Mga dsda sheperd's rod po, may tanong po ako at hopefully masagot po ninyo.. Questions below...
1. Kung may literal na kingdom on earth sa palestine or canaan or sa Jerusalem, ano po gawain ni Christ kung may Pre-millineal kingdom? High Priest po ba sya or King of Kings sa PMK?
2. Kung na mention sa Acts 15:16 na tabernacle of David, ito po ba ay literal na Pre-millenial kingdom sa palestine or canaan or Jerusalem before 2nd coming?
3. Sabi nyo po na yung Ezekiel 9 ay purification ng SDA church lang sa earth, magkaiba po ba ito sa cleansing of the sanctuary in heaven na kung saan si Christ ay high priest?
4. Claim nyo na meron pang third elijah dahil sa SOP ni EGW pero bakit may past tense yung sinabi ni EGW tungkol sa Elijah kung literal nga yung tao na tinutukoy nyo and past tense din sinabi ni Christ sa Matthew 17:9-12 na connected sa Malach 4:5.. So ibig sabihin ba na si Houtef yung katuparan ng Malachi 4:5 na connected sa Matthew 17:9-12 na sinabi ni Jesus na past tense at symbolical meaning na tao yung tinutukoy ni EGW in the spirit and power of Elias or Elijah?
4. Kung may PMK belief nyo, ito po ba ay kingdom of glory? Or kingdom of grace?
5.. Kung literal na tao na 144k livings saints lang maliligtas sa loob ng SDA church after ezekiel 9, nasaan po ba mapabilang yung mga davidian na filipinos sa 12 tribes ayon sa Rev 7: 5-8 and James 1:1? Hudyo po ba kyo kung literal nga na tao na 12 tribes?
6: Kung literal nga yung 144k living saints after ezekiel 9, kabilang din ba sila Elijah at Enoch sa firstfruits dahiil sa Revelation 14: 3-4? Sila ay hindi nakaranas ng kamatayan simula pa noon..
7: Diba sa Revelation 7: 4-8 na nabilang na mismo dahil computed and counted na yung 144k sa twelve tribes (Rev 7:5-8) and 12 tribes sa James 1:1? Sinabi din ni EGW na "In Number" na living saints dahil counted na yung 144k sa 12 tribes ng Rev 7: 5:8... Wala nman sinabi sa bible and EGW na mismo na "In Number again"... Kung ganon eh tinalo pa natin yung mga angel in heaven na alam na ninyo kaagad kung ilan yung maliligtas sa SDA church after Ezekiel 9? Parang Dyos na kyo dahil alam nyo na kaagad yung specific numbers..
8. Nabasa po ba ninyo yung EGW writings tungkol sa John 18:36 na si Christ pa mismo nagsabi at sa Acts 1:6:7 and Matthew 5:20 at buong chapter ng book of hebrews chapter 8? Ano yung comment po ninyo?
9. Ano po yung belief nyo sa 1 Corinthians 15- 19-25?
10. Ilan po ba yung probation? Sabi ni EGW ay isa lang yung probation.. Sabi nyo mangangaral pa kyo sa great multitude after closed na yung probation sa SDA church? Mangangaral pa ba kyo kung close na yung probation sa loob ng SDA church? Ano sabi sa Matthew na great commision?
Mga kasagutan po sa mga tanong:
1. Kristo bilang Hari (King of Kings)
Sa Pre-millennial Kingdom, si Kristo ay itinuring na magiging Hari ng Kanyang Kaharian sa lupa bago ang Kanyang Ikalawang Pagdating. Ang mga talata tulad ng Daniel 2:44; 7:27 at Revelation 19:16 ay nagpapakita ng pagkakaroon ni Kristo ng kapangyarihan bilang Hari ng mga Hari sa isang literal na kaharian.
2. Ang Ezek 9 po ay purification of the church ayon sa 3T 266, 267 at 5T 211 - ito ay paglilinis ng Iglesia at pag-aani ayon sa Apoc. 14:14, at yong half an hour in Apoc. 8:1 ay panahon ng execution nito. Iyan po pagtigil ng hukuman at papalit sya ng damit at mabahiran ng duog ang kanyang damit ayon sa Isa. 63. That is where He was clothed with the garment of vengeance (BEcho, March 8, 1897 par. 6}
3. Past tense po ang ginagamit ng mga Propeta dahil nakita po nila kapatid. at ang mga sulat po ng mga propeta ay ganun di kahit kay Kristo dahil itong Bibliya sinulat para ating alam ang hinaharap, it has an historic anf prophetic application - study typology po in the Bible. Ayon po kay King Solomon, "Ang nangyari na ay mangyayari uli; at ang nagawa na ay magagawa muli: at walang bagong bagay sa ilalim ng araw. Eccl. 1:9.
