik ni Cristo.
Ang salitang “Laodicea” ay mula sa dalawang salitang Griyego:
Laos (λαός) = tao, bayan, people
Dike (δίκη) = katarungan, paghatol, judgment
🟨 Kaya ang “Laodicea” ay nangangahulugang:
“Ang bayan sa ilalim ng paghatol” o “Mga tao ng paghuhukom.”
📖 Daniel 8:14
"Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y lilinisin ang santuario."
Sa pagtatapos ng 2300 araw/taon na propesiya (457 B.C. + 2300 = 1844 A.D.), nagsimula ang paghuhukom para sa mga patay sa langit, isang yugto na tinatawag na investigative judgment.
👉 Kaya, mula 1844, ang bayan ng Dios ay pumasok sa panahon ng Laodicea — isang iglesia na nasa ilalim ng pagsisiyasat sa langit, habang nasa lupa ay binibigyan ng Dios ng babala at panawagan na magsisi, magbalik-loob, at tanggapin ang ginto, maputing damit, at gamot sa mata.
“The message to the Laodiceans is applicable to Seventh-day Adventists who have had great light, and have not walked in the light.”
✍️ Ayon sa kanya, ang Seventh-day Adventist Church — bilang tagatanggap ng mensahe ng tatlong anghel at liwanag ng santuario — ay siya mismong Iglesia ng Laodicea. Hindi ito insulto, kundi isang panawagan ng habag na gisingin tayo sa pagiging mlml, mapag-akalang mayaman ngunit dukha sa espiritu.
📍 Dahil ang iglesia ay itinayo pagkatapos ng 1844, at si Ellen White ay nagkaroon ng mga pangitain sa parehong panahon, malinaw na ang kanyang misyon ay konektado sa propetikong kalagayan ng Laodicea.
1. Sumasang-ayon sa kautusan at patotoo
📖 Isaias 8:20 – “Sa kautusan at sa patotoo: kung sila'y hindi magsalita ayon sa salitang ito, tunay na walang liwanag sa kanila.”
✅ Lahat ng sulat ni EGW ay humihikayat sa pagsunod sa kautusan ng Dios at sa pananampalataya kay Cristo.
2. Ang pahayag ay natutupad
📖 Jeremias 28:9
✅ Marami sa kanyang mga babala ay natupad: pagtaas ng spiritismo, pagbabalik ng kapangyarihan ng papa, panganib ng unhealthful living, pandemya, at pandaigdigang kaguluhan.
3. May bunga ng katuwiran
📖 Mateo 7:20 – “Sa kanilang mga bunga ay makikilala ninyo sila.”
✅ Bunga ng kanyang aklat ay milyon-milyong pagbabalik-loob, pagtatayo ng paaralan, hospital, at lifestyle centers sa buong mundo.
4. Hindi nagpapalaki sa sarili
📖 Juan 16:13 – “Hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili...”
✅ Paulit-ulit na sinabi ni Ellen White:
“I am a lesser light to lead men and women to the greater light.” (Colporteur Ministry, p. 125)
📜 Ang kanyang mensahe ay tugma sa Biblia at hula
⏳ Siya ay tinawag sa mismong panahon ng pagsisimula ng paghatol (1844)
🔥 Ang kanyang mga sulat ay nagbibigay ng panawagan sa Iglesia ng Laodicea: magsisi, bumili ng ginto, at lumakad kasama si Cristo
🕊️ Ang kanyang ministeryo ay nagdala ng bunga ng katuwiran at panibagong buhay
📖 Ang kanyang mga pahayag ay sumusunod sa lahat ng tuntunin ng tunay na propeta ng Dios