Pangunahing Tanong:
Paano nakatutulong ang kalakalang panlabas sa ekonomiya Pilipinas at iba pang mga bansa?
Pagpapahalaga
Pagkakaroon ng malalim na pagpapahalaga (appreciation) sa mga pakinabang na nakukuha ng bansa mula sa pandaigdigang kalakalan
Pagsisikap (determination) na makapag-ambag ng talino at kakayahan para sa ikabubuti hindi lamang ng bansa kundi ng lipunang pandaigdig
Ang kalakalan ay tumutukoy sa proseso ng pagbili at pagbebenta ng produkto at serbisyo. Ito ay nauuri sa dalawa: kalakalang panloob (domestic trade) at kalakalang panlabas (international trade). Ang kalakalang panloob ay tumutukoy sa pamamahagi o pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo sa loob ng isang bansa. Nagiging daan ito upang maiparating ang iba't ibang lokal na produkto saan mang bahagi ng bansa. Ang kalakalang panlabas naman ay tumutukoy sa pakikipagpalitan ng kapital, kalakal, at serbisyo sa pagitan ng mga bansa upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito ang pagtutuonan ng pansin sa aralin.
Nangyayari ang pandaigdigang kalakalan bunga ng kagustuhan ng mga bansa na punan ang kanilang mahahalagang pangangailangan o kaya naman ay ibahagi ang kanilang mga saganang produkto at serbisyo sa ibang bansa upang magkaroon ng karagdagang kita. Nangyayari ang palitan sa pamamagitan ng tinatawag na importasyon (importation) at eksportasyon (exportation).
Lahat ng negosyo na nagaganap ang transaksiyon sa ibang bansa o ibayong dagat ay saklaw ng kalakalang panlabas. Ang sumusunod ay ilan sa mga palakad o karaniwang nangyayari sa kalakalang panlabas:
Ang kalakalang panlabas ay laging nangyayari sa labas ng isang bansa, sa pagitan ng dalawa o higit pang bilang ng bansa.
Gamit sa kalakarang panlabas ang foreign currency. Ang dolyar ng United States ang pamantayang salaping gamit sa pandaigdigang kalakalan.
Ang anumang produktong nagmumula sa ibang bansa, bagama't legal, ay nasasaklawan pa rin ng restriksiyon o regulasyon ng bansang tatanggap nito tulad ng embargo o quota. Ito ay isinasagawa upang mapangalagaan ang maliliit na industriya ng isang bansa, maiangat ang bilang ng may hanapbuhay sa isang bansa at mapigilan ang pag-aangkat ng legal ngunit nakasasamang produkto tulad ng tabako, alak, at iba pa.
Ang kalakalang panlabas ay kontrolado ng panlabas na organisasyon o samahan kung saan kasapi ang bansa. Halimbawa nito ang World Trade Organization (WTO) na kumokontrol sa pandaigdigang kalakalan.
Ugnayan ng Pilipinas sa mga Pandaigdigang Samahan Kaugnay ng Panlabas na Pakikipagkalakalan Nito
Ang World Trade Organization (WTO) ang nagsisilbing daan tungo sa liberalisasyon ng pandaigdigang kalakalan. Ang WTO ay may pangunahing layunin tulad ng pagbibigay-daan sa mga pangkalakalan at ayusin ang anumang sigalot na may kinalaman sa kalakalan.
Bilang kasapi ng ASEAN Economic (AEC), napakikinabangan din ng Pilipinas ang pagkakatatag ng ASEAN Free Trade Area (AFTA) na sumusuporta sa kalakalan at pagmamanupaktura ng mga produkto sa rehiyon. Maliban sa AFTA, nakipag-ugnayan din ang ASEAN bloc sa ilang bansa sa Asia Pacific. Kabilang dito ang China, Australia, Japan, South Korea, at New Zealand. Dito nabuo ang tinatawag na Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Bilang kasapi ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), ang 85% ng inaangkat na produkto ng Pilipinas ay nagmumula sa mga bansang kasapi ng APEC. Gayundin, ang 82% naman ng iniluluwas ng bansa ay pawang patungo sa mga bansang kasapi nito. Bukod rito, ang 83% ng turista sa bansa ay nagmumula rin sa rehiyon. Inaasahan na higit pang makikinabang ang Pilipinas bilang kasapi ng samahan sa mga susunod na taon.
Ang Balance of Trade (BoT) ay tumutukoy sa kabuoang halaga ng iniluluwas (export) ng bansa kompara sa inaangkat (import) nito. Kapag higit na mataas ang import kaysa sa export, may negatibong balance of trade o tinatawag na trade deficit. At kung higit namang mataas ang export kaysa sa import ay may positibong balance of trade o tinatawag na trade surplus.
Ang prinsipyong ito ang nagsisilbing gabay ng mga bansa sa pagpapatupad ng pandaigdigang kalakalan. Sa pamamagitan ng balance of trade at balance of payments, nakikita kung nakikinabang
Ang mga prinsipyong ito ang nagsisilbing paliwanag kung bakit may mga bansang nagpapakadalubhasa sa paglikha ng ilang uri ng mga produkto. Ang bawat bansa ay may kani-kaniyang kakayahan sa paglikha ng mga produkto at serbisyong maaaring mapakinabangan hindi lamang ng mamamayan nito kundi pati na ang pandaigdigang merkado.
Katulad ng ibang bansa, aktibo ang Pilipinas sa kalakalang panlabas. Sa pamamagitan nito, natutugunan ang maraming pangangailangan ng mga mamamayan. Pag-aralan ang sumusunod na talahanayan tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas.
Ang taripa ay kilala rin sa tawag na customs o duties. Ito ay walang ipinagkaiba sa buwis na binabayaran, maliban sa ito ay para sa mga produktong inangkat (imported goods). Ipinatutupad ang taripa upang makakalap ng kita ang pamahalaan at upang mapangalagaan ang maliliit na prodyuser sa lokal na pamilihan.
Mga Pakinabang mula sa Kalakalang Panlabas
Maraming kapakinabangan ang maaaring makuha mula sa pakikipagkalakalan. Bukod sa mababang presyo ng mga produkto, maaari din itong magtaglay ng magandang kalidad dahil sa kompetisyon. Pinasisigla at pinalalawig din ng kalakalang panlabas ang pagpapabuti ng produksiyon sa bansa. Naipakikilala ang mga makabago o modernong teknolohiya sa produksiyon. Nagbubukas din ito ng oportunidad para higit na mapalago at mapatatag ang iba't ibang sektor tulad ng agrikultura, industriya, at paglilingkod. Sa tulong ng kalakalang panlabas, naipakikila rin ang mahahalagang produkto ng bansa sa pandaigdigang pamilihan. Nagiging daan din
LAMANG ANG MAY ALAM