4. Ang Kaharian ng Diyos ay ipinapakita sa tatlong magkakahiwalay na yugto:
Kaharian ng Biyaya – Ang unang pagdating ni Kristo at ang Kanyang sakripisyo ay nagdadala ng kaligtasan. (GC, p. 347)
Kaharian ng Katuwiran – Isang pinuripikadong, nakikitang iglesia na nagpapakita ng karakter ng Diyos sa panahon ng paghuhukom. (1 Peter 4:17; Malachi 3:3; 5T, p. 214; Isaiah 60:1-3
Kaharian ng Kaluwalhatian – Ang bahagyang kaluwalhatian, nang ang mga lingkod ng Diyos ay nagbigay-liwanag sa mundo ng kaluwalhatian (Apoc. 18: 1-4), at pagkatapos ang huling katuparan sa ikalawang pagdating ni Kristo at ang Bagong Lupa. (Ephesians 5:27; Isa. 66:19, 20; PK 19, 22, 713-725; Rev. 18:1-4 - the earth will be enlightened with God's glory through His remnant people) See COL 420; Eph 5:27 - no one can see Jesus face to face without His glory in them, they (wicked) will be consumed; GC 508; DA 107; The Great Controversy, p. 341:
"The work of spreading the gospel is the work of establishing the kingdom of glory. As the gospel spreads and people accept Christ as their Savior, they become citizens of the kingdom and reflect His glory. The kingdom is not of this world, but it is manifesting itself in the lives of His people."
Ayon po sa talatang ito, Ang Kaharian ng Kaluwalhatian ay sumusulong habang tinatanggap ng mga tao si Kristo at nagiging bahagi ng Kanyang espirituwal na kaharian. Ang gawaing ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mensahe ng ebanghelyo at ang buhay ng mga banal na nananampalataya.
Ang pag-unawa sa mga yugtong ito ay nagbibigay-linaw kung paano ang Kaharian ng Diyos ay unti-unting nagiging maliwanag sa Kanyang mga tao.
5. Ayon po sa Testimonies for the Church volume 3 page 266-267 - ang Closing work for the church is the sealing of the 144,000 - the purification of the Church. Pagkatapos po nitong Purification ay Triumphant na po ang Church hindi na Militant Basahin po ang Acts of Apostles Chater 58 Church Triumphant - wala na pong panirang damo sa kanilang kalagitnaan. They are pure and pronounce righteous - dahil ang unang hatulan ay ang ating Iglesia SDA (1Pet. 4:17; 5T 211)
6. Hindi po sila kabilang sa 144,000, dahil si Enoch po ay hindi Israelita, si Elijah naman po ay sya ang type ng 144,000> Ang 144,000 po ay mula sa modernong Israelita (SDA) ito po ang unang vision ni EGWhite Early Writings 14, 15; Sila po ang binanggit din po sa PK 713 na numbered witnesses, at sila po ay mga buhay na hindi nakaranas ng kamatayan. LIVING SAINTS - the first fruit of the harvest (Rev. 14:1,14)
The Type:
Enoch was not an Israelite, he lived before Jacob.
He bore a palm in his hand.
Antitype:
Rev. 7:9 – The Great Multitude come from all nations, kindred, tongues and peoples. Mt. 23:27; Mat. 10:5-8; Lk 24:47; Acts 1:8
They have palms in their hands
The Type:
Elijah was an Israelites (1 Kings 17:1)
He wore a long mantle (2 Kings 2:8, 14)
Antitype:
144,000 are from modern Israel (Rev. 7:4)
They also wear long mantles (EW 16, 18; Jer. 31:15; Mat. 2:15-17)
7. Narinig mismo ni Juan tinig na 144,000 - ayon sa sinulat nya "in number" at Tinutukoy ng Diyos nang partikular ang 12,000 mula sa bawat tribo. Ngunit sa talata 9, nakita ni Juan ang isang hindi mabilang na kumpanya. Ipinapakita ng paghahambing na ang isa ay isang tinukoy na kumpanya (144,000), ang isa naman ay hindi tinukoy. Kaya, ang bilang ng 144,000 ay kailangang literal, hindi simboliko.
Sa orihinal na Griegong pagsasalin, ito ba ay simboliko?
Hindi, ito ay isang bilang na binilang.
ἀριθμός
arithmos
ar-ith-mos'
Mula sa G142; isang bilang (bilang na binilang): - bilang.
8. Tama po hindi makalupa ang Kaharian ngunit hindi ibig sabihin na hindi sya magpatayo ng Kanya kaharian dahil ito ay hula na inihayag kay Daniel>
" in the days of these kings" ibig sabihin kapatid - may mga hari pa sa lupa ng ipatayo ni Kristo ang Kanyang kaharian - basahin din po ang Isaiah 9:7
"Ang pagdami ng kanyang pamamahala at kapayapaan ay walang hanggan, sa trono ni David, at sa kanyang kaharian, upang ayusin ito, at itatag ito sa pamamagitan ng paghuhukom at katarungan mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ng Panginoon ng mga hukbo ang magtutulot nito." (Isaias 9:7, Ang Biblia)
Ang talatang ito ay naglalarawan ng walang katapusang pagpapalawak ng pamamahala at kapayapaan ng Mesiyas, na ang kaharian ay itatatag sa katarungan at paghuhukom. Ang Panginoon mismo ang magtataguyod at magsisiguro ng katuparan ng Kanyang mga pangako.
Ang verse 6 po ay natupad na ngunit itong verse 7 ay hindi pa po - Note - sa trono ni David.
Acts 1:6,7 - ang mga Hudio po ay nag expect din pero hindi sa kanilang panahon matupad ito kundi sa huling panahon - Basahin din po ang sumusunod:
When will the Kingdom be Restored?
Dan. 2:44 “In the days of these kings.”
Mic. 4:1; Isa. 2:2-3 “In the last days.”
Hosea 3:4-5 “After many years.”
Jer. 30:18, 21-24; Num. 24:14, 17-19 “in the latter day.”
Matt. 17:11; Mal. 3:1; 4:5-6 “At the time of restoration.”
Luke 21:24 “After the times of the Gentiles is fulfilled.”
Zech. 14:1, 2, 11, 16-17; Zeph. 2:4-7, 9 “after a world war at Jerusalem.”
9. Pansinin po ang verse 23 - "Nguni't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling kapanahunan: si Cristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Cristo sa kaniyang pagparito."
Paliwanag ayon sa Bibliya at SOP
1. Pagkakasunod-sunod ng Pagkabuhay na Mag-uli (Resurrection Order)
Ang talatang ito ay nagpapakita ng sunod-sunod na pagkabuhay-muli ng mga patay ayon sa plano ng Diyos:
"Si Cristo ang pangunahing bunga" – Ipinapakita nito na si Cristo ang unang nabuhay mula sa mga patay tungo sa buhay na hindi na mamamatay muli (Colosas 1:18, Apocalipsis 1:5). Ang Kanyang muling pagkabuhay ay garantiya ng muling pagkabuhay ng Kanyang mga tagasunod.
"Pagkatapos ay ang mga kay Cristo sa Kanyang pagparito" – Ito ay tumutukoy sa pagkabuhay-muli ng mga matuwid sa unang pagkabuhay-muli sa ikalawang pagdating ni Cristo (1 Tesalonica 4:16-17, Apocalipsis 20:6).
Pagpapaliwanag ng SOP (Spirit of Prophecy)
Ellen G. White, The Great Controversy, p. 644
"Amid the reeling of the earth, the flash of lightning, and the roar of thunder, the voice of the Son of God calls forth the sleeping saints. He looks upon the graves of the righteous, then, raising His hands to heaven, He cries: 'Awake, awake, awake, ye that sleep in the dust, and arise!' Throughout the length and breadth of the earth, the dead shall hear that voice, and they that hear shall live."
Ayon kay Ellen White, sa ikalawang pagdating ni Cristo, ang mga patay na matuwid ay muling bubuhayin bilang katuparan ng pangakong ito sa 1 Corinto 15:23.
3. Espesyal na Pagkabuhay-Muli bago ang Ikalawang Pagdating (Daniel 12:2)
Bagama’t sinabi ni Pablo na ang mga matuwid ay bubuhayin sa pagparito ni Cristo, may espesyal na pagkabuhay-muli na magaganap bago ito:
Daniel 12:2 – "At marami sa nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba sa buhay na walang hanggan, at ang iba sa kahihiyan at sa walang hanggang kasuklamsuklam."
Sa Great Controversy, p. 637, binanggit ni Ellen White na bago ang mismong pagdating ni Cristo, ang ilan sa mga matuwid at masasama ay bubuhayin upang makita ang Kanyang kaluwalhatian—isang espesyal na pagkabuhay-muli.
1 Corinto 15:23 ay nagpapakita ng sunod-sunod na pagkabuhay-muli:
Si Cristo bilang unang bunga – Siya ang unang nabuhay tungo sa buhay na walang hanggan.
Ang mga kay Cristo sa Kanyang pagparito – Ang unang muling pagkabuhay ng mga matuwid sa Kanyang ikalawang pagdating.
Espesyal na pagkabuhay-muli (Daniel 12:2) – May ilan na bubuhayin bago ang ikalawang pagdating upang maging saksi ng kaluwalhatian ni Cristo.
Ipinapakita nito na may tiyak na kaayusan ang Diyos sa pagkabuhay-muli ng mga tao, ayon sa Kanyang banal na plano ng pagtubos.
10. Sa Bibliya kapatid, ang probation ay ibinigay sa Kanyang Iglesia bilang depository of all truth and will be a light to the world na hindi natupad ng mga sinaunang Israelita (PK 713) Matutupad sa Kanyang Iglesya sa Huling mga Araw>
1. Close of Probation for the Church (Pagsasara ng Probasyon para sa Iglesia)
A. Paghuhukom sa Bahay ng Diyos
1 Pedro 4:17 – "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung una nga sa atin, ano kaya ang wakas nila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?"
Ang paghuhukom ay nagsisimula sa iglesia. Ito ay tumutukoy sa investigative judgment, na nagsimula noong 1844 sa makalangit na santuwaryo (Daniel 8:14). Sa panahong ito, ang mga nabubuhay na kaanib ng iglesia ay hahatulan, at ang tapat ay tatatakan at malilinis bago ang pagsasara ng kanilang probasyon.
B. Pagtatak ng 144,000 (Ezekiel 9 at Apocalipsis 7)
Ezekiel 9:4-6 – Ang mga tunay na lingkod ng Diyos ay tatatakan bago ang paghatol sa iglesia.
Apocalipsis 7:1-4 – Ang 144,000 ay tinatakan upang makaligtas sa darating na kapahamakan.
Bago ang pagsasara ng probasyon para sa sanlibutan, ang paghuhukom ay matatapos muna sa iglesia, at ang mga matapat ay itatatak bilang unang bunga ng Diyos (144,000). Ang mga hindi lumalakad sa liwanag ay aalisin mula sa iglesia (pagtanggal ng mga masama sa iglesia - Ezekiel 9).
Ellen G. White, Testimonies for the Church Vol. 5, p. 211:
"Here we see that the church—the Lord’s sanctuary—was the first to feel the stroke of the wrath of God."
Ipinapakita nito na ang probasyon ng iglesia ay magsasara muna bago ang sanlibutan.
2. Close of Probation for the World (Pagsasara ng Probasyon para sa Sanlibutan)
A. National Sunday Law - Ang Huling Pagsubok
Ellen G. White, Last Day Events, p. 228
"The time of God's destructive judgments is the time of mercy for those who have had no opportunity to learn what is truth. The Lord will hold out His hand divine to these souls."
Habang ang iglesia ay dumadaan sa una nitong pagsasara ng probasyon, ang sanlibutan ay magkakaroon pa ng pagkakataon upang tumugon sa mensahe ng babala, lalo na sa panahon ng National Sunday Law (Apocalipsis 13:15-17).
B. Ang Huling Pagsasara ng Probasyon para sa Lahat ng Tao
Apocalipsis 22:11 – "Ang liko ay patuloy na lumiko, at ang marumi ay magpakarumi pa: at ang matuwid ay magpatuloy na gumawa ng katuwiran, at ang banal ay magpakabanal pa."
Ito ang huling pagsasara ng probasyon para sa buong mundo, kung saan wala nang maliligtas pagkatapos nito.
Ellen G. White, The Great Controversy, p. 613
"When the third angel’s message closes, mercy no longer pleads for the guilty inhabitants of the earth."
Sa puntong ito, ang lahat ng hahatulan sa sanlibutan ay natapos na, at susunod na ang pitong huling salot (Apocalipsis 16).
Konklusyon: Dalawang Yugto ng Pagsasara ng Probasyon
Close of Probation for the Church (Paghuhukom sa bahay ng Diyos)
Nagsimula noong 1844 (Investigative Judgment).
Ang 144,000 ay tatatakan bago ang pagsasara ng probasyon ng iglesia.
Ang mga hindi karapat-dapat ay aalisin mula sa iglesia (Ezekiel 9).
Close of Probation for the World
Magsasara matapos ang huling babala ng ikatlong anghel.
Ang National Sunday Law ay magiging huling pagsubok ng mundo.
Ang Apocalipsis 22:11 ay ang opisyal na pagsasara ng probasyon ng lahat ng tao.
Sa pagitan ng dalawang yugto ng pagsasara ng probasyon, magkakaroon ng pangangaral ng huling babala sa sanlibutan, bago tuluyang mawala ang awa ng Diyos.
Idalangin kapatid at Pag-aralan ng Mabuit. Maraming salamat at Purihin ang Panginoon!